You are on page 1of 23

MORPOLOHIYA

- Bb. Janice B. Alisaca


Layunin:
 Naipaliliwanag ang
kahulugan ng morpema.
 Natutukoy ang iba’t ibang
anyo at uri ng morpema.
 Nakabibigay ng mga
halimbawa ayon sa anyo at
uri ng morpema.
Morpolohiya
Ang morpolohiya ay ang pag-
aaral ng mga morpema ng isang
wika at ng pagsasama-sama ng
mga ito upang makabuo ng salita.
MORPEMA
Ay ang pinakamaliit na
yunit ng isang salita na
nagtataglay ng
kahulugan.
Ang salitang makahoy,
halimbawa, ay may dalawang
morpema: (1) ang unlaping
(ma-) at ang salitang-ugat
ma (kahoy). Taglay ng
unlaping (ma-) ang
kahulugnag “marami”na
isinasaad ng salitang-ugat.
Samantala, pansinin na
ang salitang babae, bagamat
may tatlo pa ring pantig
tulad ng mabait, ay binubuo
lamang ng iisang morpema.
Hindi na ito mahahati pa sa
maliit na yunit o bahagi
nang hindi masisira ang
kahulugan..
2. MGA ANYO NG
MORPEMA

a. Ang morpemang binubuuo ng


isang ponema.
b. Ang morpemang binubuo ng
panlapi
c. Ang morpemang binubuo ng
salitang-ugat
a. Ang morpemang binubuo ng
isang ponema

Magkaiba sa kasarian ang


tinutukoy ng mga salitang
porpesor at propesora.
Nakikilala ang pagkakaibang
ito sa pamamagitan ng (-a)
sa posisyong pinal ng
ikalawang salita.
a. Ang morpemang binubuo ng
isang ponema

Ang ponemang /a/ ay


makahulugnag yunit na
nagbibigay ng kahulugnag
“kasariang pambabae.”
samakatuwid, ito ay isang
morpema. Ang salitang
propesora ay binubuo ng
dalawang morpema:
(propesor) at (-a).
a. Ang morpemang binubuo ng
isang ponema

Iba pang halimbawa ng


mga salitang hiram sa
kastila:
Doktor- doktora
Senyor- senyora
Plantsador- plantsadora
Kargador- kargadora
b. Ang Morpemang binubuo ng
panlapi

Ang mga pannlapi ay may


kahulugang taglay, kayat
bawat isa ay isang morpema.
Halimbawa:
Ang panlaping um-/-um- ay
may kahulugang “pagganap sa
kilos na isinasaad ng
salitang-ugat”.
b. Ang Morpemang binubuo ng
panlapi

sa pandiwang umawit, ang


um- ay nangangahulugnag
“gawin o ginawa ang kilos ng
pag-awit”.
c. Ang morpemang binubuo ng
salitang-ugat

Ang morpemang binubo ng


salitang-ugat ay mga salitang
payak, mga salitang walang
panlapi.
Halimbawa:
Anim tulay
Basa isip
Banda diwa
3. MGA URI NG
MORPEMA
(1)Mga morpemang may
kahulugang leksikal, at
(2)Mga morpemang may
kahulugang pangkayarian
✘May dalawang uri ng morpema
ayon sa kahulugan. Makikita ito sa
halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya


ay nanalo sa dance olympic.
a. Mga morpemang may kahulugang
leksikal

✘Ito ang mga morpemang tinatawag


ding pangnilalaman pagkat may
kahulugan sa ganang sarili. Ito ay
nangangahulugan na ang morpema ay
nakakatayo ng mag-isa sapagkat may
angkin siyang kahulugan na hindi na
nangangailangan ng iba pang salita.
a. Mga morpemang may kahulugang
leksikal

✘Halimbawa sa pangungusap na
(Magaling sumayaw si Rik kaya siya
ay nanalo sa dance olympic.)
✘, ang mga salitang magaling,
sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at
olympic ay nakakatayo nang mag-isa
dahil nauunawaan kung ano ang
kanilang mga kahulugan.
b. Mga morpemang may kahulugang
pangkayarian

✘Ito ang mga morpemang walang


kahulugan sa ganang sarili at
kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto upang maging
makahulugan.
b. Mga morpemang may kahulugang
pangkayarian

✘Tulad ng halimbawang pangungusap (Magaling


sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance
olympic.) ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay
hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa
pangungusap kung wala pang ibang salitang
kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay
malaking papel na ginagampanan dahil ang mga
ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng
pangungusap.
Mga uri ng morpema

Halimbawa, sa
pangungusap na
Nanonood ng parada sa
Luneta ang mga mag-aaral.

Ang ng ay nagpapakita ng
kaugnayan ng nanood at
parada; ang sa ay
nagpapakita ng kaugnayan ng
Mga uri ng morpema

parada at luneta; ang ang


mga ay nagpapakitang ang
sumusunod na pangngalan ay
nasa kaukulang palagyo.
Anupat bawat isa ay
kailangan sa kayarian ng
pangungusap.
TALASANGGUNIAN

Levin, Jasper A. Sept. 2016 Pagbabagong Morpoponemiko


https://www.slideshare.net/staidjasper/pagbabagong-morpo
ponemiko-65766298

Makabagong Balarilang Filipino 2003 Ed.


https://www.google.com/search?q=
Distribusyon+ng+Morpema&rlz
=1C1EXJR_enPH903PH905&oq=
Distribusyon+ng+Morpema&aqs
=chrome..69i57.913j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8&safe=
active&ssui=on
Maraming
Salamat!!!

You might also like