You are on page 1of 3

ISANG LIHAM NG PAG-IBIG

Lamberto E. Antonio

Buwan, buwan,
Hulugan mo ako ng sundang…

Nahahati sa dalawang anyo ang panitikang Pilipino – pasalindila at pasalinsulat. Mula rito,

bubuksan ko ang pagsusuri ng tulang aking napili. Una, matatalakay ang aura ng oralidad. Bakit nga

ba oral at paanong mapalilitaw ito sa tula? Pansinin ang pamagat – Buwan, buwan, Hulugan mo ako

ng sundang; na malinaw na sumususog sa simbolismong sining at panitik. Ibig sabihin, sa panitikan

ng Pilipinas, itinuturing na pinakamakapangyarihan ang buwan sa lahat ng imahen bunga ng panini-

walang katutubo na ang tanglaw ng buwan ay para sa karimlan ng gabi, nagbibigay-liwanag habang

hinihintay ang ganap na kalayaan. Ganito rin maihahanay ang sanaysay na Ningning at Liwanag ni

Emilio Jacinto, at kay Alejandro G. Abadilla na ama ng makabagong panulaang Tagalog, ay sa buwan

nagpapasaklolo habang siya ay nakaratay sa tulang: Buwan, iyong mata/Sa akin ang tutok/Meron ka

bang dalang/ Sa sakit ko’y gamot? Gayundin ang maikling kwento ni Lualhati Bautista na: Buwan,

buwan… Ngunit, bakit nga ba hindi ang araw? Ayon sa mga sinaunang tradisyon, ang araw ay simbo-

lo ng establisimyento; hindi para sa mga aliping nagnanais makalaya sa abang kalagayan. At, ito ang

magdadala sa atin sa primordial na uniberso sapagkat nagpasalin-salin ang paniniwala bagaman wa-

lang indexical na referencia. Sipatin naman natin ang salitang “sundang”. Isang uri ng kagamitan sa

panahon ng kapayapaan at sandata sa panahon ng digmaan. Sa panahon ng katutubo, naging instru-

mento ang mga matutulis na bagay gawa sa bato (paleolitiko), kahoy (mesolitiko), o metal, sa kani-

lang pang-araw-araw na pamumuhay – pangangaso, pangingisda at pakikipagtunggali sa ibang tribo

bunsod ng paninirahan. Samakatuwid, ang aura nito’y isang katangian ng bagay na kadalasang nabe-

benta. May aura rin ng pagiging ordinaryo o gamit sa araw-araw na binanggit sa unang pahayag, at

ekstraordinaryo na maaaring makalikha ng masining na kaisipan ng tagapaglikha tulad ng hugis o di-

senyo at konteksto nito. Nililentehan maging ang textualisasyon ng mga salitang ginamit patungo sa

pagpapahiwatig ng konkretisasyon ng karanasan ng mga persona sa loob ng tula; at sa paanong lilik-

ha ng intimacy sa relasyon ng mambabasa.


Mula sa naunang pagsipat sa kultura, narito ang ikalawang bahagi. Ayon kay Rolando B. To-

lentino, sa kanyang introduksyong Layas, Layag, Laya sa Panitikang Filipino, ang lipunan ay espasyo

ng imahinasyon ng manunulat at mambabasa. Ito ang dumiditermina ng kanilang afinidad at distan-

sya sa mga nagtutunggaliang pwersa na mababasa sa lahat ng saknong ng tula partikular ang ikaanim

– “diyan nag-uumpisa ang pagkabusabos ng dukha”. Malinaw itong may social classes; mga nagha-

haring-uri at mga nasa laylayan ng lipunan. Makikita rin ang usaping pangkasarian kina Islaw Palitaw

at Mariang Pandakokak, sa henerasyon ng matanda sa kabataan – ang mga magulang at mga anak;

at indibiduwal na pagkatao nang pumasa sa kolektibong pagkatao. Dumako tayo kay Islaw Palitaw.

Alam mo ba kung bakit ito ang ngalan ng lalaki? Patunay ngang may alegorya sa pagbasa’t pagdanas.

Sa tulang isinulat ni Lamberto E. Antonio, ang Takada ni Islaw Palitaw, ipinaliwanag ang bansag na

palitaw na tumutukoy sa paglubong at paglitaw sa karalitaan; ang lunan ng karakter, sa bukirin. Ba-

likan ang feudalismo ng kolonyalismong Kastila, binibigyang-diin ang pag-aari ng lupa ng mga prayle

na kung saan ang mga mahihirap ang nagtatanim subalit sa huli, kakarampot ang naiuuwi. Dito mau-

unawaan ang panitikan bilang kasaysayan na ipinamalas ng personang si Islaw.

Sa ikatlong bahagi, maiuugnay ito sa Matagal Nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang

Bayan. Tingnan si Mariang Pandakokak bilang asawa’t ina sa kanilang mga anak. Ang urbanidad ay

naipakita sa espasyong rural dahil sa pamumuhay na humuhulma rito. Pagbalikwas din sa panitikang

bayan ang subersyon ng akda sa naghaharing-uri. Suriin ang mga linyang: Huwag nga lang ipauuba-

ya/sa kawalan ang palad at tadhana:/ Kaya nga iwaglit mo na ang buwan/ At ang ihuhulog nitong

sundang/. Hindi ba’t lumalaban ito sa kabila ng pwersang kumokontrol sa kanilang buhay maralita?

Iyan ang temporal na pagkakataong magtatagumpay ang naaapi dahil nagagawa nitong takasang

panandalian ang kahirapan buhat sa opresyon ng mga mapang-api. Mahusay din ang estetikang go-

thiko ng akda sa pagpapapasok ng feminismo. Pinatutunayan ng babaeng persona, si Mariang Pan-

dakokak, ang kanyang pagbalikwas sa patriyarkal na sistema: Huwag ninyo akong alalahanin/Huwag

pabibilanggo sa hinagpis, Ni pahihila sa pangungulila, ay nagpapakita ng katatagan ng isang babae at

kakayahan nitong magsakripisyo para sa pamilya na tila isang lalaki.

You might also like