You are on page 1of 1

Panitikang maituturing ang halimbawang larawan sa itaas sapagkat naglalarawan ito ng buhay ng mga

tao at lipunang hinuhubog ng samot-saring puwersa sa loob ng hangganan ng panahon at lugar. Kung
ating susuriin ang sensorya ng paningin sa kalye, nagsimula ito sa mga paskil na “Bawal Tumawid Dito.”
Ngunit mayroon pa ring mga tumatawid hanggang sa binago na at ginawang “Walang Tawiran,
Nakamamatay”. At sa huli ay mayroon nang mababasang “Bawal Tumawid, May Namatay na Dito.” Sa
puntong ito, mapananagpo natin ang mga babala bilang historikal dahil tinatalakay nito ang panahon na
ang lahat ng tao ay nagmamadali at papasok ang nosyon ng bilis nang makasabay sa modernismo. Kung
gayoon, nagiging bahagi na ito ng pang-araw-araw na pamumuhay o komunal na tradisyon para sa
nakararami at ito ay literatura. Isang patunay na rito ang pilosopiya ni Pierre Bourdieu. Sinasabi niyang
nagmumula sa habitus o ang tinatawag nating sistema ng disposisyon sa pagkilos, pakiramdam at pag-
iisip ang pangongondisyon sa bawat kilos, damdamin o isip ng isang indibidwal nang maging tagapag-
udyok ng paglikha ng mga ugnayang panlipunan sa kabila ng mga konseptuwal na espasyo. Sa parehong
lente rin natin kasasangkapin ang paniniwala ni Plato at Aristotle…Everything that we see in this world is
nothing but a secondary copy of the idea; The world is more than the sum of its parts, na may kaugnayan
sa panitikan. Samakatuwid, ang larawan ay nagiging panggagaya, imahinasyon, emosyon o saloobin,
katotohanan , piksyon at panghuhusga ayon sa pinaniniwalaan ng may-akda. Kung babalik tayo sa
teksto ng “Walang Tawiran, Nakamamatay”, ito ay pagtalakay lamang sa porma o anyo kung paano ito
naisulat; konteksto naman ang inilalahad kung may pagtatangkang kasangkapin ang uri ng lipunan sa
pagkakaroon nito ng bisa. Bilang paglalahat, anumang teksto o akdang nabuo ng manunulat ay bahagi
ng kultura bagaman ang tradisyon pa rin ng isang bansa ang makapagsasabi kung alin ang panitikan at
hindi.

You might also like