You are on page 1of 6

Filipino 9 – Ikatlong Markahan

QUIZ 3.1
Isulat sa patlang ang kayarian ng
salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap
__________1. Ang ama ay nagsulat sa
mungkahi ng bunsong anak.
__________2. Ipinagkaloob ng ama ang
kanyang hinihingi.
__________3. Dali-daling umalis ang bunsong
anak upang lustayin ang nakuha niyang
yaman.
__________4. Para sa nakatatandang kapatid,
walang kapatawaran ang ginawa ng kanyang
kapatid.
__________5. Nakalulungkot mang sabihin ay
hindi maitatangging asal-hayop ang kanyang
kapatid.
Naihahanay ang mga Salitang Ginamit sa Talata
Ayon sa Uri Nito
Suriin ang kayarian ng mga salitang may
salungguhit. Isulat ang mga ito sa tamang hanay.
Ang kapatid na nagpatawad ay nakahanap ng
kanyang mamahalin. Nagpasiya siyang pakasalan
na ang dalagang napusuan. Noong una ay urong-
sulong pa ito sa kanyang alok na pagpapakasal,
gabi-gabi niya itong pinaghahandaan. Hinandugan
niya ito ng singsing at kuwintas. Sa araw ng
kanilang kasal ay dumating ang maraming
kapitbahay. Daan-daang tao ang dumating
upang makisaya. Halos mapuno ang kanilang
bakuran ng mga bisita. Bumaha ng mga
pagkain at inumin. Mababakas mo ang
umaapaw na kaligayahan sa mukha ng
bagong kasal. Para sa kanila ulit-ulitin man ang
seremonya ay hindi sila magsasawa.
Payak Maylapi Inuulit Tambalan

You might also like