You are on page 1of 21

Ikalawang Lagumang

Pagsusulit sa ESP 5
1. Ito ay kasingkahulugan ng kabatiran o karunungan. Nakukuha ang mga ito sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagkakaroon ng karanasan.

A. kaalaman
B. talento
C. aral
D. kapangyarihan
2. Ayon sa sinabi ni Francis Bacon, “Knowledge is _____.”

A. dream
B. power
C. life
D. everything
3. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ay magdadala sa katuparan ng iyong _____.

A. pagtatapos
B. pagyaman
C. hiling
D. pangarap
4. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang
maipakita ang positibong saloobin sa pag-aaral,
MALIBAN sa _____

A. pagdadamot ng impormasyon o kaalaman sa iba


B. paglalaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral
C. pagkakaroon ng kawilihang gawin ang mga gawain
D. pagiging matiyaga sa mga aralin kahit na
nahihirapan
5. Madalas ipinagpapaliban ni Cindy ang pag-
aaral kaya nakaklimutan na niyang tapusin. Ang
gawaing ito ay _____

A. tama
B. okay lang
C. mali
D. kahanga-hanga
6. Suriing mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa
ng mga mag-aaral sa larawan?

A. Nagkakasiyahan sa
paglalaro
B. Pinag-uusapan ang ibang
kaklase
C. Nagtutulungan sa pangkatang gawain
D. Masusing nag-uusap tungkol sa kahit anong bagay
7. Ano ang ipinapakita ng bawat miyembro ng
pangkat sa kanilang ginagawa?

A. Nagtutulungan ang bawat miyembro


B. Nakikinig ang bawat isa sa ideya ng iba
C. Nakikiisa ang bawat isa sa gawain
D. Lahat ng nabanggit
8. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat
miyembro ng pangkat upang maging mabilis at
maayos ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa
tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang
mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging
ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.
9. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo
naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?

A. Hayaan na lamang sapagkat nakakahiya.


B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lamang iintindihin ang sinasabi ng
guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol
sa gawain.
10. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag
may ginagawang proyekto ang
iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa
nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang
proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
11. Binigyan kayo ng takdang-araling ng inyong
guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang gagawin
mo?
A. Ipagawa sa kuya ang takdang-aralin.
B. Magpahinga sandali at gawin ang takdang-
aralin.
C. Hindi gawin ang takdang-aralin.
D. Liliban sa klase kinabukasan.
12. Kaarawan ng kaibigan mo. Iniimbitahan kang
sumama sa kanila sa pamamasyal sa ibang pook
subalit ikaw ay may pasok bukas at may pagsusulit.
Ano ang gagawin mo?
A. Lumiban sa klase at sumama sa kanila.
B. Hindi ipagpalit ang pagpasok sa klase sa
pamamasyal.
C. Yayain nalang na maglaro ang kaibigan imbis na
mamasyal.
D. Utusan ang kaibigan na magpakain sa lahat ng
kaklase.
13. Ano ang dapat gawin upang umunlad ang
iyong marka?

A. Sikaping mag-aral ng mabuti.


B. Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.
C. Huminto sa pag-aaral.
D. Mangongopya tuwing may pagsusulit.
14. Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?
A. Gawin lamang ang mga madadaling Gawain
sa pag-aaral.
B. Tapusin ang sinimulang Gawain, gaano man
ito kahirap.
C. Simulan agad ang Gawain at hindi tapusin
pagnahihirapan na.
D. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking
baon.
15. Sino sa mga tauhan sa salaysay ang hindi mo dapat
tularan sapagkat hindi nagpapakita ng positibong saloobin
sa pag – aaral?
A.Nakipagtalakayan si Aiza sa kamag-aral na si Emily
gamit ang cellphone. Pinag-usapan nila ang tungkol sa mga
aralin.
B.Hindi sinunod ni Ruben ang payo ng nanay at guro na
ipagpatuloy ang pag-aaral. Tuluyan na siyang huminto.
C.Itinuturo o ibinabahagi ni Marvin sa nakababatang
kapatid na si Anchie ang natututuhan niya.
D.Gustong-gusto ni Amara na maglaro ng teacher-
teacheran. Pangarap niyang maging guro upang maturuan
ang ibang bata.
16. Si Malia ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang
magiging epekto ng kayang positibong pag – uugaling ito?

A. Mas malawak ang kanyang kaalaman.


B. Mas malaki ang kanyang mga mata.
C. Mas antukin siya.
D. Mas maging madaldal siya.
17. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag
ikaw ay ______.

A. Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.


B. Lumiliban kapag umuulan.
C. Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.
D. Nagsusumikap na mag-aral
18. Nagkataong nagbigay ang inyong guro sa klase ng
pasulit. Nakiki-usap ang
iyong katabi na mangongopya sa iyo ng sagot dahil hindi
siya nakapag-aral. Ano ang gagawin mo?
A.Pakokopyahin ko siya sapagkat kawawa naman.
B.Pakokopyahin ko siya dahil kaklase ko naman siya.
C.Hindi ko siya pakokopyahin at pagsasabihan ng
mahinahon na sagutan na lamang ang mga tanong sa
pagsusulit sa abot ng kanyang makakaya.
D.Hindi ko siya pakokopyahin dahil baka mataasan pa niya
ang aking marka.
19. Nagkataon na ikaw lamang ang naiwan sa inyong
bahay dahil wala kang pasok
at umalis naman ang iyong mga magulang. Paano mo
gugulin ang iyong oras sa pamamalagi mo sa bahay
nang mag-isa?
A. Maglalaro ako ng computer games buong araw.
B. Magbabasa ako ng aming aralin at gagawin ang
mga takdang aralin.
C. Matutulog ako hanggang sa bumalik sila.
D. Mageehersisiyo ako hanggang sila ay dumating.
20. Malapit na ang pagsusulit, ano ang nararapat
mong gawin upang maipasa ang
lahat ng iyong asignatura at makakuha ng kasiya-
siyang marka?

A. Sikaping mag-aral ng mabuti.


B. Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.
C. Gumawa ng kodigo at buklatin sa oras ng
pagsusulit.
D. Mangongopya tuwing may pagsusulit.

You might also like