You are on page 1of 7

WASTONG PAGPAPAHAYAG

NG DAMDAMIN SA
PAGKUKWENTO O PAGSULAT
NG AKDA
Mahalaga ang wastong pagpapahayag ng
damdamin sa akda upang maipahatid ang tunay na
mensahe o diwa nito. Kapag ginamit ang anyong
pasalita, naipapakita ito sa pamamagitan ng lakas
ng tinig, ekspresyon sa pagsasalita, pagbigkas ng
mga pahayag na sinasabayan ng galaw ng kamay
at katawan, gayundin ng iba’t ibang ekspresyon ng
mukha.
MGA BAGAY NA DAPAT
ISAALANG-ALANG SA
WASTONG PAGPAPAHAYAG NG
DAMDAMIN SA PASULAT NA
PARAAN
1. Paggamit ng Wastong Bantas
-Tingnan kung paano maaaring maiba ang
mensahe ng pangungusap kapag naiba ang
ginagamit na bantas.

Siya ang magiging prinsipe ng Mali.


Siya ang magiging prinsipe ng Mali?
Siya ang magiging prinsipe ng Mali!
2. Paggamit ng Angkop na mga Pahayag
A. Mahalaga ang kaalamang diskorsal sa tamang
pagpapahayag. Tungkol ito sa paggamit ng lalong angkop na
salita sa bawat pagkakataon.
Sa halip na:
Mabait si Sundiata.

Maaaring palawigin ng:


Maawain si Sundiata sa mga hayop.
Siya ay mapagmahal na anak.
B. Mahalaga ang paggamit ng mga pahayag na
naglalahad ng kasidhian ng damdamin.

Sa halip na:
Natuwa si Sogolon sa nangyari.

Maaaring:
Wala siyang pagsidlan ng galak.
3. Paggamit ng mga idyoma o pahayag na matalinghaga

Isang nakabibinging katahimikan ang lumatag sa


paligid.

Pigil ang hininga ng lahat habang naghihintay sa


susunod na mangyayari.

You might also like