You are on page 1of 12

ARALIN 18: Pag-iwas sa

Pambubuska tungo sa
Samahang Matatag at Masaya
Ipepresenta nina: Agudo, Pradillo at Queque
Pambubuska o Bullying
• Isang isyu na nakaaapekto sa nakararaming tao, pamilya,
paaralan at pamayanan.
• Ito ay isang uri ng karahasan na naglalayon na paulit-ulit
na takutin o saktan ang kapwa.
• Ito ay ang palagiang pag-atake o pananakit sa damdamin,
katawan at pangkaisipang aspekto ng kapwa-tao.
• Maraming anyo at pamamaraan ang pambubuska.
Kadalasang matagal, malalim, at masakit ang epekto na
dulot nito.
Ang Konsepto ng Pambubuska
• Ang pambubuska ay ugaling dapat iwasan.
• Isang uri ito ng malupit na pamimilit dahil sa paulit-ulit na
ginagawa ito sa isang biktima.
• Tahasang pananakot na ginagawa upang makaramdam ng pagiging
malakas at makapangyarihan.
• Maaaring maganap ang pambubuska sa maikli o mahabang
panahon.
• Anumang uri ng pananakot o pananakit ay tanda ng kawalan ng
paggalang at pagpapahalaga sa kapwa at sa kaniyang dignidad.
• May mga palatandaan na magsisilbing babala upang malaman mo
na ang pambubulas ay nangyayari na.
Mga Dahilan ng Pambubuska
1. Kagustuhang maging sikat, hangaan at katakutan. Gustong
magkaroon ng imaheng “astig” o matapang.
2. Pagkainggit o paninibugho
3. Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang “Exploring the Nature
and Prevention of Bullying” (2009), isa sa mga sanhi kung bakit
may nambubuska ay sa dahilang sila rin ay naging biktima nito.
4. Kakulangan ng pag-aaral at talakayan tungkol sa isyung ito sa
loob ng paaralan.
5. Samantala, mayroon ding nambubuska sapagkat hindi nila
nauunawaan na mali ang kanilang ginagawa at ito ay may
masamang epekto sa kapwa.
Paraan ng Pagtugon sa Isyu ng Pambubuska

• Ang pambubuska ay isang mahalagang isyu na dapat


harapin at tugunan sapagkat nagaganap ito sa mga lugar na
dapat ay ligtas tulad ng paaralan.
Mga Uri ng Pambubuska

1. Pisikal na Pambubuska
- Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal
2. Pasalitang Pambubuska
- Ito ay ang halimbawa ng pangangatyaw, panlalait, pang-aasar,
atbp.
3. Panlipunan na Pambubuska
- hindi pagtanggap, pagkakalat ng tsismis
4. Cyber o Electronic na Pambubuska
- pagpapadala ng masamang mensahe, pagbanta, atbp.
Mga Sangkot sa Pambubuska

1. Mambubuska
- siya ang gumagawa ng hindi kaaya-ayang aksiyon sa biktima
2. Biktima ng Pambubuska
- siya ang naaapi ng mambubuska
3. Tagamasid sa Pambubuska
- siya o sila ang may alam o nakakita sa pangyayari
Mga Palatandaan na ang Isang Kabataan ay Biktima ng
Pambubuska
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga palatandaan na maaaring
gamitin upang malaman kung ikaw o ang iyong kapwa ay biktima ng
pambubuska:
1. Depresyon 8. Pagkabagabag tungkol sa isyu ng kaligtasan
2. Pagkabahala 9. Pagsubok sa masasamang bisyo
3. Kalungkutan
4. Agresiyon
5. Pagkaranas ng suliranin hinggil sa pag-aaral
6. Pagkawala ng tiwala sa sarili
7. Pagkawala ng gana sa pakikisalamuha sa iba
Mga Palatandaan na ang Isang Kabataan ay Biktima ng
Pambubuska
1. Madalas na pagkawala ng mga gamit
2. Malimit na pagkasira ng mga gamit
3. Pakikihalubilo mo sa mas batang kasama sapagkat hindi ka nila
kayang takutin
4. Naising mapag-isa sa oras ng recess o break mula sa anumang
gawain sa paaralan
5. Pagdating mo sa paaralan ng huli o eksakto lamang sa oras para
makaiwas sa nambubuska
6. Sobra o pagkakulang sa iyong pagtulog
7. Madalas na pagdaing ng mga sakit sa katawan
Bakit Dapat Itigil ang Pambubuska?
• Sapagkat ito ay hindi lamang nakakaapekto sa biktima ng
pambubuska kundi pati na rin sa nambubuska at tagapagmasid
ng pambubuska.
• Sapagkat ito ay may malalim at malubhang epekto sa biktima.
• Sapagkat ang nambubuska ay maaaring madaan sa maling
landas ng kanyang buhay.
• Sapagkat pati na rin ang mga tagapagmasid ng pambubuska ay
nakararamdam ng pagkabagabag at pangangamba sa sariling
kaligtasan.
Paraan Upang Matigil ang Pambubuska
1. Maging matapang at magkaroon ng positibong pananaw tungkol sa
iyong sarili.
2. Sumama sa mga kaibigan o grupo ng mga tao na magbibigay sa iyo ng
pakiramdam na ikaw ay ligtas sa pambubuska.
3. Huwag pansinin ang nambubuska. Kumilos na parang hindi mo siya
naririnig o nakikita.
4. Huwag gumanti sa pamamagitan din ng pambubuska.
5. Ipaalam sa matatanda ang pambubuska na iyong nararanasan.
6. Iwaksi sa isipan na ang pambubuska ay normal na bahagi ng buhay na
dapat pagdaanan ng isang kabataang tulad mo.
7. Ang lahat ng pagsisikap na malutas ang isyu ng pambubuska ay
nangangailangan ng pagtutulungan ng paaralan, pamilya at pamayanan.
TAPOS NA!!!

You might also like