You are on page 1of 15

SINAUNANG

PAMANTAYAN
Poetics ni Aristotle
Ang poetics ni Aristotle ukol sa panunuring pampanitikan na
nakalahad sa Poetics ay maisasaalang-alang bilang
pinakamahalagang akda sa panahong klasiko. Masasabi rin
itong pinakamabisang gawaing naisulat sa kasaysayan ng
panunuring pampanitikan.
Mabubuod sa tatlo ang mahahalagang kontribusyon ng
Poetics.
Una, masasabing ito ang nagpasimuno ng kritisismong
pampanitikan.
Ikalawa, sa kabuuan ng ilang panahon sa kasaysayan, lalo na sa
“renaissance” at ika-labingwalong siglo ginamit itong hulwaran
at patnubay sa panunuring pampanitikan.

Ikatlo, sapagkat ang sinuri ni Aristotle at ang ginamit na materyal


ay ang panitikang griyego, inialay ng Poetics ang isang
konkretong teoriya ng panitikan na hindi hiram sa mga basal na
kaisipan o pilosopiyang pang-estetika.

Dahil dito, tuwirang matutukoy na ang Poetics ang nagtindig


ng pundasyon ukol sa pag-unawa at pagbibigay-halaga sa
panitikan, lalo na ang panitikan ng mga mamamayang lumikha ng
ngayo’y nakikilala natin bilang sibilisasyong Kanluran.
1. Anyo at Kahulugan
Sapagkat ang Poetics ay isang tugon ukol sa pag-
aalinlangan ni Plato sa mga bisang pangmoral ng sining,
ipinagtatanggol ni Aristotle ang panig ng panulaan sa
dalawang paraan:

UNA IKALAWA
Ang Katotohanan at Ang kasiya-siyang bisang
Katibayan ng tula bilang isang pangmoral ng kabatiran nito
“imitasyon” (panggagagad) ng sa isipan.
kalikasan o bilang isang anyo
ng kaalaman.
Samantalang pinaniniwalaan naman ni Plato na ang
ultimo o pinakahuling Realidad ay binubuo lamang ng mga
dalisay at basan na “Kaisipang” kaiba sa konkreto o
materyal na daigdig. Naniniwala naman si Aristotle na ang
Realidad ay isang “pamamaraan ng pag-aanyo” na
nangangahulugang makikita ang anyo sa pamamagitan ng
konkretong bagay at ang konkretong bagay na ito ay
nagkakaroon ng anyo at kahulugang kumikilos nang ayon sa
mga umiiral na kaayusan at simulain.
Ang anyo ay hindi lamang nangangahulugan ng “pamamaraan”
ng sining. Nangangahulugan din ito ng landas o “tunguhin” na
daraanan ng isang bagay kung ang bagay na ito’y nabibigyan ng
pagkakataong maisagawa ang layunin.
Dahil dito, ang mga istrukturang klasiko ay hindi isinasaalang-
alang ayon sa mga indibidwal na katangian, pagpapahayag o galaw,
kundi ayon sa pangkalahatang kakayahan nitong matamo ang
kaganapang nakalaan dito kung mapagkakalooban ng pagkakataon.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ibinibilang sa pagbuo ng
banghay ng klasikong dula, ang pangyayaring nagaganap sa
pangkaraniwang buhay.
Kauganay nito ang paniniwala ni Aristotle na ang panulaan ay higit
na mataas at pilosopikal kaysa kasaysayan: sapagkat samantalang
ipinahahayag ng panulaan ang pandaigdig na kabuluhan, ang
kasaysayan naman ay ang pansarili.
Binibigyan-din ng kasaysayan ang bawat detalye ng pangyayari
nang hindi isinasaalang-alang ang nagwawakas na anyo na likas na
isinasagawa ng mga bagay-bagay kung mabibigyan lamang sila ng
pagkakataong marating ang kanilang makatwirang wakas.
Ang mandudula sa kabilang dako, ay mapamili: hindi niya
isinasama ang walang kaugnayan at sa halip ay binabalangkas ang
maaaring maging anyo ng isang pangyayari bilang isang kompletong
yunit.
Ang katawagang “anyo” ay gagamitin din bilang “kahalagahan” ng
isang bagay o pangyayari sa tunay na kahulugan at katauhan nito, at
ang kanyang kapakinabangan.
Ang bagay o pangyayari ay nararapat na magtaglay n “isang uri ng
kalahan” kung may makabuluhang maibibiunyag ang paglinang dito.
Samakatwid, hindi rin ito yaong minimithing mangyari o nararapat
maganap ayon sa paghahangad o pansariling paghahangad o
pagnanasa, kundi ito yaong likas na nagaganap, “ayon sa tuntunin ng
probabilidad o pangangailangan.”
Binibigyang-diin ni Aristotle ang banghay sa halip na ang mga
tauhan, sapagkat para sa kanya, ang banghay ang “kaluluwa” o ang
wastong anyo ng dula. Ginagagad ng dula ang “kilos” at sapagkat
panggagagad ng kilos ang dula, karampatan lamang na maging isang
“gawain” ito sa kanyang sarili.
Para kay Aristotle, ang banghay ay ang kabuuan ng pagbibibgay-
diin sa kaisahan ng magkakaugnay at magkakatugong kilos sa isang
ganap na gawain. Kinakailangang taglayin ng banghay sa kanyang
sarili ang mga kondisyon o pangangailangang naghahatid sa kanyang
sarili sa kawakasan.
Ito ang dahilan kung bakit higit na binibigyang-diin ni Aristotle
ang trahedya kaysa ibang anyo ng dula.
Sa madaling salita, kinakailangang magkaroon ng “probabilidad.”

Ang probabilidad ay nangangahulugan ng panloob na


pagkakaugnay-ugnay at balangkas, ang maayos na pagkakabuo at
pagkakabalak ng banghay. Salungat ito sa kahulugan ng “sakali”
(chance).
Sabihin pa, ang banghay na nararapat na magtaglay ng tinatawag
na “kaisahan ng mga kilos.” Nararapat ito na magkaroon ng simula,
gitna at wakas.
Iminungkahi rin ni Aristotle ang pangangailangan ng pangunahing
tauhan na magkaroon ng isang “nakalulunos na pagkakamali o
kahinaan.”
Ngunit may sapat na katuwirang sikolohikal ang pamimili ng
pangunahing tauhang may natatanging katangian o kakayahan na
maghatid sa kanya “sa kasawian mula sa mabuting kapalaran” na
bunga ng “isang malaking pagkakamali o kahinaan.”
Kung ang lilikhaing tauhan ay walang kapitasan, mahirap na
magkaroon ito ng katumbas sa tunay na buhay.
Kung ang kasawiang mararanasan ay hindi naaangkop sa tauhan,
mapipigil nito ang pagtataglay ng iba’t ibang damdamin.
Ang tauhang nilikha ay nararapat na magkaroon ng naiibang
katangian at kakayahan.
Ang tauhan ay nararapat na magkaroon ng lugar na kanyang
pagmumulan sa pagkahulog. Hindi ang pagkahulog na tauhan sa
kasawian ang mahalaga, kundi ang “takot” at “habag” na kakambal
ng pagdanas sa kasawian.

2. Catharsis
Isang matagumpay na trahedya. Kumakasangkapan at
nananawagan sa dalawang batayang damdamin sa simula.

1. “TAKOT” - ang pagdama ng sakit, kirot o hapis dahil sa


“nagbabantang kasamaan na mapangwasak o mapanganib na
kasamaan.
2. “HABAG” - kakayahan nating makisimpatya sa iba.
Nararamdaman natin ang isang bahagi ng lakas at lawak ng
kasamaang sumawi sa kanya.

Gayunpaman, ang trahedya ay nagbibigay din ng catharsis, isang


wastong “pagpupurga” o paglilinis ng “takot at habag.” Ito ay isang
paraan ng pagsupil at pag-akay sa damdamin. Kusang ginigising ng
trahedya sa mga manonood ang takot at habag na ipaiilalim sa
“paglilinis.”
Tandaan, ang damdamin ay nakabuhol sa masimpatyang
pagkakakilala sa naklulumos na tauhan at sa nakalulunos na
sitwasyon.
Magagawa rin ng trahedya, sa pamamagitan ng pagpukaw ng
kalikasan natin sa kaugmaan at panggagagad, na mailahad ang isang
maayos na pagkakahanay ng balangkas na pinag-uunay ng “tuntunin
sa probabilidad at pangangailangan.”
Samakatwid, napapalaya nito ang tao sa kanyang pansarili at
makasarling daigdig, napagugulang at napapalawak ang kanyang
katauhan sa pamamagitan ng habag.
Sa kabila ng teoriya ng catharsis, may paniniwala ang mga Griyego
na ang sising ay mapagbuo. Nangangahulugan sa pagpapalawak,
pagsasanay at pagpapatinig ng damdamin at sa pag-aakay nitong
palabas.
SALAMAT!

You might also like