You are on page 1of 28

8

Yunit 3: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa


Kultura at Panitikang Popular sa Kulturang
Pilipino
Modyul 1: Tayo ay Magbasa
sa Panahon ng Pandemya
Panitikan: Mga Popular na Babasahin
Gramatika: Di-Pormal na mga Salita
Inaasahang Pagkatuto
Pagbasa
● Makapagbigay ng reaksyon sa narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang
isyu.
● Maihambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, at pagbuo
ng pangungusap.

Wika
● Magamit ang mga salitang ginamit sa impormal na komunikasyon sa iba’t ibang
sitwasyon.
● Mabigyang kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia.
Panimula
Alam
Alam mo ba?
ba?
Maraming mga popular na
babasahin sa Pilipinas ang
pinagkukunan ng impormasyon ng
mga Pilipino tungkol sa mga isyung
panlipunan. Mayroon ding
babasahin na nakaaaliw kaya
nakalilibang itong basahin.
Kaalinsabay ng pag-unlad ng
teknolohiya ay nagbabagong anyo
rin ang mga babasahin. Mula sa
mga printed materials, ngayon ay
Pinagkuhaan:https://www.google.com/search?
q=aklat&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4opPNi4DtAhVQEqYKHYTdA0kQ2cCegQIABAA&oq=aklat&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAgg
mababasa na rin ang mga ito
AMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BwgAELEDEEM6BAgAEEM6BQgAELEDUJj8AViAhQJguYgCaABwAH
gAgAF5iAGPBJIBAzIuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=a8iuX7jBCNCkmAWEu4_IBA#imgrc=ctc sa internet.
AANsJCkiilM

Madalas pa rin bang magbasa ang mga


Pilipino sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya? Ano-anong babasahin ang hanggang ngayon
ay binabasa pa rin ng marami?
Pag-alala
Panuto:  Itapat ang mga popular na babasahin na nasa Hanay A sa mga nilalaman nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

a.  naglalahad ng kuwento na mas maikli pa sa


1. Tabloid maikling kuwento
b.  pahayagan na mas gumagamit ng mga
2. Komiks salitang di-pormal

3. Broadsheeet c. pagsasalaysay ng isang kuwento gamit ang


mga larawan at diyalogo na nakasulat sa
4. Magasin komiks strip
d.  uri ng pahayagan na mas pormal ang salitang
5. Kontemporaryong Dagli ginagamit

e. dito karaniwang makikita ang usong


pananamit o fashion
Anong mga babasahin ang nabasa mo na
habang nananatili sa bahay dahil sa
pandemya?

May mga kaibigan ka rin bang


nakakausap o nakakakuwentuhan
sa social media?

Tayyoo aayy M
Ta Maaggbbaassaa
ssaa P
Paannaahhoonn nngg P
Paan ddeemmyyaa Basahin ang teksto sa TekTeach LMS.
Pagsasanay B. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong
batay sa akdang binasa.
A. Panuto:  Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na 1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
salitang madalas ginagamit sa social media at gamitin ito sa 2. Ano ang mababasa sa isang editoryal?
sariling pangungusap.
3. Ilahad ang layon ng editoryal na binasa ni Alyanna.
4. Bakit kailangang ipagpatuloy ang mga gawain na
Kahulugan Pangungusap nakasanayan sa panahon ng pandemya?
5. Madali bang naintindihan ang mensahe ng editoryal n
1. Selfie nabasa ni Alyanna? Patunayan. 
6. Paano inilahad ng manunulat ng editoryal ang kaniyan
opinyon sa isang pahayagan? Ano ang mahalagang
2. SLR
ginagampanan ng pahayagan sa ating lipunan?
7. Anong bahagi ng pahayagan ang gusto mong basahin?
3. Petmalu
Bakit?
4. Yorme 8. Nais mo rin bang magbasa o magsulat ng isang
editoryal
sa pahayagan? Kung oo, anong paksa ang nais mong
5. Lodi
isulat?
9. Hihikayatin mo rin ba ang iyong kaibigan na magbasa
Sagutan ang pagsasanay sa TekTeach LMS. ng mga babasahin tulad ng pahayagan, magasin, o
Pagsasanay
  A . P a n u t o :    Ihambing ang tekstong binasa sa iba pang babasahin na iyong nabasa na
kaparehong paksa o uri.

Iba pang Tekstong


Tekstong Binasa
Nabasa

1. Paksa

2. Layon

3. Tono

4. Pananaw

5. Paraan ng
Pagsusulat

Sagutan ang pagsasanay sa TekTeach LMS.


Mga Popular na Babasahin
Broadsheet

-Pahayagang mas malaki


ang sukat kaysa sa tabloid.
Mas pormal ang mga
salitang ginagamit dito.
Naglalaman ito ng mga
balita, editoryal, artikulo
tungkol sa ekonomiya at
negosyo, at iba pa.
Mga Popular na Babasahin
Tabloid

-Mas maliit ang sukat nito kaysa


sa broadsheet. Ginagamitan ng
mga salitang di-pormal. Bukod
sa balita at editoryal mayroon
din itong mga balita tungkol sa
mga artista at palaisipang
maaaring sagutan.
Mga Popular na Babasahin
Komiks

-Naglalaman ng mga
diyalogo o usapan ng mga
tauhan na nakasulat sa
komik strip. Mayroon din
itong mga guhit na larawan
ng mga pangyayari sa
kuwento.
Mga Popular na Babasahin
Magasin

-Hindi tulad ng pahayagan na araw-


araw ang produksyon o isyu.
Mayroong mga magasin na isang beses
sa isang buwan lamang naglalabas ng
isyu. Kadalasang nilalaman nito ay
nakatuon sa iisang paksa tulad ng
kalusugan, pagpapaganda, fashion o
nauusong kasuotan, at iba.
Mga Popular na Babasahin
Dagli

- Isang kuwento na mas


maikli pa sa maikling
kuwento. Sa kasalukuyan ang
maraming makabagong
manunulat na ang sumusulat
ng mga dagli.
Holdap
“Holdap ‘to!” hiyaw na lamang ng lalaking nakaupo sa dulo ng jeep.
Napasigaw ang babaeng kolehiyala na katabi ng holdaper. Na napakalaki
nitong pagkakamali. Ayaw yata ng holdaper sa maiingay. Tinakpan agad
nito ng kamay ang bibig ng kolehiyala at itinutok ang baril na hawak sa sentido
nito.
“Ilabas niyo ang mga pera niyo!” sigaw sa’min ng holdaper. Bata pa. Wala
pang beinte-singko. “Pati mga cellphone, alahas, lahat! Dali! Kundi papatayin
ko ‘to!”
Tumalima agad sila. Nagsilabasan ang mga pera, cellphone, at mga alahas.
Walang tumutol. Walang nanlaban. Matatalinong tao, sa isip-isip ko.
Habang nangyayari ‘to’y walang kamalay-malay na natutulog ang isang ale sa
likod ng drayber (Teka, bakit hindi humihinto ang drayber? Walang karea-
reaksyon! Tatandaan ko plate number mo, loko!).
Holdap

Tinapik niya ng makatatlong beses ang ale bago ito naalimpungatan.


Napatingin ito sa akin saka sa holdaper.
“Benedict?” hindi makapaniwala ang tinig ng ale. “Ikaw na ba ‘yan?”
Natigilan ang holdaper. Nanlaki ang mga mata. Namutla. Nabitawan ang baril.
“Para na!” sigaw nito at dali-daling huminto ang jeep.
Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punung-puno ng hiya ang mukha nito.
Para ngang maiiyak pa.
“Sorry po, Ma’am!”
At saka ito bumaba.
Pagsasanay
P a n u t o :    Isulat kung ang tinutukoy na babasahin ay tabloid, broadsheet, komiks, magasin, o dagli.

_______1. Ang mga artikulo sa babasahing ito ay _______ 6. Marami ng makabagong manunulat ang
karaniwang tungkol sa kalusugan at pagpapaganda. sumusulat ng ganitong babasahin.
_______ 2. Uri ng pahayagang mas pormal ang _______ 7. Sa babasahing ito makikita ang paggamit
salitang ginagamit. ng di-pormal.
_______ 3. Naglalaman ito ng kuwento na mas _______ 8. Makikita dito ang latest fashion o nauusong
maikli pa sa maikling kuwento. damit.
_______ 4. Pahayagang mas maliit ang sukat kaysa _______ 9. Ang babasahing ito ay mayroong diyalogo
sa broadsheet. na nakalagay sa komik strip at mga guhit larawan ng
_______ 5. Hindi araw-araw ang paglalabas ng isyu mga pangyayari sa kuwento.
ng babasahing ito, minsan ay isang beses sa isang _______ 10. Ang pahayagang ito ay mayroong mga
buwan o kaya naman ay isa sa isang taon. balita tungkol sa mga artista, mayroon ding mga
palaisipan o crossword puzzle na maaaring sagutan ng
mambabasa.
Sagutan ang pagsasanay sa TekTeach LMS.
Di-Pormal na mga Salita
Ang paggamit ng wika ay naaayon din sa iba’t ibang sitwasyon at lugar.

Halimbawa:
1. Balbal - ito ang mga
salitang karaniwan nang
ermat – nanay
ginagamit sa mga lansangan etneb – bente
at mas kilala rin sa tawag na tsikot – kotse
salitang kanto. Karaniwang gurang – matanda
maririnig ito sa mga tsikot – kotse
kabataan na madalas sa sigarilyo - yosi
kalye o lansangan.
Di-Pormal na mga Salita
Ang paggamit ng wika ay naaayon din sa iba’t ibang sitwasyon at lugar.

Halimbawa:

2. Kolokyal - salitang di-


lika – halika
pormal na araw-araw
pede – puwede
ginagamit ngunit bulgar at
ewan – aywan
may kagaspangan. 
kelan – kalian
pano - paano
Di-Pormal na mga Salita
Ang paggamit ng wika ay naaayon din sa iba’t ibang sitwasyon at lugar.

Halimbawa:
3. Salitang Hiram - mga
salitang nagmula sa wikang   tisay - hango sa español na mestiza
banyaga ngunit      tisoy - hango sa español na mestizo
nakasanayan nang gamitin keyk – cake
sa mga di-pormal na lider – leader
tseke – check
usapan. edukasyon- education
Takdang Aralin #2
Sagutan ang pahina 171 sa inyong
FilipinoTek na libro.
(Pagsasanay A at B)
Pagsasanay
A. Panuto:   Ipangkat ang mga salitang di-pormal.
utol kelan tsibogsan? erpat
parak sekyu antay ewan meron

Balbal Kolokyal

Sagutan ang pagsasanay sa TekTeach LMS.


Pagsasanay
B . P a n u t o :        Piliin ang ginamit na salitang di-pormal sa loob ng
pangungusap o diyalogo at bilugan ito.

1. “Huwag kang labas nang labas dahil maraming 6. “Ba’t ba lagi kang nahuhuli sa pagpasok sa paaralan?”
lespu na nagbabantay ngayon sa mga checkpoint." 7. “Kamusta ka na insan tagal na nating hindi nagkikita-
2. “Nagugutom na ako, ano ba ang machichibog natin kita.”
diyan?” 8. “Dehins ko na maalala kung ano, yung sagot sa tanong
3. “Pare ang ganda ng bagong tsikot mo! Pasakay na iyon.”
naman.” 9. “Logtu na naman ang kapatid mo dahil napuyat
4. “Ewan ko nga kung bakit hindi na siya lumalabas kagabi.”
ng bahay.” 10. “Nakasalubong ko kanina yung utol mo papunta ng
5. “Musta naman ang buhay-buhay natin?” palengke.”

Sagutan ang pagsasanay sa TekTeach LMS.


Pagsasanay

C. Panuto:  Gumawa ng komik strip na


nagpapakita ng diyalogo o usapan ng
dalawang magkaibigan. Gamitan ito ng
mga di-pormal na mga salita.

Sagutan ang pagsasanay sa TekTeach LMS.


Proyekto
Proyekto

Panuto: Sumulat o bumuo ng isang


balita, komentaryo, o editoryal
tungkol sa isang napapanahong
isyung panlipunan. Gamitin ang
sumusunod na pamantayan.
Pamantayan sa Pagmamarka
8
Yunit 3: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa
Kultura at Panitikang Popular sa Kulturang
Pilipino
Modyul 1: Tayo ay Magbasa
sa Panahon ng Pandemya
Panitikan: Mga Popular na Babasahin
Gramatika: Di-Pormal na mga Salita
Maraming Salamat
sa Pakikinig!
Philippine Copyright 2020 by TechFactors Inc.

All rights reserved. No part of this presentation may be reproduced or copied in any
form, in whole or in part, without written consent of the copyright owner.

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, infographics and
images by Freepik & Canva.

You might also like