You are on page 1of 32

- GAWAING RUTINARI -

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Balik-aral
- PRESENTASYON NG ARALIN -
PANITIKAN:
SANAYSAY: AMERIKANISASYON
NG ISANG PILIPINO
WIKA :
IBA’T IBANG PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG
LAYUNIN
 Naipaliliwanag ang tema at mahalagang kaisipang
nakapaloob sa akda; (F8PB-llf-g-26)
 Naikiklino (clining) ang mga piling salitang ginamit
sa akda; at (F8PT-llf-g-26)
 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,
opinyon at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay.
(F8PS-llf-g-27)
• A KT I B IT I
1. MOTIBASYON

Mungkahing Estratehiya :
PICTURE PUZZLE
Watawat ng Amerika
• Pag-uugnay sa bagong aralin
• Pagkilala sa may akda
(Ponciano B. Pineda)
- PRESENTASYON NG ARALIN -
PANITIKAN:
SANAYSAY: AMERIKANISASYON
NG ISANG PILIPINO
WIKA :
IBA’T IBANG PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG
2. Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang salitang Amerikanisasyon
Impluwensya ng
SAGOT: Pagpapalaganap ng
kultura ng mga kultura, kaugalian,
negosyo ng mga
Amerikano Amerikano.

Pagbabagong nagaganap Pagpapayakap sa


sa bansang Pilipinas kaugaliang
tulad ng pananamit at
paraan ng pamumuhay
kinagisnan ng mga
na impluwensya ng mga Amerikano sa ating
banyaga. mga Pilipino
3. Pagbasa ng Tekstong:

“Amerikanisasyon ng Isang Pilipino”


ni Ponciano B.P. Pineda
• Pangkatang Gawain
 Presentasyon ng bawat grupo
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-
aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa
natatanging pangkat na nagpakita ng
kahusayan sa ginawang pangkatan batay
sa rubriks na ibinigay ng guro.
• ANALISIS

1 . Ano ang layunin ng may akda


sa pagsulat ng sanaysay na
“Amerikanisasyon ng Isang
Pilipino”?
SAGOT :
 Ang layunin ng may akda sa pagsulat ng sanaysay na ito ay upang iparating sa atin
kung hanggang saan na ang impluwensya ng kultura ng mga Amerikano sa ating
mga Pilipino.
 Ang salitang Amerikanisasyon ay wala naman talaga sa grammar ng wikang
Pilipino. Kundi nagbibigay ito ng isang pahiwatig proseso dahil sa pagdudugtong ng
terminong “nisasyon” sa salitang-ugat na Amerika. Ang Pilipino ay matagal nang
mulat sa katotohanang tayo ay malayang bans ana may malapit na ugnayan pa din sa
impluwensya ng Amerika. Kaya naman makikita mo sa mga Pilipino ang kanyang
motibo o adhikain na ikapit ang kultura ng mga Amerikano upang makasabay siya
sa pagsulong ng globalisasyon. Kaya ang pagbabago ng isa tungkol sa pagiging
Amerikano sa isip, salita, at gawa ay parang isang paraan ng Amerikanisasyon.
2. Naniniwala ka ba sa sinabi ni
Ponciano Pineda na ang wikang
Pilipino ay handa na upang gamitin
sa de-amerikanisasyon ng isang
mamamayang Pilipino?
SAGOT :
• Oo, sapagkat likas sa ating Pilipino ang
mapagbigay kaya ang ating wika ay maaari ng
gamitin sa de-amerikanisasyon. Mas mabuti
din gamitin ang ating wika para mapalaganap
natin ang ating wika.
3. Taglay ba ng binasang akda
ang mahahalagang katangian
ng isang mahusay na
sanaysay?
SAGOT :
• Oo taglay ng binasang akda ang mahahalagang
katangian ng isang mahusay na sanaysay sapagkat
ang akda ay may malinaw, mabisa, organisado, at
kawiliwiling basahin ang pagkakalahad nito na
iyon naman ang tinataglay ng isang mahusay na
sanaysay.
• A B ST R A K SY O N
Mungkahing Estratehiya : I LOVE ‘PINAS!
Panuto: Piliin ang mga larawang nagtataglay ng kaisipang tinalakay sa aralin
pagkatapos ay bumuo ng konsepto mula rito.
• A P L I K A SY O N
Mungkahing Estratehiya : REPORTING
PANUTO: Bigyan ng mahalagang kaisipan ang sumusunod na
pahayag.

“Dahil sa mulat na rin ang maraming Pilipino sa negatibong


epekto ng kolonyalismo ay pilit na itinuturo sa bawat isa sa atin
na higit na pahalagahan ang sariling atin bago ang bagay na
inaalok ng mga dayuhan.”
• Presentasyon ng bawat
pangkat
• E B A L W A SY O N
Panuto : Piliin ang letra ng wastong sagot.
1. Ang mga Pilipino ay galit sa mga Amerikano, subalit patuloy
pa din naman ang pagsunod at paggamit ng kanilang producto.
Alin ang tamang pagkiklino ng salitang may salungguhit?
a. Galit, inis, suklam
b. Suklam, inis, galit
c. Inis, galit, suklam
d. Inis, suklam, galit
2. Higit na pagpapahalaga sa wikang Ingles kaysa
wikang Filipino
Ang aking pananaw ay_____________.
a. Ikinahihiyang gamitin ang wikang Filipino.
b. Ang Ingles ang sandata sa pangkalahatang
internasyunal.
c. Malaki ang kapakinabangan sa isang tao ang
marunong magsalita ng Ingles.
d. Wala sa nabanggit.
3. Marahil ay di-totoong mga Amerikano lamang ang dapat
sisihin. Tayo man ay may kasalanan.
Ang kaisipang mahahango sa pahayag
a. Natuturuan tayong bigkasin ang wikang Ingles.
b. Naipagmamalaki natin na tayo ay marunong sa wikang
Ingles.
c. Dahil nag-aambag ang Amerikano ng edukasyon sa
bansa kung saan binigyang pansin ang pagtuturo ng
Ingles.
d. Nagkakaroo ng kolonyal na mentalidad ang mga Pilipino.
4. Laganap ang Amerikanisasyon sa
bansa sapagkat ang pangunahing ugat o
dahilan nito ay ang sistema ng ating_____
a. Edukasyon
b. Pamahalaan
c. Lipunan
d. Pagkamamamayan
5. Sa pagsulat ng sanaysay kailangang
ito’y nakatatawag pansin sa mga
mambabasa at naglalaman ng____
a. Nakapupukaw ng damdamin.
b. Mayaman sa kaisipan.
c. Nagtataglay ng kaisahan ang mga
detalye.
d. Pangkalahatang impresyon.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. C
2. C
3. D
4. C
5. A
KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng sanaysay at
ibigay ang pangunahing kaisipan.
2. Alamin ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag.
Salamat sa Pakikinig !!!

Inihanda ni : JONESSA BENIGNOS

You might also like