You are on page 1of 9

BARAYTI AT

REGISTER NG
WIKANG PASALITA
ARALIN 4 AT PASULAT
 AYON KAY ROUSSEAU (1950) ANG PAGKAKAIBA-IBA
SA KULTURA AT WIKA AY NAGBUBUNGA SA BAWAT
PANAHON, AT PAG-UUGALI AT KAASALAN, NA MAY
KAUGNAY SA DI PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG MGA
WIKA, SANGKOT ANG TAGAPAGSALITA, KULTURA AT
SIBILISASYON.
 AYON KAY DR. PAMELA CONSTANTINO (2002) ISANG
PANGUNAHING KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO ANG
PAGBUBUO AT PAGKAKAROON NG KAMALAYAN SA
MGA BARAYTI NG WIKA.
 AYON KAY HUDSON (1996 SA WARDHAUGH, 2006) AY
ISANG SET NG MGA LINGGWISTIK AYTEM NA MAY
PAGKAKATULAD NA PAMAMAHAGI.
 BATAY KAY ALFONSO (2002), ANG BARAYTI NG WIKA
AY ISANG MALIIT NA GRUPO NG PORMAL O
MAKABULUHANG KATANGIAN NA NAUUGNAY SA
PARTIKULAR NA URI NG KATANGIAN SOSYO-
SITWASYON NA NAKABATAY SA TEORYANG
SOSYOLINGWISTIKNA SIYANG NAGBIBIGAY DAAN SA
PAGKAKAROON NG BARYASYON NG ISANG WIKA.
 HINATI NI CATFORD (1934) ANG BARAYTI NG WIKA
SA DALAWANG MALAKING URI. UNA, ANG
PERMANENTE PARA SA TAGAPAGSALITA (PERFORMER)
AT IKALAWA, ANG HUMIGIT KUMULANG AY
PANSAMANTALA DAHIL NAGBABAGO KUNG MAY
PAGBABAGO SA SITWASYON NG PAHAYAG.
 SAMANTALANG GINAGAMIT ANG REGISTER O
REHISTRO SA PAGTUKOY SA MGA BARAYTI NG WIKA
AYON SA GUMAGAMIT.(HALLIDAY, MCINTOSH, AT
STEVENTS, 1994). BAWAT PAGSASALITA O PAGSULAT
NG ISANG TAO AY ISANG PAG-UUGNAY NG KANIYANG
SARILI SA IBANG TAO SA LIPUNANG KANIYANG
KINASASANGKUTAN.
 ANG DAYALEKTO NG ISANG TAO AY NAGPAPAKILALA
KUNG SINO SIYA. ITO ANG WIKANG NALILIKHA NG
DIMENSYONG HEOGRAPIKO. ITO ANG GINAGAMIT SA
LALAWIGAN O POOK.
BATAY KAY HALLIDAY (1998, SA LEWANDOWSKI, 2010)
MAY MGA SALIK NA NAGPAPAKILALA SA ISANG
DAYALEK:
A. ISANG BARAYTI NA NAAYON SA ISPIKER O
GUMAGAMIT NGWIKA.
B. ANG DAYALEK AY ANG WIKANG GINAGAMIT NG
ISANG ISPIKER NA NABUO KUNG SAAN SIYANG
LUGAR NAGMULA.
C. ITO AY MGA PARAAN NG PAGSABI NG IISANG
MENSAHE NA MAAARING DULOT NG PONETIKA O
MGA TUNOG NA NALILIKHA NG TAO.
 SAMANTALANG ANG REGISTER AY NAGPAPAKITA
KUNG ANO ANG KANIYANG GINAGAWA. TINATAWAG
NA JARGON ANG TANGING BOKABULARYO NG ISANG
PARTIKULAR NA PANGKAT NG GAWAIN O LARANGAN.
HAL:
MGA LEGAL JARGON NG MGA ABOGADO
COURT, PLEADING, HEARING, APPEAL, AT IBA PA.
SA HANAY NAMAN NG MGA I.T SPECIALIST
BYTES, SOFTWARE, MODEM, MOTHER BOARD, AT
IBA PA.
IDYOLEK
 TUMUTUKOY NAMAN ITO SA NAKASANAYANG
PAGSASALITA NG TAO O MAARI RING GRUPO NG TAO.
PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA NG INDIBIDWAL.
PALASAK NGAYON SA KABATAAN O MAGING ILANG
MATATANDA ANG PAGGAMIT NG SIYA SA
PAGSASALITA. PAKATANDAAN NA ANG SIYA AY
PANGHALIP NA PANAO, SUBALIT MADALAS ITONG
GINAGAMIT SA MGA BAGAY TUWING NAKIKIPAG-
USAP.
TATLONG DIMENSYON NG REHISTRO NG WIKA
FIELD
NAUUKOL ITO SA LAYUNIN AT PAKSA AYON SA
LARANGANG SANGKOT NG KOMUNIKASYON. ANG
MGA SALITA AY BATAY SA LARANGAN NA
TINATALAKAY O PINAG-UUSAPAN.
TENOR
NAGBABAGO ANG WIKANG GINAGAMIT DEPENDE
SA KAUSAP. NAGKAKAROON NG PAGBABAGO KUNG
AMA SA ANAK, MAGKAIBIGAN, MAGKASINTAHAN,
EMPLOYER, AT EMPLEYADO.
MODE
ITO AY UMAAYON SA PARAANG PASALITA O
PASULAT. SA USAPANG PASULAT MAS PORMAL ANG
SALITANG GINAGAMIT, PINIPILI, AT SUMUSUNOD SA
MEKANIKS NG PAGSULAT. SAMANTALANG SA
PASALITA MAAARING NANGANGATWIRAN, MAY
PAGKAMAGALANG, NAGLILIGAWAN AT IBA PA.

You might also like