You are on page 1of 105

ANG KAHULUGAN

NG
LINGGUWISTIKA
Kahulugan
 Ito ay ang pagsasaalang-alang at
paggamit ng mga maagham na paraan
sa pag-aaral at pagsusuri ng wika.

 Hinimay-himay ang wika, sinusuri at


inoobserbahan.

 Pagkatapos ay kinaklasipika at
gumagawa ng mga alituntuning
bunga ng kanilang isinagawang pag-
aaral.
 Ito rin ay nakatuon sa:
1. Mga teorya ng estrukturang pangwika,
2. Baryasyon at gamit,
3. Ang paglalarawan at dokumentasyon
ng mga kontemporaryong wika,
4. at ang implikasyon ng mga teoryang
pangwika

upang makaunawa sa isip at utak, sa


kulturang pantao, kilos panlipunan, at
pagtuturo at pagkatuto sa wika.
 Ang lingguwistika, bilang isang
agham ay naglalayong malinang
ang mga paraan sa mabisang
paglalarawan sa wika.

 Ang mga datos sa lingguwistika ay


maaaring magamit ng guro ngunit
ang mga iyon ay dapat niyang
ayusin o modipikahin ayon sa
kaniyang pangangailangan bilang
guro.
PAGKAKAIBA NG
LINGGUWISTA
SA POLYGLOT
LINGGUWISTA
 Taong mahusay magsasagawa ng
maagham na paraan ng
pag-aaral/pagsusuri ng wika.

 Siya ay dalubhasa sa wika ngunit hindi


laging nangangahulugang marami
siyang alam na wika.

 Maaaring matatawag na lingguwista ang


isang tao kahit isa, dalawa, o tatlong
wika lamang ang kaniyang alam.
 Nakatuon lamang sa iilang wika lang.

 Pinag-aaralan at sinusuri ang balarila


at mga bahagi ng Nito.

 Hindi dapat laging asahan na mahusay


siyang magsalita katulad ng announcer
 Nasusuri ng isang lingguwista ang isang
wika kahit hindi siya marunong
magsalita nito sa pamamagitan lamang
ng paggamit ng mga impormante,
isang gawaing hindi nagagawa ng isang
karaniwang announcer o polyglot
POLYGLOT
 Taong nakapagsasalita ng iba't ibang
wika.
 Maraming alam na wika (Marunong ng Swedish,
Spanish, pampango, Waray, Maranao at iba pa.)

 Pinag-aaralan kung paano gagamitin


ito.

 Ang announcer sa radio at telebisyon ay


mahusay magsalita o gumamit ng wika
ngunit hindi siya lingguwista
5 NA PROSESO
SA MAAGHAM
NA PARAAN NG PAG-
AARAL SA WIKA
Ang Proseso
ng
Pagmamasid
 Ang pagtitipon ng obhektibo at
walang kinikilingang mga datos
at ng mga obserbasyong hindi
nakukulayan ng emosyon ay
pinakaunang hakbang na
karaniwang isinasagawa ng isang
lingguwista.

 Ito ang pinakasanligan ng lahat ng


maagham na pagsusuri.
 Pagmamasid sa mga katangian ng wika
mismo - tungkol sa mga tunog

A.paraan ng pagsasama-sama ng mga


tunog upang bumuo ng pantig paraan
ng pagsasama-sama ng mga pantig
upang bumuo ng salita, paraan ng
pagsasama-sama ng mga salita upang
bumuo ng pangungusap, mga
pagbabago-bago ng tunogo mga tunog
dahil sa impluwensiya ng kapaligiran, at
iba pa.
B. Pagmamasid sa nagiging epekto ng
wika sa tao sa ating mga gawi,
paniniwala, at kung ang ating
pagbibigay- kahulugan sa mga
bagay-bagay at pangyayari sa
ating paligid ay masasalamin sa
wika
Ang Proseso
ng
Pagtatanong
Ang paglalahad ng suliranin o
ng tanong ay maaaring
kasabay, kasunod, o una sa
proseso ng pagmamasid.

Ang gawaing ito ay isang


prosesong maagham.
 Sa kaniyang paglalahad ng mga
tanong o suliranin, pinipilit niyang
gumamit ng mga katawagan o
terminolohiyang may tiyak at
malinaw na kahulugan upang
siya'y maunawaan ng mga taong
iniisip niyang makikinabang sa
resulta ng kaniyang pag-aaral.
Ang Proseso ng
Pagklasipika
 Laging isinasaayos ng
linggwista ang bunga ng
kaniyang pananaliksik o
pagsusuri sa isang
sistematikong paraan para
ito’y mapakinabangan.
 
Ang Proseso ng
Paglalahat
Ang pagtitipon o pangongolekta
ng mga datos at pagklasipika sa
mga ito ay kailangang
humantong sa paglalahat,
pabubuo ng hipotesis, ng mga
prinsipyo, ng mga tuntunin o
batas.
Ang proseso ng pagklasipika ay
dapat humantong sa pagbuo ng
nasabing mga abstraksiyon sa
naging resulta o kinalabasan ng
obserbasyon at pagsusuring
isinagawa ayon mga datos
Ang Proseso ng
Pagberipika
at
Pagrebisa
 Ang anumang paglalahat,
hipotesis teorya at prinsipyo,
mga tuntunin o mga 'batas na
nabuo ng isang lingguwista ay
kailangang patuloy na
mapailalim sa pagsubok
upang mamodipika o marebisa
kung kailangan.
 Maituturing na isang maagham
na gawi ng isang lingguwista
ang magbago ng paniniwala
kung kailangan kaya patuloy
na ipakikipaglaban ang
kaniyang nabuong
paglalahat.
 Maaaring mabago o mamodipika ang
isang paglalahat dahil sa mga bagong
datos na naidagdag sa dating kalipunan
ng mga datos dahil ang wika ay
patuloy na nagbabago, kaya't ang
isang paglalahat na wasto sa isang
panahon ay maaaring mangangailangan
ng pagbabago sa ibang panahon.
Kahalagahan ng Guro
Paghahalintulad ng Doktor sa Albularyo
Doktor
Dalubhasa sa panggagamot

Ang doktor ay maihahalintulad sa


Lingguwista na maagham ang
pagsasagawa ng gawain
Albularyo
Ang karaniwang paraan ng paggagamutan ay
tapal, hilot, tawas, suob, o kaya ay banyos.

Kapag ginagamot ang maysakit ang


pasyente ay karaniwang sinasabi na dahilan
ay nakulam kahit pumutok na pala ang
apendisitis o dili kaya’y kahit naghihingalo na
an bata ay ayaw pang ipasilip kasi baka
magalit ang mangkukulam.

Nakapagpapagaling ng may sakit subalit ito’y


sa paraang maligoy, di-tiyak at di-maagaham
Paghahalintulad ng Lingguwistika sa Guro
LINGGWISTA
 Nagpapakadalubhasa siya sa larang ng
wika.

 Maagham ang kaniyang paraan ng pag-


aaral at pagsusuri ng wika.

 Mayaman siya sa teorya at karanasan.

 Maihahalintulad ang linggwista sa doktor


GURO
 Tapal-hilot ang paraan ng pagtuturo
ng wika

 Natuto ang mga bata kahit walang


lingguwista ngunit sa paraang
maligo’y, di-tiyak at di-maagham na
pamamaraan
Hindi dapat pagtimbangin ang
kakayahan ng lingguwistika sa guro
sapagkat kahit pa mas maagham ang
pag-aaral nito sa wika ay mayroon din
siyang matutuhan sa guro tulad
halimbawa sa iba’t ibang paraan ng
pagtuturo ng wika
ANG
KASAYSAYAN NG LINGGUWISTIKA
SA DAIGDIG
I. Sinaunang
Panahon ng
Lingguwistika
https://view.genial.ly/607925183d05791007dcc43b/interactive-
content-arrows-timeline
Tradisyong Babylon
(Babylonian Tradition)
Ang pinakaunang tekstong
naisulat sa cuneiform sa
tabletang luwad 4,000 taon
na ang nakalilipas.

Sa simula ng ikalawang siglo ng milenyo,


sumibol ang balarilang tradisyon sa
katimugang bahagi ng Mesopotamia (ngayon
ay bahagi ng Iraq, Kuwait, Syria, Turkey at
Iran)
Ang lingguwistikong teksto
mula sa sinaunang tradisyon
ay mga listahan ng mga
Pangngalan sa Sumerian
(isang nabubukod-tanging
wika), wikang panrelihiyon
at mga tekstong legal.

Sa pang-araw-araw na
gamit, ang wika ay
napalitan ng wikang
Akkadian (Afro-asiatic).
Tradisyong Hindu
(Hindu/Indian Tradition)
Nagsimulang lumakas ang lingguwistika
noong unang milenyo buhat ng
pagbabagong naganap sa Sanskrit,
ang banal na wika ng mga tekstong
panrelihiyon.

Sanskrit- wika ng sinaunang India


Si Panini- kauna-unahang
lingguwista/mambabalarilang
Hindu sa tradisyong ito
at nagsulat ng pormal na
deskripsiyon ng wikang
Sanskrit
Ang balarila ni Pānini ay
kinapapalooban ng ponetiko
at morpolohiya.
Nagkaroon ng pagsasaayos
sa organisasyon ng mga tunog
na nagbunga ng sistematikong
alpabeto, ang Brähmi.
Ang mga pagsusuring isinagawa
ng mga mambabalarilang Hindu
ay naging simula ng mga pag-
aaral sa ibang wika sa Europa.
Ang Lingguwistikang Griyego
(Greek Linguistic)
Nilinang ng mga griyego ang alpabeto batay sa
dating gamit ng mga Phoenician.

Ang mahahalagang ambag ng lingguwistikang


Griyego ay ang pinagmulan ng wika,
sistematikong bahagi ng pananalita,
relasyon sa pagitan ng wika at isipan, at ang
relasyon sa pagitan ng dalawang aspekto ng
tanda sa salita-Iconicity (ang anyo at
kahulugan ay konektado sa kalikasan) at
arbitrary (purong kumbensiyon).
Ang unang natitirang balarilang Europa ay
ang paglalarawan ni Dionysius Thrax (C. 100
BC), ang Téchnë grammatikë. Ito ay
tumatalakay sa ponetiko, morpolohiya
(kasama na ang bahagi ng pananalita), at
maraming impluwensiya sa deskriptibong
balarila.

Ang palaugnayang Griyego (Greek syntax)


ay naipaliwanag naman ni Apollonius
Dyscolus (c.110-175 AD) dalawang siglo na
ang nakararaan.
Tradisyong Romano
(Roman Tradition)
Ang pangunahing kapakinabangan ng
Tradisyong ito ay sa morpolohiya kasama
ang mga bahagi ng pananalita at anyo
ng pangngalan at pandiwa.

Sa ikaapat na siglo, sinulat ni Aelius


Donatus ang balarilang Latin, ang Ars
Grammatica na nagbigay kahulugan sa
tekstong pampaaralan noong Middle Ages.
Ang mas maliit na bersiyon nito, ang Ars
Minor ay tumalakay naman sa walong
bahagi ng pananalita, na naging kauna-
unahang librong nailimbag noong ika-15
siglo.
Tradisyong Tsina
(China Tradition)
Ang pilolohiyang Tsina (Xiaoxue o paunang
pag aaral) ay nagsimula upang maunawaan
ang klasiko sa Dinastiyang Han. Ang Xiaoxue
ay nahahati sa tatlong bahagi:
1. Ang Xungu (exegesis) o pag-iintindi ng
teksto
2. Ang Wenzi (analysis) o pagsusuri
3. Yinyun (study of sounds) o ang pag-aaral
ng tunog.
Dalawa sa pinakaunang nagawa sa
panahon ng Dinastiyang Han ay ang
Fangyan, ang unang gawang Tsino
hinggil sa diyalekto at Shiming, na
nakatalaga sa pinagmulan ng salita.

Ang pag-aaral ng ponolohiya sa Tsina ay


nagmula sa impluwensiya ng tradisyong
Hindu, matapos maging tanyag ang
Budismo sa Tsina.
 
Tradisyong Arabe at Ebreo
(Arabic and Hebrew Tradition)
Ang tradisyong Griyego ay nagbunga ng
malaking impluwensiya sa Tradisyong Arabe,
na nakatuon sa morpolohiya.

Ang tradisyong ito ay kilala sa eksaktong


deskripsiyon ng mga ponetiko.

Pinaniniwalaang nagsimula ito noong ika-7


siglo sa pamamagitan ng gawa ni Abü al-
Aswad ad-Du ali (c. 607-688).
 
Sinasabing ang tradisyong Arabe ay
nakaimpluwensiya sa tradisyong Ebreo na
nagsimula bandang ika-9 na siglo.

Gumawa si Saadya ben Joseph al-Fayyümi


(882-942) ng unang balarila at
diksiyonaryong Hebrew (Afro-Asiatic, Israel).

Mas nakilala ang balarilang Ebreo noong


ika-13 siglo dahil sa gawa ni David Qimhi
(c.1160-1235), na nakaimpluwensiya nang
malaki sa lingguwistikang Europa.
II. Modernong
Lingguwistika
 Nagsimula ang modernong lingguwistika sa
pagtatapos ng ika-19 na siglo na may iba’t ibang
tuon mula sa historikal na pagbabago ng wika
patungo sa wikang may sariling sistemang
estruktural.

Nagkaroon ng mga pananaliksik sa


pinagmulan ng wika na humantong sa
pagkakapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa
pinagmulang angkan.

Lumitaw rin ang iba't ibang disiplina sa


lingguwistika.
Noong ika-18 siglo, sinuri nina James Burnett
at Lord Monboddo ang napakaraming wika at
kinuha ang mga lohikal na elemento ng pag-
uswag ng wika ng tao. Ang kanilang pag-iisip ay
napagitnaan ng naunang konsepto ng
ebolusyong bayolohikal.

Sa The Sanskrit Language (1786), iminungkahi


ni Sir William Jones na ang Sanskrit at Persian
ay may hawig sa mga wikang klasikong
Griyego, Latin, Gothic at Celtic.
Mula sa ideang ito, sumibol ang mga
disiplinang komparatibong lingguwistika at
historikal na lingguwistika, na naglalayong
makita ang pinakaugat ng wika at mabakas
ang pag-uswag nito.

Lumitaw rin sa Historikal na Lingguwistika ang


semantiko at ilang anyo ng pragmatiko.
Sa Europa, may katumbas na paglinang ang
lingguwistikang estruktural na higit na
naimpluwensiyahan ni Ferdinand de Saussure.
Si Saussure ay may Teorya ng Kahulugan
(Theory of Meaning).

Napuna niya na ang wika ay isang hanay na


magkakadikit na pangkat na natatangi sa
walang katiyakang kalagayan ng idea at
tunog
Para sa kaniya, ang isang salita ay
pinagsamang konsepto at imaheng-tunog na
nagkakaroon ng kahulugan sa isip.

Mula sa kaniyang pananaw, umusbong ang iba't


ibang idea sa lingguwistika tulad ng
1.Descriptionist,
2.ang hinuha ni Sapir-Whorf
3.Functional Linguistics: The Prague School,
4.The London School,
5.Noam Chomsky and Generative Grammar at
6.ang Relational Grammar.
Sinundan ng Lingguwistikang Estruktural ang
Historikal na Lingguwistika, na nagbibigay diin
sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at
morpema sa isang salita o pangungusap.

Iba't ibang mahahalagang pag-aaral ang


isinagawa sa mga diyalekto sa Asya, Australya
at sa Amerika sa ilalim ng disiplinang ito.

Taong 870 lumitaw ang International Phonetic


Alphabet (IPA) na gumagamit ng hindi
kukulanging 400 na simbolo.
Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema
(phonemes), na naging payak sa paglalarawan
sa palatunugan ng isang wika sapagkat
kakaunting simbolo na lamang ang
ginagamit.

Gumagamit din ang mga estrukturalista ng


katawagang morpema sa pagsusuri sa
palabuoan ng mga salita ng isang wika.

Sa kasalukuyan marami pang iba t ibang


modelo ang lumitaw sa lingguwistika. Patunay
lamang ang wika ay dinamiko, buhay at patuloy
na nagbabago.
Iba’t Ibang Disiplina ng
Lingguwistika
1. Historikal na Lingguwistika
Kauna-unahang disiplina sa lingguwistika
na naglalayong magpatotoo na ang
mga wika sa daigdig ay nagmula sa
iba't ibang angkan.

Ito ay pag-alam sa pagkakatulad-


tulad at pagkakaiba-iba ng iba't
ibang wika.
Ang isang pinakaraniwang paraan ay:
1. Pag-alam sa mga salitang
magkaka- ugat (cognates) sa mga
wika.

2. Pinapangkat sa isang angkan-


batay sa sapat na dami ng mga
salitang magkakaugat, bukod sa
malaking pagkahawig sa palatunugan,
palabuoan, at palaugnayan
 Matagumpay larangan ito kaya't noong
1970 ay masasabing napangkat na
halos ang lahat ng wika sa daigdig.

 Blumentritt, isa sa mga nagpasimula


sa pag-aaral sa angkang Malayo-
Polinesyo na pinagmulan ng iba't ibang
wika sa Pilipinas.

 Sumunod kay Blumentritt ang iba pang


lingguwistang tulad nina Blake,
Conant, at Cecilio Lopez ng Pilipinas
at marami pang iba (cf. Gonzales, et al,
1973).
2. Lingguwistikang Estruktural
 Lingguwistikang estruktural na
nagbibigay-diin sa pagsusuri sa
distribusyon ng mga ponema at
morpema sa isang salita o
pangungusap.

 Iba't ibang mahahalagang pag-aaral ang


isinagawa sa mga diyalekto sa Asya,
Australya at sa Amerika sa ilalim ng
disiplinang ito.
 Ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng
mga pangungusap sa iba't ibang wika ay
nangailangan ang mga dalubwika ng
mga simbolong pamponetika at
pamponemika upang kumatawan sa
iba't ibang tunog.
 Noong 1870 ay lumitaw ang IPA
(International Phonetic Alphabet) na
gumagamit nang hindi kukulangin sa
400 simbolo.

 Ang gayong mga simbolo ay naging


suliranin hindi lamang sa mga
dalubwika kundi gayundin sa
bumabasa ng bunga ng kanilang
pananaliksik 
 Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema
na naging palasak na palasak hanggang
sa kasalukuyan.

 Naging payak ang paglalarawan sa


palatunugan ng isang wika sapagkat
kakaunting simbolo na lamang ang
ginagamit.
 
 Ang ponema ay itinuturing na
panulukang-bato ng lingguwistikang
estruktural.

 Ginamit ang katawagang morpema sa


pagsusuri sa palabuoan ng mga salita
ng isang
  wika.
 Panahon lamang ang makapagsasabi
kung aling modelo ang sa dakong huli
ay totohanang papalit sa modelong
estruktural.

 Pinakahuli at malamang na siyang


maging pinakamalaganap at gamitin
sa darating na mga araw ay
lingguwistikang dahil sa pagdatal
ng computer sa lahat halos ng
larangan ng pag-unlad
 
ANG
KASAYSAYAN NG
LINGGUWISTIKA
SA PILIPINAS
Panahon ng
Kastila
Nagsimula at natapos noong 1600-1900

Layuning mapabilis ang pagpapalaganap


ng Kristiyanismo sa kapuluan ngunit
wlang isang wikang magiging daluyan ng
komunikasyon upang maisakatuparan
ang kani-kanilang layunin

Higit na madali kung sila ang mag-aral


ng mga pangunahing wika sa kapuluan
kaysa kanilang hintaying matuto ng
Kastila ang nakararaming Pilipino.
 Hinati ang kapuluan sa apat na
Orden noong 1594, bilang pagsunod sa
kautusan ni Haring Felipe II

1.Ang Kabisayaan -hinati sa mga


Augustinian at Heswitas.
2.Augustinian -Ilocos at Pampanga,
3.Dominican - Intsik at Pangasinan,
Cagayan.
4.Franciscan -Kabikulan.
 Ang Katagalugan -hinati sa apat na
Orden
 Nagkaroon ng sigla ang pag aaral sa
mga katutubong wika na humantong sa
pagkakalimbag ng nga gramatika at
diksiyonaryo.

 Napakaraming naisagawang pag-aaral


sa Tagalog.
 Hindi kukulangin sa24 ang nalimbag
tungkol sa wikang Tagalog, 5 lamang sa
mga wikang Bisaya sapagkat Tagalog
ang ginagamit sa Maynila na siyang
pinakasentro ng pamahalaan
Karamihan sa mga paring Heswita at
Dominikano ang nagpapalaganap
ng Kristiyanismo sa dakong ito ng
daigdig.

 Napatunayan ng mga misyonerong


Kastila na higit na madali kung sila ang
mag-aral sa mga katutubong wika
kaysa ang mga Indio ang turuan ng
wikang Kastila.
 Mahabang panahon ang pag-aaral ng
iba't ibang wikang katutubo sa
Kapuluan kayat nakapagpalimbag
ang mga prayle ng mga materyales
na panrelihiyon at matagumpay na
napalaganap ang Kristiyanismo sa
buong Kapuluan.
 Hindi maituturing na sopistikado
ang pag-aaral sapagkat hindi
nagkaroon ng pormal na
pagsasanay sa larangan ng
agham-wika ngunit maituturing na
napakahalaga bilang mga panimulang
pag-aaral sa ating mga Katutubong
Wika.
Panahon ng
Amerikano
Nagsimula at nagtapos noong 1900-
1945

Layuning maihasik sa sambayanang Pilipino


ang ideolohiyang demokratiko ngunit walang
isang wikang magiging daluyan ng
komunikasyon upang maisakatuparan ang
kani-kanilang layunin

Higit na madali kung sila ang mag-aral ng


mga pangunahing wika sa kapuluan
kaysa kanilang hintaying matuto ng Ingles
ang nakararaming Pilipino.
 Higit na magiging madali ang
pagtuturo ng Ingles kung
mauunawaan ng mga guro ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles
sa iba't ibang wika sa kapuluan kayat
sinuri nila ang mga pangunahing
wika sa kapuluan, lalo na sa
Tagalog.
 Ilan sa mga isinagawang pag-aaral
noon:
1.Isang Hand book and Grammar in
Tagalog ni MacKinlay (1905)

2.Isang "Grammar of llocano ni Henry


Swift (1909)

3.Isang "Primer and Vocabulary of


Maguindanao" ni Porter (1903)
 Hindi lumawig ang pagsusuring-wika
sundalong Amerikano dahil ang
pumalit sa kanila aymga dalubwikang
may higit na kakayahan at kasanayan
sa pagsusuring-wika dahil karamihan
sa mga ito ay propesor sa mga
unibersidad sa Estados Unidos at sa
Unibersidad ng Pilipinas na itinatag
noong 1908.
Mga lingguwistang nagsisipanguna
ang sumusunod: Cecilio Lopez
(isang Pilipino), Carlos Everet
Conant(historikal), Frank R. Blake, at
Leonard Bloomfield (mga Amerikano).

Historikal at deskriptiv ang ginamit


sa pagsusuri sa mga wika.
Panahon ng
Kalayaan o
Kasalukuyang
Panahon
(1946-kasalukuyan)
Dumami ang mga pagsusuri sa mga
wika sa Pilipinas at ito’y
naimpluwensiyahan ng tatlong
mahahalagang pangyayari:

1.Pagtatatag sa Pilipinas ng
Summer institute of Linguistics-
ang mga lingguwistang misyonero na
kasapi sa organisasyon ang nagtungo rito
sa Pilipinas at nagsagawa ng mga
pagsusuri sa iba't ibang wika at wikain sa
kapuluan.
2. Paggamit ng makalingguwistikang
pamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa
mga Pilipino na lumikha ng malaganap
na pagnanais upang suriin ang mga wika
sa kapuluan.

3.Gradwal na pagdami ng mga


lingguwistang Pilipino, sapagkat
naimpluwensiya ng Amerika ang Pilipinas
kaya naragdagan na nang naragdagan
ang mga lingguwista sa kapuuan
Ang mga lingguwistang Pilipinong ito
ay mahahati sa dalawang pangkat:

1.Mga nagsipagtapos sa mga


unibersidad ng Estados Unidos at ng
Canada

2.Mga nagsipagtapos sa Pilipinas


(Ateneo for a Ph.D. in Linguistics)
Mga pinakamalaki at laganap na
sangay sa pag-aaral sa mga wika sa
Pilipinas

1. Summer Institute of Linguistics-


pinag-uukulan ang mga wikang 'di
gaanong malaganap. Isinasalin ang
Bibliya at mga babasahing
panrelihiyon.
2. Departamento ng mga Wikang
Oryental at Lingguwistika sa UP-
Pinakamatandang pangkat.
Pahambing na pagsusuri sa iba't ibang
wika sa Kapuluan.

3. Language Study Center ng PNU,


Ateneo de Manila, De La Salle,
Unibersidad ng San Carlos, at
Interchurch Language School.
4. Ang New Tribes Mission sa Pilipinas
ay may isa o dalawang lingguwista.

5. Sa Language Study Center ng PNC


ay nagsasagawa ng mga pagsusuring-
wika sa makalingguwistikang
pamamaraan upang iangkop sa
pagtuturo ng wika.
Mga Kilalang
Lingguwita
(Panahon ng
Amerikano)
1. Conant- Historikal

Pinakakilala sa kaniyang mga


pananaliksik ay ang kaniyang

1) "The RGH Law in Philippine Languages


(1910)

2)The Pepet Law in Philppine Languages"


(1912) na tumalakay sa naganap na
pagbabago sa mga tunog ng iba t
ibang wika sa kapuluan.
Naniniwala ang mga dalubwika na ang mga
salitang urat, ugat, uhat, at oya at pati na rin
ang uat ay buhat na lahat sa isang orihinal
na salitang Malayo-Polinesyo.

Sa ibang salita, ang mga ito ay


magkakaugat (cognates).

Nagkaroon lamang ng pagbabago ang mga


ito sa pagdaraan ng panahon dahil sa
pagkakawatak-watak ng mga taong
gumagamit nito.
May kahabaan ang pagkakatalakay ni
Conant sa Pepet Law.

Kinuha niya ang kaniyang mga datos sa


tatlumpu't apat na wika sa Pilipinas at
higit sa sampung wikang Austronesian.

Ang ebolusyon ng patinig na pepet


(Proto-Austronesian a) ay tinunton ni
Conant sa pitong uri ng kaligiran.
2. Blake- Descriptive
 Si Blake, nagtapos sa Unibersidad ng John
Hopkins(1900) , ay naatasang magsagawa
ng pagsusuri sa mga wika sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mga impormante upang
ituro sa mga Amerikanong may balak
magtungo sa Pilipinas.

 Sinimulang ang pagtuturo ng tagalog at


sinundang Cebuano.

 Tumagal ng 50 taon ang pagsusuri


Ambag sa lingguwistika sa Pilipinas ay
ukol sa gramatika ng Tagalog (1926).
Sa paraan ng paglalahad sa gramatika ng
Tagalog ay naimpluwensiya ng mga
pinakamahusay na mambabalarilang
Kastila, tulad ni Totanes.

Ang mga kategorya ng kaniyang


gramatika at mga katawagang ginamit ay
tulad ng ginamit ng mga
mambabalarilang Kastila na
naimpluwensiyahan naman ng mga
tradisyonal na mambabalarilang Europeo.
 Napag-ukulan ng pansin ang tatlong
magkakaugnay na mga yunit ng
gramatika: verb, voice, at case.

 Sinabi niyang lahat ng salita sa Tagalog,


maging anumang uri, ay maaaring
gawing pandiwa ngunit hindi sang-ayon si
Constantino sa dahil ang kongklusyon ay
hindi salig sa masusing pananaliksik.
 Bagamat naniniwala si Constantino na ang
kakayahan sa berbalisasyon ng Tagalog at
ng iba pang wika sa Pilipinas ay malinaw
na isang natatanging kakanyahan ng
mga wika sa Pilipinas.
3. Bloomfield(Maagham)-Descriptive

Ang pagsusuring isinagawa sa


gramatikang Tagalog ay kilala
hanggang sa kasalukuyan at hindi pa
nahihigitan.
Ang pagsusuri sa gramatikang Tagalog ni
Bloomfield ay lumikha ng rebolusyon sa
pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa
dalawang kadahilanan:
1. Ang sapilitang paggamit ng mga
impormante sa pagtipon ng mga datos

2.Paggamit ng mga bagong katawagang


panggramatika na kapalit ng mga
katawagang tradisyonal upang bigyang-diin
ang pagkakaiba sa ibang wika (hindi ang
pagkakatulad) ng wikang sinusuri
Si Bloomfield ay nakatuon sa paraan
ng pagkakaayos ng mga yunit
panggramatika at sa mga kaisipang
ginamit

Hinati ni Bloomfield sa tatlong bahagi


ang kaniyang pagsusuri sa Tagalog:
1. Bahagi 1: kinapapalooban ng mga
salitang Tagalog na nasusulat sa
transkripsiyong pamponemika,
kasunod ang katumbas sa Ingles;
2. Bahagi 2: Kinapapalooban ng
kaniyang pagsusuri sa Tagalog na
hinati nya sa Phonetics, Syntax, at
Morphology;

3. Bahagi 3: katatagpuan ng talaan ng


mga pormasyon at ng glossary.
4. Lopez (Pilipino)-Descriptive
Naimpluensiyahan ni Blake at
Bloomfield

Kauna-unahang lingguwistang Pilipino.

1970 ay kinilala siya at pinarangalan bilang


"Ama ng Lingguwistikang Filipino.
Ang Kaniyang disertasyon ay tungkol sa
pahambing na pagsusuri ng Tagalog at
llokano, sa pamamatnubay ni Dempwolf.

Naimpluwensiyahan ni sinulat ni Blake ang


unang nitong pananaliksik.

Ang ilan sa mga ito ay tumatalakay sa mga


kakaniyahan ng mga wika sa Pilipinas, tulad ng
paglalapi sa Tagalog, at ang mga salitang
hiram ng Tagalog sa Kastila.
Maraming sinulat at ipinalathalang
mga artikulo tungkol sa pahambing na
pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa
paraang singkroniko at dayakroniko
(ci. Gonzalez, et al. 1973 at
Constantino 1972).

Ang itinuturing na pinakamahalagang


ambag ang manwal na nauukol sa
gramatikang Wikang Pambansa.
Nang sulatin ang nasabing manwal ay
kapoproklama pa lamang sa Tagalog
bilang batayan ng wikang pambansa ng
Pilipinas.

Ang manwal ni Lopez ay isang


maagham na pagtalakay sa
gramatika ng Tagalog na angkop
gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng
Wikang Pambansa.
Madarama sa manwal ni Lopez ang naging
impluwensiya ng isinagawang pagsusuri ni
Bloomfield sa Tagalog at ng Philosophy of
Grammar ni Jespersen.

Hinati ni Lopez ang kaniyang manwal sa


apat na bahagi: isa sa ponetika, dalawa
sa morpolohiya, at isa sa sintaksis( ang
pagtalakay ay makabago at higit na
masusi kay Bloomfield).
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!!!

You might also like