You are on page 1of 19

TUNTUNIN SA

PANGHIHIRAM
Layunin:
1. Nalalaman ang iba’t ibang tuntunin sa
panghihiram
2. Natutukoy ang kayarian ng pantig ng bawat salita
3. Nakababaybay ng salita ayon sa tuntunin sa
panghihiram
MGA HAKBANG AT
PARAAN SA
PAGTUTUMBAS
Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino
na manghiram sa Ingles, Espanyol at iba pang wika para
matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong
kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng
modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa na ang
karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika at malayanh
naghihiram ng mga salita anumang varayti ang ginagamit,
pasalita man o pasulat.
Mga Tuntunin sa Paghihiram
1. Sundin ang mga sumsunod na lapit sa
paghanap ng panumbas sa mga hiram na
salita:
a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang
panumbas sa mg salitang banyaga.
Halimbawa: Hiram na salita Filipino
Rule Tuntunin
Ability Kakayahan

b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng


bansa.
Halimbawa: Hiram na salita Filipino
Hegemony gahum(Cebuano)
imagery haraya(Tagalog)
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa
Espanyol,Ingles at iba pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa: Ingles Filipino
Radical Radikal
commercial komersyal

Espanyol Filipino
cheque tseke
litro litro

Iba pang wika Filipino


kimono(Japanese) kimono
glasnost(Russian) glasnost
Malinaw ang mga lapit sa panghihiram.Gayunpaman,sa pagpili ng
salitang gagamitin,isaalang-alang din ang mga sumusunod:

2. Gamitin ang mga letrang C, Ň,Q,X,F,J,V,Z kapag ang salita ay hiniram


nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon.
a. Pantanging ngalan
Halimbawa:
Tao Lugar Gusali Sasakyan Pangyayari
Julia Valenzuela State Condominium Doña Monserat El Niño
Quirino Canada Cañeze Bldg Qantas Airlines Storm

b. Salitang Teknikal o siyentipiko Halimbawa: Marxism Filament Quartz


Enzyme
c. Salitang may natatanging kahulugang cultural
Halimbawa: Azan(Tausug)- unang panawagan sa pagdarasal ng mga
Muslim Ifun(Ibanag)- pinakamaliit na banak

d. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o


higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa: monsieur, plateau, champagne, laissez faire

e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit


Halimbawa: fax, e-mail, taxi, exit
3. Gamitin ang mga letrang F,J,V,Z para katawanin ang mga tunog, /f/
,/j/ ,/v/ ,/z/ kapag binabaybay sa Filipino angmga salitang hiram.

Halimbawa:
zipper-zipper fixer-fikser
vertical-vertikal subject-sabjek

4. Gamitin ang mga letrang C,Ň,Q,X sa mga salitang hiniram nang buo.

Halimbawa: Cataluňa, xenophobia , requiem ,reflex


Hinango ito sa 2001 revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamumuno ni Dr. Rosario E.
Maminta.
MGA TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY
 Ang wikang Filipino ay may tuntuning ipinatutupad sa larangan
ng pagbigkas,ito’y kung ano ang bigkas ay siyang baybay.
 Ang pagpasok ng mga naidagdag na titik sa ating alpabeto ay
hindi dapat na makalito sapagka’t nananatili ang dating baybay
na salita.
 Ang pagbabago ng Alpabetong Filipino ay upang madaling
maisama ang salita sa iba pang katutubong wika sa Pilipinas.
 May mga titik na kakatawan sa lahat ng katutubong wika sa
bansa.
1. Pabigkas na Baybay Ang pabigkas na baybay ay dapat
pa-letra at hindi papantig.Isa-isahing bigkasin ang mga
letra para sa maayos na pagkakasunud-sunod. Ang
pagbigkas ng letra ay bigkas sa wikang Ingles maliban na
lamang sa enye.
Ang pabigkas na pagbaybay sa mga sumusunod :
salita,daglat,akronim,inisyal at simbolong pang-agham:
Salita:Pasulat
Pabigkas
sangkap = s-a-n-g-k-a-p (es-ey-en-ji-key-ey-pi) Daglat:
Dir.(Direktor) = D-I-R
Akronim:
KAPPIL(Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipinas) = K-A-P-P-I-L
Inisyal:
M.L.Q (Manuel Lusi Quezon) = M-L-Q
Simbolong Pang-agham:
NaCl (salt/asin) N-a-C-l
2. Pasulat na Pagbabaybay
a. Sinusunod ang alintuntunin na kung ano ang bigkas ay siyang
baybay,kung ano ang baybay ay siyang basa, sa pagbabaybay ng mga
karaniwang salitang Filipino, hiram man o katutubo.
Halimbawa: baso(v), tsokolate(ch,c), singko(c,c)
b. Ang dagdag na walong letra: C,F,J,Ň,Q,V,X,Z ay ginagamit sa mga
sumusunod:
1. Pangalang Pantangi
Halimbawa: Tao: Peňafrancio, Lugar: Rizal, Gusali: Centertown Building ,
Sasakyan: JAC Liner
2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
Halimbawa: caňao (panseremonyang sayaw ng mga Igorot)
3. Ang mga salitang banyaga na bago pa lamang ginagamit
sa Filipino ay maaring isulat alinsunod sa baybay nito sa
wikang pinang-hiraman.
Halimbawa: airport, video , zerox , golf

4. Ang mga salitang pang-agham at teknikal ay hinihiram


nang walang pagbabago,gayundin ang mga simbolong
pang-agham.
Halimbawa: computer, compound, x-ray ,molecules
ANG PANTIG AT
PALAPANTIGAN
1. Ang Pantig
 Isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng
tinig sa pagbigkas ng salita.
Halimbawa: a-ko , i-i-wan , it-log sam-bot, mang-
ya-ya-ri ma-a-a-r
2. Kayarian ng Pantig
 Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga local na wika at
panghihiram.
 Ang pagtukoy sa pantig,gayundin sa kayarian nito ,ay sa pamamagitan ng paggamit
ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Kayarian Halimbawa
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-perto
KKPK plan-tsa
KKPKK trans-portasyon
KKPKKK shorts
3. Ang Pagpapantig
 Ang pagpapantig ay paraan ng pagbabaha-bahagi ng
salita sa mga pantig.
Salita Mga Pantig
aalis a-a-lis
buksan buk-san
eksperimento eks-pe-ri-men-to
asambleya a-sam-ble-ya
ekstradisyon eks-tra-di-syon

You might also like