You are on page 1of 5

kakayahang Diskorsal

Bahagi ng komunikasyon ang diskurso. Ito ay


tumutukoy sa pagpapahayag ng mga ideya, nosyon,
teorya, at pangkalahatan, ang kahulugang maaaring
nasa pasulat o pasalitang paraan. Halimbawa ng
pasalitang diskurso ay pag-uusap tulad ng
pagkukuwento, debate, at pasulat nito ay pagpapalitan
ng liham na nangangailangan ng pagpapalitan ng
pahayag.
Kakayahang diskorsal (discourse competence)

-Ito ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga


napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang
kahulugan.

Speech Act Theory

-Tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi itong may


kaakibat na kilos maging ito man ay paghingi ng paumanhin,
pagbibigay-babala, paghihimok, at iba pa.
Tatlong gawi ng pagsasalita ang taong tagahatid ng
pahayag
Lokusyunaryo - kung ang gawi ng nagpapahayag ng literal na paglalarawan at
pagkaunawa sa ginagamit na wika. Literal sapagkat sinasabi ang aktuwal na ginagawa o
kilos at binabanggit din ang mga tinatawag na performative verb. (inuulit, tinatanong,
sinusubok, at iba pa.

Ilokusyunaryo - na may aktong nagpapahayag ng tungkulin sa pagsasakatuparan ng


bagay o mensahe batay sa nais o intensiyon ng tagapaghatid. (sasamahan kitang kumain
sa labas. - pahiwatig ng pangako)

Perlokusyunaryo - na may aktong nagpapahayag ng bisa, puwersa, o epekto ng pahayag


ng aktong ilokusyunaryo. (tumupad siya sa pangako; Isinakatuparan ng anak ang utos
ng magulang)
TEKSTO
-ang inilalarawang wika o ideyang itinatawid o pinagpapalitan sa
diskurso samantalang ang kahulugang (berbal o di-berbal)
matutunghayan mula rito ay tinatawag na konteksto. Upang
maging matagumpay ang pakikipagtalastasan. Isinasaalang-alang
dito ang kalikasan ng sitwasyon ng pag-uusap, mga taong sangkot
sa usapan, layunin at mithiin ng usapan, pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari, paraan ng pagsasalita, gamit ng wika, kaangkupan
at kaakmaan ng usapan, at uri ng pananalita.

You might also like