You are on page 1of 2

Bakit Dapat Aralin ang Panitikan?

May nabasa ka na bang artikulo? O narinig na madamdaming kwento? "Nakarelate" ka na ba sa isang


istorya? Sa araw-araw na pamumuhay ng isang tao, maaari siyang makasalamuha ng panitikan sapagkat
ang panitikan ay katha ng tao, pahayag man o sulatin. Maaari nila itong gawin o ibase sa totoong
pangyayari o mula naman sa kanilang imahinasyon. Bahagi na ng kultura, paniniwala, at tradisyon ng
isang bansa ang panitikan. Sapagkat maging mga mitolohiya o mga salingdila, na sinasabing kathang-isip
lamang, ay sumasalamin pa rin sa kung sino at ano ang isang bansa at ang mga taong sakop nito. Kung
ang panitikang gawa naman ay purong imahinasyon lamang at kaonti lang ang salamin sa reyalidad,
magagamit pa rin ito upang makakita ng ibang perspektibo. Dito mailalarawan na tunay ngang mahalaga
ang panitikan, ngunit kailangan ba itong pag-aralan? Oo, anoman ang kurso ng isang mag-aaral,
kinakailangan pa rin na makita ang "totoong" kwento, hindi lang ang puntong "nakarelate" lang.
Mahalaga rin na malaman nila ang perspektibo at ideya ng ibang tao.

Sa pilosopiya, mayroong tinatawag na "naive beholder" at "art historian". Ang una ay tinitingnan ang
isang gawa base sa kanyang sariling kultura at karanasan. Naiintindihan niya ang gawa dahil may
sitwasyon siyang naranasan na hawig sa gawa. Sa madaling salita, ito ay ang pagkakataon na
"nakakarelate" siya sa gawang iyon. Samantala, ang huli naman ay pinag-aaralan ang gawa gamit ang
perspektibo ng gumawa. Kaya naman inaalam niya ang lahat ng impormasyon ukol sa gawa upang
maintindihan ito. Hindi masama na maging "naive beholder" pero sa larangan ng panitikan, mas
maganda kung titingnan ang gawa sa perspektibo ng isang "art historian" - hihimayin at tunay na
kikilalanin. Sa pagkukumpara sa "naive beholder" at "art historian" makikita ang importansya ng "pag-
aaral" ng panitikan. Sa "pag-aaral" na ito mas makikilala ang akda at ang pinagdaanan ng akda kung
bakit ito nabuo. Sa puntong ito mas maiintindihan ang istorya, hindi lang dahil sa "nakarelate" base sa
sitwasyon kundi nagamit ang kwento, karanasan ng gumawa at pinagdaanan ng gawa, kaya naman
maaaring magamit sa buhay.

Isang halimbawa ay ang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ang isang "naive beholder" o tagabasa
lamang at hindi nag-aaral ng nobelang iyon ay maaaring "makarelate" sa kwento ni Maria Clara at
Crisostomo Ibarra dahil naranasan din ng mambabasang iyon at ng kanyang nobyo o nobya ang kasawian
sa pag-ibig. Mararamdaman niya ang sakit at matutuwa na tila ba ay may nakaiintindi sa kanya at may
nakaranas din ng kanyang karanasan. Ngunit ang isang "art historian" o nag-aaral ng kwento ay
hihimayin ang pinagmulan ng kwento, kung sino ang sumulat, saan isinulat, bakit isinulat, para kanino
isinulat at iba pa. Sa halimbawa makikita na ang kwento o akda ay nakadepende sa kwento ng "naive
beholder", sa kabilang banda, ang "art historian" naman ay nakadepende sa kwento o akda.

Sa halimbawang nabanggit makikita rin ang halaga ng pag-aaral ng panitikan, sapagkat sa pag-aaral na
iyon tunay na makikita ang intensyon ng may akda. Hindi lamang nakabase sa nararanasan ng
mambabasa kundi ang natutunan ay nakabase sa kung ano talaga ang nais iparating ng may akda sa
kwentong iyon. Dito mahahamon ang perspektibo at ideya ng mga mag-aaral. Hindi sila hihingi ng
kumpirmasyon ng kanilang karanasan sa isang akda kundi hahamunin nila ang kanilang kaalaman sa
pamamagitan ng akdang kanilang inaaral.
Sa kabuuan, kailangan pag-aralan ang panitikan sapagkat dito mahahasa ang perspektibo ng mga mag-
aaral basesa perspektibo ng mga ibang tao lalo na ng may akda. Mababalanse ang kultura at mga
paniniwalang alam na, ng mga paniniwalang pinaniwalaan noon dahil sa isang sirkumstansiya na iba sa
panahon ngayon. Kahit na ganoon, ika nga "history repeats itself", ang mga nakaraang perspektibo ay
maaaring magamit muli, iba man ang sitwasyon, "mairerelate" pa rin. Sa huli, tama na ang
interpretasyon.

Pinagkunan:

https/philnews.ph/2019/06/22/panitikan-kahulugan-uri-anyo-akda/

https/brainly.ph/question/19313

https://books.google.com.ph/books?
id=RI1fDQAAQBAJ&pg=PT95&lpg=PT95&dq=naive+beholder&source=bl&ots=gh1_2V6OF7&sig=ACfU3U
3QelzmZi3QdLygGK4QRzmGJc-ZMA&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwia87-
tnK3lAhXBAYgKHeXzDMAQ6AEwBHoECAoQAQ#v=onepage&q=naive%20beholder&f=false

You might also like