You are on page 1of 51

ESP 10

4 QUARTER
TH
JUN BRYAN C. ACOB
1. Ito ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na
ginagampanan ng tao gamit ang kanyang katawan at espiritu
tungo sa kanyang kaganapan kaisa ang Diyos.
a. Sekswalidad c. Moralidad
b. Espiritwalidad d. Kaisipan
2. Ang pagtatalik bago ang kasal ng babae at lalaki na wala pa
sa wastong edad ay tumutukoy sa____________.
a. Pornograpiya c. Pre-marital sex
b. Pang-aabusong sekswal d. Prostitusyon
3. Ito ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego na “porne”
na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat
o paglalarawan.
a. Pornograpiya c. Pre-marital sex
b. Pang-aabusong sekswal d. Prostitusyon
4. Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba para sa sekswal na gawain at
seksuwal harassment.
a. Pornograpiya c. Pre-marital sex
b. Pang-aabusong sekswal d. Prostitusyon
5. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng panandaliang aliw
kapalit ng pera.
a. Pornograpiya c. Pre-marital sex
b. Pang-aabusong sekswal d. Prostitusyon
6. Ito ay edad ng padadalaga at pagbibinata ng isang lalaki o
babae na nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging
manlilikha ng Diyos.
a. Adulthood c. Old age
b. Adolescent d. Childhood
7. Alin sa mga sumusunod ang dalawang layuning maaari
lamang gawin ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng
kasal?
a. Procreative at Unitive
b. Suggestive at Provocative
c. Propriety at Decency
d. Sexual Orientation
8. Ang nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos
seksuwal ay kadalasan na ito ay_________________.
a. Procreative at Unitive
b. Suggestive at Provocative
c. Propriety at Decency
d. Sexual Orientation
9. Ayon sa kanya, ang “mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay ng
di nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit”.
a. Mahatma Gandhi c. Roque Ferriols
b. Sta. Teresita d. Sto. Tomas de Aquino
10.Ang mga pedophiles sa internet ay ginagamit ang isyung ito
upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin.
a. Pornograpiya c. Pre-marital sex
b. Pang-aabusong sekswal d. Prostitusyon
11.Ayon kay Sambajon Jr, ito ay ang hindi pagkiling at
pagsang-ayon sa katotohanan.
a. Pagsisinungaling c. Mental Reservation
b. Lihim d. Whistleblowing
12.Ito ay isang uri ng kasinungalingan kung saan sinasabi o
sinasambit para maghatid ng kasiyahan/tawanan ngunit hindi
sadya ang pagsisinungaling.
a. Jocose Lie c. Pernicious Lie
b. Officious Lie d. Natural Lie
13.Ito ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng
isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
a. Jocose Lie c. Pernicious Lie
b. Officious Lie d. Natural Lie
14.Ito ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa
naibubunyag o naisisiwalat.
a. Pagsisinungaling c. Mental Reservation
b. Lihim d. Whistleblowing
15.Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan
nito. Nangyari ang pangako matapos na ang mga lihim ay
nabunyag na.
a. Natural secrets
b. Promised secrets
c. Committed/Entrusted secrets
d. Official secrets
16.Ito ay naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman
sa isang bagay ay nabunyag.
a. Natural secrets c. Committed/Entrusted secrets
b. Promised secrets d. Official secrets
17.Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa
pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na
impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.
a. Pagsisinungaling c. Mental Reservation
b. Lihim d. Whistleblowing
18.Ito ay isyung may kinalaman sa pangongopya ng mga datos,
ideya, pangungusap, buod, akda, programa, himig at iba pa na
hindi kinikilala ang pinagmulan nito.
a. Plagiarism c. Theft
b. Intellectual Piracy d. Social Media
19.Ito ay isang uri ng paglabag sa paggamit ng walang
pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong
pinoprotektahan ng Law on Copyright.
a. Plagiarism c. Theft
b. Intellectual Piracy d. Social Media
20.Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa
tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon.
a. Pagsisinungaling c. Mental Reservation
b. Lihim d. Whistleblowing
21.Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.
a. Korapsiyon c. Bribery o Panunuhol
b. Pakikipagsabwatan d. Kickback
22.Ito ay ilegal na pandadaya o panloloko.
a. Korapsiyon c. Bribery o Panunuhol
b. Pakikipagsabwatan d. Kickback
23.Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa
anyo ng salapi o regalo kapalit sa pabor na ibinigay ng
tumaggap.
a. Korapsiyon c. Bribery o Panunuhol
b. Pakikipagsabwatan d. Kickback
24.Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga
pondong itinalaga sa kaniya.
a. Korapsiyon c. Bribery o Panunuhol
b. Pakikipagsabwatan d. Kickback
25.Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa
pamahalaan maging Pambansa at sa sangay o ahensiya nito.
a. Nepotismo
b. Paggamit ng kagamitan
c. Paggamit ng oras sa trabaho
d. Magkasalungat na interes
26.Ang halimbawa nito ay pinansyal na interest at pagtanggap
ng mga regalo o pabor kapalit sa ginawang paglilingkod.
a. Nepotismo
b. Paggamit ng kagamitan
c. Paggamit ng oras sa trabaho
d. Magkasalungat na interes
27.Ang malawakang pag-iiba iba ng mga salik na nakaaapekto
sa panahon na nagdudulot ng matinding pagbabago sa
matagalang sistema ng klima ay tinatawag na
_______________.
a. Global Warming c. Greenhouse Effect
b. Climate Change d. Deforestation
28.Ang pagtaas ng lebel ng carbon dioxide at iba pang mga
gases ay nagmula sa pagsusunog ng produkto mula sa
petrolyong langis, pagsusunog ng kagubatan ay magbubunga
ng _______________.
a. Global Warming c. Greenhouse Effect
b. Climate Change d. Doferestation
29.Ang paggasta ng tao para sa material na bagay at serbisyo
ay dahil sa _______________.
a. Urbanisasyon c. Komersiyalismo
b. Modernisasyon d. Globalisasyon
30.Ang pagtatayo ng mga estraktura kagaya ng mga gusali,
kalsada, tulay, malls ay bunga ng _______________.
a. Urbanisasyon c. Komersiyalismo
b. Modernisasyon d. Globalisasyon
31. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
a. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang
bahagi ng kaniyang katawan
b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Marlyn na
magpakasal sapagkat gusto na nila magpamilya
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing
pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad
32.Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao
ay tumutugon sa mga layuning___________.
a. Magkaroon ng anak at magkaisa
b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa
c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak
d. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan
33.Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay
masama?
a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin
ng seksuwalidad
d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging
isang pakay o kasangkapan
34.Alin sa mga sumusunod ang hindi pananaw kung bakit ang
isang tao ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik?
a. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao
upang maging malusog siya.
b. Kapag ang gumagawa nito ay walang pagsang-ayon sa isa’t-
isa
c. May karapatan silang makaranas ng kasiyahan
d. Isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal
35.Ang mga sumusunod ay epekto ng pornograpiya sa isang tao
MALIBAN sa:
a. Nagpapatibay at nagpapalakas sa pisikal na katawan ng tao
b. Paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal lalo na ang
panghahalay
c. Nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan
sa asawa
d. Lahat ng nabanggit
36.Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng seksuwalidad ng tao?
a. Ito ay isang batayan ng tao sa kaniyang pakikisalamuha sa ibang
tao lalo na sa gawaing may kinalaman dito
b. Magdudulot ito ng karagdagang impormasyon sa tao sa tamang
paggamit nito
c. Magbibigay ng malaking paggalang sa dignidad ng bawat tao
d. Lahat ng nabanggit
37.Ano ang ibig sabihin ng “Tahanan ng mga Katoto”?
a. May kasama ang tao na makakita o may katoto na makakita
sa katotohanan
b. Ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo
c. Maging mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano ang
katoto sa simple at tapat na paraan
d. Lahat ng nabanggit
38.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Jocose Lie?
a. Pagkukuwento tungkol sa rainbow ay dahil sa pagkakasal ng
dalawang duwende
b. Pagliban sa klase ng isang mag-aaral at nagdahilan sa kanyang
guro
c. Pagkakalat ng maling bintang kay Mark dahil sa pagnanakaw
ng wallet
d. Wala sa nabanggit
39.Bakit tinawag na Committed or Entrusted secrets ang isang
lihim?
a. Dahil ang mga sikretong ito ay nakaugat sa likas na batas moral
b. Dahil ang mga lihim ay ipinangako ng isang tao
c. Dahil naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa
isang bagay ay nabunyag
d. Dahil walang tiyak na panahon kung kalian mabubunyag ang
lihim
40. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental
reservation?
a. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang
b. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga
impormasyon
c. Walang pagpapahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong
pinoprotektahan
d. Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming
bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan
41. Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay
ay ang kalimutan ang madilim niyang nakaraan. Dahil dito, itinago niya
ang karanasang ito sa kompanyang kaniyang pinaglilingkuran sa
kasalukuyan. Sa iyong palagay, may karapatan ba siyang itago ang
katotohanan?
a. Mayroon, dahil siya ay responsible rito
b. Mayroon, dahil may alam siya rito
c. Mayroon, dahil sa kahihiyang ibibigay nito sa kaniya
d. Mayroon, dahil lahat ay may karapatang magbago
42. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero
kailangan eh. Ayaw na ng pamilya ko at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy
ko na rin”. Paano pinanindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka
para sa katotohanan?
a. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya
b. Mula sa dikta ng kanyang konsensiya
c. Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at sa bayan
d. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya
43. Ang sumusunod ay nagpapakita ng ilang halimbawa kung paano ginagamit
ng kabataan ang kanilang mga oras. Sa anong sitwasyon sa ibaba ang hindi
nagpapakita ng paggamit ng wastong oras?
a. Si Sassy Nichole ay laging maagap sa pagpasok sa kaniyang trabaho
b. Si Catherine Kate ay may listahan ng mga gawain na kaniyang gagawin sa
bawat araw
c. Si Genrich ay lagging pinapaalalahanan ng kaniyang mga guro para
magpasa ng kaniyang mga proyekto
d. Si Cristina Karylle ay naglalaba at naglilinis ng kanilang bahay tuwing
sabado at linggo
44.Ano ang tamang kahulugan ng kapangyarihan?
a. Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas
b. Ang kapangyarihan ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita,
lakas, at tatag ng kalooban
c. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan
sa pagpapalakad ng isang pinuno
d. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa pagkaka-impluwensiya
ng pinuno sa kaniyang nasasakupan
45.Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay
nangangahulugang __________________.
a. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
b. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
c. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
46. Alin sa mga sumusunod ang TAMANG pananaw sa pag-aaral sa
seksuwalidad?
a. Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad
upang maging ganap ang pagiging pagkababae at pagkalalaki
b. Ang seksuwalidad ay paggamit sa mga kakayang seksuwal at kaloob
ito ng Diyos
c. Ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at
pagkahumaling sa lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa
d. Lahat ng nabanggit
47.Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang wastong
paggamit sa iyong seksuwalidad?
a. Ang pakikipagtalik ng dalawang magkasintahan
b. Ang panunuod ng pornograpiya sa loob ng paaralan
c. Ang pag-abuso sa maseselang bahagi ng katawan
d. Wala sa nabanggit
48.Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon
sa katotohanan. Itinuturing ding isang lason na humahadlang sa
kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito’y
natural na masama?
a. Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari
b. Sapagkat inililihis ang katotohanan
c. Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya
d. Sapagkat sinasang-ayunan ang mali
49. Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at
ipahayag nang may katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang
nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang
matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng
pagkakataon?
a. Dahil ito ang katotohanan
b. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao
c. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
d. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat
50. Ayon kay Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa
pagkamasalimuot ng mga kagamitan. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay bunga ng lipunan, iniwan ng
naunang henerasyon
b. Ang kagamitan ay produkto ng kapuwa at ginagamit niya upang makalikha
ng bagay para sa kapuwa
c. Ang lahat ng bagay ay yaong nasa ating pananagutan, lahat ng may
kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili
d. Naiiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya sa
kaniyang ginagawa

You might also like