You are on page 1of 24

PSYCHOLOGICAL FIRST

AID
during the
PROGRESSIVE
EXPANSION OF THE FACE
TO FACE CLASSES
Ang Cotmon National High
School ay nagagalagak at
ipinapaabot ang taos pusong
pagtanggap sa inyo bilang mga
mag-aaral sa taong 2021-2022
sa ilalim ng tinatawag na
PROGRESSIVE EXPANSION OF
THE FACE TO FACE CLASSES.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa
iyong Magulang sa patuloy na
pagsuporta sa iyong pag-aaral at
maging sa mga programa ng CNHS at
Kagawaran ng Edukasyon sa “New
Normal” na paraan ng pagtuturo at
pagkatuto. Sila ay aming katuwang sa
mabisa at mahusay na pagkatuto mo
bilang isang mag-aaral.
 
Sa pag-uumpisa ng
PROGRESSIVE EXPANSION OF
THE FACE TO FACE CLASSES
taong-aralan 2021-2022,
mayroon kaming inihandang
paunang gawain para sa inyo.
Ang gawaing ito ay makatutulong sayo para
mapag-usapan natin sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga katanungan ang iyong mga naging
karanasan sa panahon na kayo ay gumagawa ng
inyong mga modules sa inyong mga tahanan sa
gitna ng nararanasan nating pandemya.

Umaasa kami na sa pag-uumpisa natin ng


PROGRESSIVE EXPANSION OF THE FACE TO FACE
CLASSES, kayo ay handang handa na physically,
emotionally, socially and mentally. TAMA BA?
Pangalan:
_______________________________________
_________________
Seksiyon:
_______________________________________
________________
 
Pangkalahatang Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.
Isulat ang iyong kasagutan sa malinis na
sagutang papel at sagutin ito sa loob ng
dalawang araw. Maging matapat sa inyong sagot.
1. Sa loob ng halos dalawang taon na tayo ay nasa gitna ng
pandemya, ano-ano ang madalas mong ginagawa o
pinagkakaabalahang gawin sa bahay?
a.
b.
c.
d.
e.
2. Ano-ano ang iyong mga nararamdaman o pakiramdam noong
mga panahon na halos kulong kayo sa bahay?
a.
b.
c.
d.
e.
3. Ano-ano ang mga naisip mo nang ideklara ng
Pangulo ng Pilipinas na ang Region 5 (Bicol Region)
ay isasailalim sa “Enhanced Community
Quarantine” at ipapatupad ang “Lockdown”?
 
 
 
 
4. Bakit ito ang iyong mga naramdaman?
Ipaliwanag ang sagot.
 
 
 
5. Sa palagay mo, normal o natural lamang itong
pakiraramdam ng isang tao na nakararanas ng
ganitong sitwatsyon? Bakit oo/ bakit hindi?
 
 
 
6. Nagsasabi rin ba ng kanilang mga
nararamdaman ang mga kasama mo sa bahay? Sa
paanong paraan nila inihahayag ang kanilang
damdamin?
7. Paano kayo nagtutulungan para malagpasan ang hindi magandang
pakiramdam sa panahong ito?
 
 
 
 
 
 
8. Ano-ano ang iyong mga natutunanan pagkatapos maranasan ang
iba’t-ibang emosyon o damdamin sa panahon ng pandemya? Isa-
isahin at ipaliwanag ang kahalagahan nito.
a.
b.
c.
d.
e.
9. Maaari pa ba nating mabago ang mga
negatibong pakiramdam, kaisipan sa mga mahirap
na sitwasyon katulad ng pandemya? Paano?
 
 
 

10. Sa anumang kalamidad, o sa mga mahirap na


sitwasyon sa ating buhay, anong katangian o
pagpapahalaga (values) ang kailangang pairalin o
isabuhay? Bakit ito ang kailangang pairalan?
 
 
11. Noong nagkaroon na tayo ng
modular blended learning na kung saan
binigyan na kayo ng modules para sa
tinatawag nating New Normal way of
teaching and learning ano ang inyong
nararamdaman?

12. May natutunan ba kayo sa paraang


ito? Ibahagi.
13. Nahirapan ba kayo sa pagggawa ng
inyong mga modules? Ano- ang mga
balakid sa paggawa o pagpasa ninyo ng
mga outputs sa tamang oras?

14. Sa kabila ng mga balakid na ito, ano-


ano o sino-sino ang nakahikayat saiyo na
patuloy kang gumawa ng inyong mga
modules?
Bigyang pansin ang kahalagahan ng pagiging MALAKAS at
MATATAG. Pinapaalalahanan tayo nito na sa kabila ng mga
pagsubok na nararanasan natin ngayon, kailangan nating
harapin ang mga pagbabago sa ating buhay dulot nitong
pandemya o ano man na sitwasyon mayroon tayo ngayon.
 
Sa susunod na slide ay isang drawing ng saranggola. Sa
bawat bahagi ng saranggola isulat ang mga pinagkukunan
mo ng iyong lakas. Bakit nagiging malakas ka sa kabila ng
mga pinagdaraanan na pagsubok sa buhay? Sino-sino ang
nagsisilbing lakas mo para maipagpatuloy ang pakikibaka
sa buhay?
 
Tanong/Gawain:
 
Ano ang iyong naging damdamin pagkatapos
ng gawain?
 
 
 
May pagkakahalintulad ba ang katangian mo
sa isang saranggola? Ano ang iyong lakas
bilang isang tao?
Pumili ng isa sa nakatala sa ibaba at gawin ang kasunod na
gawain.

Sumulat o sumipi ng tula


Gumuhit o gumupit ng isang larawan
Gumawa ng sariling kanta o sumipi ng kanta
Gumawa ng sariling sanaysay o sumipi ng isang
sanaysay/artikulo
 
Gawain:
Gumawa /sumipi ng isa sa mga nabanggit sa itaas na
nagsisilbing inspirasyon mo upang ikaw ay maging matatag o
malakas . Ipaliwanag kung bakit ito ang nagsisilbing
inspirasyon mo sa pagkuha ng lakas para harapin ang mga
pagsubok sa buhay. Ipasa o ilakip sa papel na ito ang inyong
ginawa.
• Ngayon na tayo ay mag-uumpisa na sa
PROGRESSIVE EXPANSION OF THE FACE TO
FACE CLASSES, excited na ba kayo? Gaano
kayo excited?

Ano-ano ang inyong mga inaasahan sa


PROGRESSIVE EXPANSION OF THE FACE TO
FACE CLASSES?
Karagdagang Gagawin: SAAN KA PUPUNTA?

Punuan ng mga impormasyon ang talaan sa ibaba.


Kailangang magkaroon ka ng sipi ng mga ito sa inyong tahanan.

ORGANISASYON NUMERO o LUGAR NAMAMAHALA

Barangay Health Office    

Barangay Disaster Team    

DSWD Office    

Hospital    

Psychologist or Social Worker    

Covid Screening Center    

Your School    
Sa ibaba ay talaan ng mga pangangailangan. Sa unang hanay, itala ang pangalan ng iyong
kasama sa bahay, kamag-anak, at kaibigan. Sa ikalawang hanay isulat ang kanilang
pangangailangan at sa ikatlong hanay, ilagay kung saan ito puwedeng isangguni. Kung
hindi alam kung kanino huwag na lang lagyan.

Pamilya/Kamag-anak/ Kasalukuyang Saan Isasangguni


Kaibigan Pangangailangan

     

     

     

     

     
Magtala ng mga paraan kung paano maiiwasan ang COVID 19.

a.

b.

c.

d.

e.
At ngayon na tayo ay mag-uumpisa na
sa PROGRESSIVE EXPANSION OF THE
FACE TO FACE CLASSES, excited na ba
kayo? Gaano kayo excited?

Ano-ano ang inyong mga inaasahan sa


PROGRESSIVE EXPANSION OF THE FACE
TO FACE CLASSES?
WE HEAL AS ONE…..PRAY….STAY SAFE….STAY
AT HOME… and TOGETHER WE WILL BEAT
COVID 19…

WELCOME to the

PROGRESSIVE EXPANSION of the FACE to


FACE CLASSES!!!!

GOD BLESS US ALL….


THANK YOU!!!

You might also like