You are on page 1of 13

KONTEKSTWALISADONG

KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
z

G. RICCI A. GARCIA, LPT


GURO
KABANATA 2
ARALIN 5

PAGBABASA
AT PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON
PAGBABASA

Ayon kay Coady (1979), ang pagbabasa ay interpretasyon ng


nakalimbag na simbolo sa kaisipan. Sa pagbabasa ay kailangan ng
kakayahang pangkaisipan dahil kinikilala ang mga tunog o ang
ponema ng naisulat na letra.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbabasa ay isang
saykolinggwistik na paghuhula (pscholinguistic guessing game) na sa
pagbabasa ay nakabubuo muli ng isang mensahe o kaisipang hango
sa tekstong binabasa.
Kakayahang
Pangkaisipan Dating Kaalaman

Mga Estratehiya
sa Pagpoproseso
ng Impormasyon

Modelo ng isang mambabasa (Coady, 1979)


MGA TEORYA SA PAGBABASA

1. Teoryang Bottom-up – ang pagbabasa ay pagkilala sa mga serye


ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang kaakibat nitong
tunog.
2. Teoryang Top-Down – ang pag-unawa sa binabasa ay nagmumula
sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down) sapagkat
ang dating kaalaman o prior knowledge ang nagpapasimula ng
pagkilala sa teksto.
3. Teoryang Interaktibo (interactive) – paggamit ng sabay sa
teoryang Bottom-Up at teoryang Top-Down, nangangahulugan na
hindi lamang ang teksto ang bibigyang pansin kundi pati na rin ang
pag-uugnay ng sariling karanasan o dating kaalaman.
MGA URI NG PAGBABASA

1. ISKANING – pagbabasa na nagsasagawa ng paggalugad sa teksto tulad ng pagbabasa


ng mga susing salita o keywords.
2. ISKIMING – mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon.
3. PREVIEWING – sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.
4. KASWAL – pansamantalang pagbabasa o di palagian.
5. PAGBABASANG PANG-IMPORMASYON – pagbabasang may layunin na malaman ang
impormasyon tulad ng pagbabasa ng pahayagan.
6. MATIIM NA PAGBABASA – nangangailangan ng maingat na pagbabasa na may
layuning maunawaang ganap ang binabasa.
7. RE-READING o MULING PAGBASA – paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap
unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
8. PAGTATALA – pagbabasa na may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan
o ideya bilang pag-iimbak ng impormasyon.
KABANATA 2
ARALIN 6

PAGBUBUOD AT PAGUUGNAY-
UGNAY NG IMPORMASYON
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD

BUOD
Sa pagbubuod dapat tinutukoy agad ang pangunahing detalyeng may kaugnayan sa
paksa, hindi tuwirang isinulat ang sinabi ng may-akda bagkus ay isusulat ito sa sariling
pananalita at panghuli gawing maikli at komprehensibo ang pagsusulat.

PRESI/PRECIS
Pinaikling bersyon na naipahayag nang kumpleto ang argumento sa sukat o habang
sangkapat (1/4) o sanlima (1/5). Kinakailangang maintindihan ang kabuuan, at makita ang
argumento ng akda bago makasulat ng isang presi/precis.

LAGOM o SINOPSIS
Pinaikli ang pangunahing punto ng isang babasahin, karaniwan itong ginagamit
bilang pabalat sa mga nobela o di kaya ay naglalaan ng isa o dalawang pahina sa likod
na bahagi ng noblea.
Halimbawa ng synopsis mula sa nobela ni Ricky Lee na “Para kay B”:

“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging masaya.
Kasama ka ba sa quota?”

HAWIG
Tinatawag na paraphrase sa Ingles ang hawig. Inilalahad sa sariling pangungusap ang
mga impormasyong nakalap sa ibang manunulat.

Halimbawa:
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa
hayop at malansang isda” – Dr. Jose P. Rizal

Isusulat ito sa hawig sa ganitong paraan:


Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika
ay mas masahol pa sa hayop at malansang isda.
SINTESIS
Pinagsasama-sama ang mga impormasyong nakalap mula sa mga tao o manunulat, libro o
pananaliksik upang makabuo ng isang malinaw na pagbubuod o babasahin na mayroong buo o
kumpletong datos.

ABSTRAK
Buod ng isang artikulo, ulat o pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon.
URI NG PAGSULAT AYON SA ANYO

PORMAL NA PAGSULAT
Sumusunod sa mga pamantayan ng pagsulat. Layunin ng Pormal na Pagsulat ang
makapaglahad ng mga ideya sa paraang madaling mauunawaan ng mga mambabasa.

DI PORMAL NA PAGSULAT
Hindi ito sumusunod sa mga pamantayan ng pagsulat at hindi na nangangailangan ng
mabusising pag-aaral at pananaliksik.
URI NG PAGSULAT AYON SA LAYON

• PANG-AKADEMIKONG SULATIN

• MALIKHAING PAGSSULAT

• SULATING JORNALISTIK O PAMPAHAYAGAN

• SULATING PAMPROPESYONAL

• SULATING PANTEKNIKAL
MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT

1. Pagpili ng Paksa

2. Pangangalap ng Impormasyon

3. Pagsusuri ng mga Nakalap na Impormasyon

4. Pagsulat

5. Pag-eedit o Pagrerebisa

You might also like