You are on page 1of 6

“Give me 10,000 Filipino Soldiers, and I will conquer the world”

– General Douglas MacArthur

Ang labanan sa • Christian Paul

Miudong at
• John Arvin
• Marc Lawrence

Yultong
Ang mapait na katotohanan ng digmaan at labanan
Nilalaman
• Ang pangyayari na nag sulong sa pagtulong ng Pilipinas sa ibang Bansa
• Mga Hakbang na isinagawa upang mabuo ang sandatahan
• Mga Suliranin nakaharap pagkarating sa ibang bansa
• Mga naganap sa kasalukuyang digmaan at,
• Ang mga kaganapan pagkatapos ng digmaan
Unang kaganapan
• Noong June 25, 1950, ginulat ng North Korea ang South
Korea sa biglaan pag lusob nila sa border nito.
• Dala ang 75,000 na sundalo at brigada, walang nagawa
ang South Korea kaya napa atras ito hanggat nakontrol
at nasakop na ng North ang Seoul na sentro ng South
Korea.
• Kaya naman agad silang humingi ng tulong sa mga
amerikano ngunit hindi ito sapat sapagkat tinutulungan
ng Russia at Tsina ang North Korea. Kaya naman humingi
ulit ito ng hukbo sa United Nation at mga ka alyansa nito
na isa rito ay ang Pilipinas.

SAMPLE FOOTER TEXT 20XX 3


• Sa panahong ito, Si Elpidio Quirino ang kasalukuyang president ng bansa.
• Ang Pilipinas ay tumitindig pa lamang sa nagging danyos ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ngunit maging pa man, hindi nag dalawang isip ang
ating president na tumulong sa ating kaibigang bansa at ang unang-una sa Asia na tumugon sa panukala ng United Nation.
• Kaya’t ipinasa agad sa Kongreso ang Republic Act 573 o kilala sa tawag na Philippine Military to United Nation Act.
• At agad nang nagpadala ang pangulo ng 5 combat battalion team, na binubuo ng 7,420 na sundalo. Lahat ng sundalo ay bolunterismong nagtalaga na
sumama.
• Isa sa mga sundalo ay ang Pangulong Fidel V. Ramos kaya ganunpaman ang agarang pag sama ng mga sundalo.
• Sila ay ang tinatawag na PEFTOK (Philippine Expeditionary Forces To Korea)
• At nung September 16, 1950 ay nag layag na nga ng 4 na araw ang 10th Battalion Combat Team na binubuo ng 1,400 na mga opisyal at bihasa sa
paggamit ng mga tanke.
• September 19, 1950 ay nakarating na ang 10th BCT sa daungan sa Busan, South Korea na pinamunuan ni Col. Mariano Azurin.
• Pagdating nila sa Busan ay agad nilang naramdaman ang sobrang lamig ng panahon. Habang naglalakad sila ay nakikita nila ang mga gusaling wasak
wasak na at ang mga koreanong nasa lansangan at namamalimos ng mga pagkain.
• Madami ang umiiyak at nanghihina dahil sa kakulangan ng pagkain. Karamihan ay naghahakot ng kanilang mga gamit, at ng makita nila ang mga
sundalong Pilipino ay agad silang lumapit at humingi ng pagkain.
• Naihahalintulad ng mga sundalo ang mga tao rito gaya sa Pilipinas na nagdaan din sa matinding digmaan kaya’t ibiay nila ang kanilang mga pagkain sa
mga koreano.
• Ipinangako ng mga sundalong pinoy na tutulungan nila ang bansa upang matalo ang mga komunista.
• Nalaman ng mga sundalo na halos 80% na pala ng South Korea ay hawak na ng mga komunista at ang natitirang 20% ay binabantayan ng United Forces
na pinangungunahan ng mga Amerikano.
• Ang 10th BCT ay dumating sa South Korea ng walang mga dalang tanke dahil pinangakuan sila ng America na sila na ang magbibigay ng mga tanke.
Ngunit ang tanke ng mga Americano ay nawasak na noong sinugod sila ng mga North Koreans.
• Kaya’t nabigyan lamang ng isang tanke at mga mabibigat na baril.
• Isang linggo munang nag sanay ang 10TH BTC upang mapag aralan ang terrain, mga armas at mapagplanuhan ng maayos ang kanilang gagawin.
• Mula sa Busan ay ipinadala na sila sa Sariwon, North Korea. Ngunit ang temperatura rito ay umabot ng -15 degrees Celsius at ang masaklap pa ay wala man lang silang makakapal na jacket. Kaya’t
matinding pag tititis ang ginawa ng mga sundalong Pilipino.

• Ang simula ng battle of miudong

• Nov 11, 1950 ay nag pasya ng mag patrol ang 10th BCT kasama ang mga sundalong amerikano mula miudong hanggang syngue.

• Pinangunahan ng Pinoy Officer na si Col. Max Young ang pagpapatrol sakay ng tanke at kasabay ang mga sundalong naglalakad sa likod nito at sa harap nila ay ang mga amerikanong nakasakay sa
War HUMV.

• Habang nag papatrol ay wala silang ka alam-alam na may isang basil ng mga North Koreans ilang kilometro lang ang layo sa kanila. ‘

• Nang papaliko na ang 10th BCT sa bundok ay nagpaulan ng bala ang mga North Koreans.

• Nakita ni Col. Max Young na takot na takot ang mga kasamahan niya kaya pina andar nya ang tanke at ginawa itong harang ng mga Pilipino.

• Pagkarating ni Col. Sa taas ay nakita nya ang hukbo ng mga kalaban, inilabas niya ang kanyang machine gun at pinaulanan din ng bala ang mga kalaban.

• Ikinagulat ng mga Pilipino dahil walang tumatamang bala kay Col. Max Young, mula doon ay nag si tindig sila at tumulong na magpa putok sa mga North Koreans.

• Umabot ng halos 30 minutos ang naging sagupaan at pagkatapos ay nagsi alisan na ang mga North Koreans.

• Sa pag iinspection tinatalang nasa 42 na mga kalabaan ang nasawi at puro sugatan lamang sa panig ng mga Pilipino.

• Ito ang unang panalo ng mga Pilipino, tuwang-tuwa ang mga amerikano sa katapangan ng mga Pilipino kaya’t binansagan silang “The Fighting Filipinos”

• Pagkatapos na laban doon ay dumiretso na sila sa Syngue.

• Sa gabi ng April 22, 1951, sa may hilagang panig ng Honcheon ang 10th BCT bilang bahagi ng US 3rd infantry division ay nilusob na napaka raming sundalo ng tsina at north korea na kanilang tinatawag
na “The Great Spring Offensive” isa sa pinaka malaking opensiba ng Chinese People Volunteer Army at ng komunistang North Korean army.

• Kaharap ng mga Pilipino ang humigit kumulang 40,000 sundalo na mula sa 44th Division ng Chinese Army.

• Matapos ang hating gabi ay nagpaulan ng baril ang mga Chinese gamit ang kanilang artillery. Sumugod ang pwersa ng Chinese ngunit nahirapan pa din sila dahil sa depensa na ginawa ng 10th Battalion
gamit ang mga tanke at artillery. Gayunpaman, napakarami pa din ng pwersa ng North Korea at China na lumusob as silangang bahagi kung saan napa-atras nito ang battalion combat team na mula sa
Turkey.

• Ang malakas na pwersa ng mga Chinese ay nag focus sa gitna ng UN forces, sinugod nila ang mga Turks na naka pwesto sa silangang bahagi tapos sa mga gilid naman ay mahinang pwersa naman ng
mga Chinese kaya walang nagawa ang Turks kundi mapa atras gayundin ang mga Puerto Ricans na iniwan nila ang kanilang mga pwesto kaya’t mas lalong napasama ang sitwasyon nung ang 65th
Infantry Regiment ng Puerto Rico na naka posisyon sa kanlurang panig ay napa atras dahil sa isang opensiba ng mga Chinese.

• Kaya ang nangyari ay nakapasok at napalibutan ang mga Pilipinong sundalo na nagbukas ng pagkakataong lusubin ng mga Chinese ang 10th BCT.

• Ang hindi alamng mga Chinese ay mayroong isang Platoon ng mga Pilipinong sundalo ang naka pwesto sa bundok tanaw ang bayan ng Yultong. Ito ay binubuo ng halos 1000 na Pilipinong sundalo na
hindi iniwan ang kanilang pwesto at patuloy na dumepensa.

• Ginamitan nila ito ng pwersa, Granada at maging hand to hand combat pag may nag tatangkang lumapit. 40,000 na Chinese ang nakapalibot sakanila.

• Pinangunahan ito ni Lieut. Artiaga na nag matigas na wag umalis at magpatuloy sa pakikipaglaban na nagbigay ng oras para kay Capt. Conrado Yap na magsagawa ng counterattack na pumigil sa
pagkakaipit ng 10th BCT.

• Sa labang iyon ay namatay si Lieut. Artiaga at Capt. Conrado Yap.


• 4am-April 23,1951 , 2nd Counter Attack

• Naglunsad si Lieut Col. Oheda ng pangalawang counter attack gamit ang mga M24 tanks, nabulabog ng counter attack ang mga Chinese at naitulak papalayo
sa bundok na nais nitong sakupin.

• Patuloy na lumaban ang mga Pilipino hanggang tanghali bago inutusang umatras at sumama sa mga nasa south.

• Sa labanang iyon 15 na Pilipinong sundalo ang nasawi, 26 ang sugatan at 14 ang missing in action. Mahigit 500 na sundalong Chinese naman ang namatay.

• Malaking tulong ang naibigay ng mga Pilipinong sundalo upang maka atras muna ang 3rd Infantry Division ng US upang makakuha ng ibang pwersa sa ibang
battalion.

• Ang stratehiyang ito na mula sa ginawa ng mga Pilipino ay nagging pabor sa mga allied forces sa mga sumunod na labanan dito na nakaranas ng sunod
sunod na pagkatalo ang China at North Korea kaya humiling na ito ng tigil-putukan.

• Mula sa 7,420 na sundalong Pilipino na sumama 113 ang nasawi, 313 ang sugatan, 15 ang missing in action at ang 41 ay mga prisoner of war.

• Nagtayo ang South Korea ng isang monumento sa loob ng war memorial at dun naka sulat ang mga magigiting na pangalan ng mga sundalong Pinoy.

• Ang karanasan ay ang nagbubunsod ng kagustuhang makatulong sa iba. Katulad ng ating mga kapwa pilipinong sundalo na nag buwis ng kanilang buhay
upang makatulong sa ating kaibigang bansa. Hindi sila nagdalawang isip sapagkat alam nila ang epekto ng digmaan sa mga tao. Maging ang kahahantungan
nito ay danas na ng ating mga kapwang sundalong nakipaglaban din sa nakalipas na ikalawang digmaang pandaigdig. Ito man ay tinatawag na forgotten war
sa kadahilanang kakulangan ng atensyon mula sa publiko, importante pa din nating malaman ang kasaysayan upang hindi natin malimutan na may panahon
sa nakaraan na tayo ang tumulong at naka gawa ng malaking kontribusyon upang maisalba ang nag hihingalong bansa.

You might also like