You are on page 1of 83

Aralin 3: Pagbabago ng Klima at

mga Suliraning Pangkapaligiran


Klima
• Ito ang kabubuang kalagayan ng panahon na
tumatagal sa isang bansa.
• May kinalaman ang klima sa uri ng ating
kasuotan at mga bahay na itinayo natin.
Nakadepende sa  klima sa pagdating ng
kainitan, katuyuan, kalamigan o kabasaan sa
pook o rehiyong pinag-uusapan.
Climate Change
• Ito ang pagbabago sa klima o panahon na
nagdudulot ng pagbabago sa lakas at haba ng
ulan at dalang ng pag-ulan.
• Nagdudulot ito ng mga kalamidad tulad ng
heatwave, tagtuyot, matitinding bagyo, at baha
na nagiging sanhi ng pagkakasakit o
pagkawala ng buhay at pagkasira ng ating
kapaligiran.
• Pagbabago sa dalas at tindi ng pag-ulan,
pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dahil sa
pagkatunaw ng mga yelo, icebergs, at glaciers
sa Arctic at Antartic.
• Ito ay nagdudulot ng tagtuyot o kauniting tubig
sa ilang lugar at matindi naming pagbaha sa
ibang bahagi ng mundo.
Sanhi ng
Climate Change
Climatologists
• Ito ang tawag sa mga siyentipikong na
nag-aaral ng klima.
• Ang kanilang gawain ay katulad ng sa
mga meteorologist ngunit nakatuon sa
isang mas mahabang oras, na pag-aaral
ng mga uso sa buwan, taon o kahit na
daang siglo.
1. Natural na pagbabago ng klima dala ng epekto ng
araw sa mundo.
2. Init na mula sa ilalim ng lupa o epekto ng mga
gawain ng tao.
Greenhouse
Gases
• Ito ang tawag sa mga gas na
nakapagpapainit sa daigdig tulad ng
carbon dioxide, methane, nitrous oxide,
hydroflourocarbons, at iba pa.
• Ika-18 siglo nagsimula ang pagtindi ng
global warming.
Industrial
Revolution
• Nagkaroon ng mga makabagong
makinarya at mga pagawaan.
• 1712, nag-umpisa ang paggamit ng coal at
steam engine.
• Paglaki ng populasyon ng mga tao sa
buong mundo at pagtugon sa kanilang
mga pangangailangan.
• Sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at
pag-unlad ng agham at teknolohiya, nagiging
matindi ang ang pagsunog ng mga fossil fuels
tulad ng coal, langis at natural gas.
Greenhouse
Gases
Water Vapor
• Pinakamarami sa ating atmospera na
dahilan ng pagkakaroon ng ulap,
presipitasyon na nagdadala ng ulan, at
nagkokontrol ng lubhang pag-init ng
atmospera.
Carbon Monoxide
(CO) at Carbon
Dioxide(CO2)
• Mula ito sa mga natural na proseso tulad ng
paghinga ng mga tao at hayop at pagsabog ng mga
bulkan.
• Nabubuo rin ito tuwing sinusunog ang mga fossil
fuel tulad ng langis, coal at natural gas para
mapaandar ang mga sasakyan, mga pagawaan, at
mga planta ng kuryente.
Chlorofluorocarbons
(CFCs)
• Ito ay kemikal na nakakasira ng ozone layer ng
ating mundo.
• Ginagamit ito bilang refrigerants o pampalamig
at aerosol propellants at iba pa.
• Ginagamit ang refrigerants sa mga air-
conditioner, automotive industry,
chemical/pharmaceutical industry at food
industry dahil nontoxic ito o hindi nakakalason,
hindi nakakasunog, madaling mag-evaporate
at mag-condense.
Methane
• Mula ito sa natural na proseso sa kapaligiran
tulad ng mga nabubulok na bagay tulad ng
mga basura, dumi ng mga hayop, at dayami ng
palay.
• Mas higit na mas matindi ang greenhouse
effect ng gas na ito kaysa sa carbon dioxide
kahit mas kaunti ang konsentrasyon nito sa
ating atmospera.
Nitrous Oxide
• Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit
ng mga komersiyal at organikong pataba,
pagsunog ng biomass, kombustiyon ng
fossil fuel, at paggawa ng nitric acid.
Epekto ng
Climate Change
sa Tao
• Pagkakasakit ng mga tao; sunburn, blister,
skin cancer at heat stroke
• Pangangati ng balat o allergy dulot ng
polusyon
• Malaria at dengue dahil sa pagdami ng mga
lamok
• Leptospirosis mula sa maruming tubig baha na
may ihi ng daga
• Mga sakit sa respiratory system dulot ng
polusyon at pabago-bagong panahon
• Pananakit ng tiyan, pagtatae o diarrhea, at
cholera dahil sa pag-inom ng maruming tubig
at pagkain
Epekto sa
Agrikultura at
Kapaligiran
Ang pag-init ng mundo ay nakaaapekto sa
pagbabago ng panahon na nagiging sanhi ng
pagkatuyo, pagbabaha, pagkasira ng mga
coral reef, pagkakasakit, at kamatayan ng mga
hayop at halaman.
• May malaking epekto ang climate change sa
temperatura at suplay ng tubig.
• Kapag matindi ang init, nagkakaroon ng
tagtuyot at kakulangan sa tubig na kailangan
sa pagtatanim o pagsasaka.
• Kapag matindi ang pag-ulan at bagyo,
maaaring magkaroon ng pagbaha, flashflood o
pagguho ng lupa na nakapipinsala ng mga
pananim.
• Dumarami ang insekto at peste na nakasisira ng
pananim.
• Nag-iiba ang life cycle ng mga halaman at
hayop dahil sa pagbabago ng klima.
• May mga hayop na nag-iiba ng hibernation at
nagigising nang mas maaga mula sa kanilang
pagkakahimbing.
• Nag-iiba ang migration o panahon ng paglilipat
sa ibang lugar ng mga hayop.
• Mapuputol ang food chain na magiging sanhi
ng pagkamatay ng mga hayop at halaman.
Epekto sa
Ekonomiya
• Paghina ng produksiyon sa agrikultura dulot ng
dumadalas na panahon ng tagtuyot at
kakulangan ng tubig.
• Kung magiging mainit ang klima sa malalamig at
may yelong lugar na pinupuntahan ng mga tao
upang magliwaliw, mag-skiing, at ice skating,
mababawasan ang kita ng mga negosyante sa mga
lugar na ito.
• Mas lalaki ang pangangailngan sa produksyon nh koryete dahil
sa pagtaas ng konsumo nito para sa madalas na paggamit ng
mga bentilador at air conditioner.
• Lumalaki ang pangangailangan ng tao sa enerhiya,
tumataas din ang halaga ng ininabayad para sa
paggamit nito.
• Tumataas ang halaga ng mga serbisyo at bilihin.
• Tumataas ang tubig-dagat sa mga mababang lugar
dahil sa pagbabago ng klima. Ang mga tahanan,
gusali at negosyo sa baybay-dagat ay maaaring
masira lalong-lalo na kapag may mga storm surge.
Programa, Polisiya, at
Patakaran ng Ating
Pamahalaan Hinggil sa
Pagbabago ng Klima
• Ayon sa tala ng National Statistics Coordination
Board (NSCB) maraming mahihirap na Pilipino ay
lalo pang tumataas ang bilang nito dahil sa mga
kalamidad na sumalanta sa kanilang mga
kabuhayan at kabahayan.
• Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC), maraming tao ang nawalan ng tirahan at
umabot sa halos 90 bilyong piso ang halaga ng mga ari-arian,
produkto at impraestruktura ang nasira ng bagyong Yolanda.
• Naglunsad ang pamahalaan ng mga proyekto upang
matugunan ang suliranin ng pagbabago ng klima. Ipinasa
ng ating Kongreso ang Republic Act 9729 o Local Climate
Change Action Plan (LLCAP) noong taong 2009. Ito ang
nagbigay-daan sa pagkakatatag ng ng Climate Change
Commission na nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga
programa tungkol sa climate change.
• National Framework Strategy on Climate
Change (2010-2012) (NFSCC) at National
Climate Change Action Plan noong taong 2012
upang amyendahanang RA 9729 ng RA 10174
para mas mapalakas ang mga programa at
pagkilos laban sa climate change.
• Climate Change Act of 2009 (CCA) ay naglalaman
ng mga programa ng lokal na pamahalaan para
mapigilan at mabawasan ang masamang epekto ng
climate change at panatilihing ligtas ang kanilang
nasasakupan at mga mamamayan.

• Ito ay naayon sa National Climate Change Action


Plan (NCCAP) na inaprubahan ni Pangulong
Benigno S. Aquino III noong 2011.
Local Climate Change Action Plan
I. Food Security
II. Water Sufficiency
III. Ecological and Environmental Stability
IV. Human Security
V. Climate-Smart Industries and Services
VI. Sustainable Energy
VII. Knowledge and Capacity Development
Legal na Mandato ng Climate Change
Commission (CCC)
• Bilang tugon sa nahaharap na isyu sa pagbabago
ng klima, ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas ang
Republic Act 9729 na kilala rin bilang Climate
Change Act of 2009.
RA 9729 o Climate Change Act of 2009
• An act mainstreaming Climate Change into
Government Policy formulations, establishing the
framework strategy and program on climate change,
creating for this purpose the climate change
commission, and for other purposes.
Mga Pandaigdigang Polisiya Hinggil sa
Climate Change
Nagkakaisang mga Bansa o United Nations
• Ito ang namumuno sa mga programa at patakarang may
kinalaman sa isyu ng climate change.
• Isa sa layunin nito ang mabawasan ang pagtaas ng
greenhouse gas emission sa buong mundo
• Ang mga resulta ng mga aksyong ito ay ang United
Nations Framework Convention on Climate Change
(UNFCCC) at ang Kyoto Protocol.
• Asia Pacific Partnership at mga kasunduan sa ilalim ng G8
na nagsimula sa kanilang pagpupulong sa Gleneagles,
United Kingdom noong 2005.

• Itinatag ng World Meteorological Organization (WMO) at


United Nations Environment Programme (UNEP) ang
Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) taong
1988.
• Ito ay isang ekspertong grupo ng mga tao na magtatasa ng
mga pag-aaral tungkol sa climate change
• Itinatag naman ang UN General Assembly ang
Intergovernmental Negotiation Committee for a
Framework Convention on Climate Change
(UNFCCC) noong Mayo ng taong 1992, may
layuning lubusang maibsan ang pagkakawala ng
mga greenhouse gas pagdating ng taong 2000.
Mga Suliraning
Pangkapaligiran sa
Sariling Pamayanan
1.Polusyon sa Hangin

• Malala na ang polusyon sa hangin sa ating


kapaligirantulad ng carbon dioxide, methane,
nitrous oxide, hydroflourocarbons, sulfur
dioxide, at iba pa.
2. Polusyon ng Tubig

• Ang mga basura, maruming tubig at nakalalasong


kemikal na galling sa mga tahanan, pabrika, planta,
ospital at minahan ay napupunta sa mga daluyan
ng mga tubig tulad ng sapa, kanal, ilog at naiipon sa
mga lawa, dagat ay karagatan.
3. Polusyon sa Lupa

• Nagkakaroon din ng polusyon sa kalupaan. Ito ay


dulot ng nakalalasong kemikal ng mga basura,
mine taillings at ang mga karaniwang landfill. Ang
mga polusyon sa lupa ay karaniwang nakikita sa
sumusunod:
a. Problema sa Basura
• Pagtatapon ng basura ay malaking suliranin sa ating
sariling pamayanan at ibang lugar sa boing daigdig.
Ang mga ito ay maaaring galling sa kabahayan o
basurang industriyal. Kapag ang mga basurang ito ay
sinusunog dumudumi ang hangin. Kung itinatambak
naman ito sa mga bakanteng lupa, maaaring mapunta
sa lupa ilang nakakalasyong kemikal at dumaloy sa
tubig.
b. Pagmimina
• Dahil rito nagkakaroon ng delikadong heavy meatal
sa kapaligiran tulad ng lead, cadmium, at mercury.
Ang mga metal na ito ay sanhi ng sakit na
neurological sa mga bata at matatanda. Sanhi rin ito
ng air pollutant tulad ng sulfur dioxide at nitrogen
oxide.Nag-iiwan ito ng napakaraming kemikal at acid
drainage.
4. Panganib na Mawala ang Iba’t ibang Uri ng
Hayop at Halaman
• Maraming uri ng hayop at halaman ang
nanganganib na dahil sa pagkakaroon ng climate
change. Hindi sila makaangkop sa pagbabago ng
klima
5. Pagkakalbo ng Kagubatan
• Nakakalbo ang kagubatan dahil sa pagtotroso at
pagkakaingin. Matagal nang pinapatigil ng
pamahalaan ang illegal na gawaing ito, ngunit
patuloy pa rin ang mga tao sa gawaing tao.
6. Paglaki ng Populasyon
• Ang sobrang pagkuha ng likas na yaman ay
nagdudulot ng pagkasira ng ecosystem sa ating
kapaligiran.
Mga Hakbang na
Makatutulong sa
Paglutas sa Suliranin
ng Climate Change
1. Pagtatanim ng mga Puno at Halaman
a. Ang mga puno ay nakababawas ng carbon dioxide
sa ating kapaligiran.
b. Magtanim ng mga puno at halaman upang
magkaroon ng ng natural na lilim na
nakapagpapalamig sa lugar.
2. Pagbawas ng Paggamit ng Enerhiya
a. Patayin ang ilaw, air conditioner, bentilador,
kompyuter, telebisyon, radio o anumang
kasangkapan at electronic gadgets kung hindi
kailangan.
b. Gumamit ng energy-efficient na ilawan tulad
ng compact-fluorescent light (CFL) at light-
emitting diodes (LED) dahil mas kaunti ang
enerhiyang kailangan ng mga ito kaysa sa ilaw
na incandescent.
c. Magtipid ng tubig- nakakatulong sa pagtitipid ng
enerhiya ang pagtitipid ng tubig.
d. Gumamit ng insulation- ang paggamit nito ay
nakakabawas sa pangangailangan ng pagpapainit
at pagpapalamig (heating and air conditioning)
e. Maglakad o magbisekleta kung malapit lamang ang
pupuntahan. Gumamit ng sasakyang kaunti ang
gasoline, fuel-efficient o pinapatakbo ng koryente
(electric vehicles) o solar power (solar-powered
vehicles).
3. Paggamit ng Alternatibong Enerhiya
a. Enerhiya mula sa init ng araw
• Photovoltaic cells- sinag ng araw na
ginagawang koryente tulad ng solar
calculator o solar na relo.
• Solar thermal power – pagkolekta ng init ng
araw sa mga solar panel o solar thermal
powerplant; ang init na mula sa araw ay
nagiging steam na ginagamit para magkaroon
ng kuryente.
• Solar heating- ginagamit ang init ng araw sa
pagpapatuyo ng damit, paggawa ng asin,
pagdadaing at iba pa.
b. Enerhiya mula sa lupa o geothermal
- ito ay mula sa init ng mga bukal o ilalim ng
mundo. Ito ay ginagawang koryente ng mga
geothermal power plant.
c. Enerhiya mula sa tubig
- Ang enerhiyang ito ay hindi nauubos o
renewable. Ito ay maaaring gawing koryente sa
pamamagitan ng:

• Hydroelectric dam- enerhiya mula sa ilog


• Wave power- enerhiya mula sa mga alon sa
ibabaw ng karagatan gamit ang espesyal na
uri ng buoy o pampalutang
d. Enerhiya mula sa hangin
-Ang malalaking turbino na itinayo ay maaaring
makagawa ng sapat na alternatibong enerhiya
na kapag ikinabit sa isang generator ay
makapagbibigay ng koryente sa mga tao, lalo na
sa mga lalawigan.
4. Pag-iwas o Pagbabawas ng Pagsusunog
ng Basura

5. Pagpapanatiling Malinis ang Kapaligiran


6. Pagreresiklo ng mga Patapon na Bagay

7. Pag-iwas sa Paggamit ng mga Plastik at


Nakalalasong Kemikal

You might also like