You are on page 1of 21

UNANG MARKAHAN

MGA AKDANG
MEDITERRANEAN
SINASAKLAW NG MEDITERRANEAN ANG 22 NA
IBA’T IBANG BANSA MULA SA 3 KONTINENTE. SA
AFRICA..ALGERIA, EGYPT, LIBYA, MOROCCO AT
TUNISIA..SA ASIA..CYPRUS, ISRAEL, LEBANON,
SYRIA AT SA KONTINENTE NG
EUROPE..ALBANIA,BORNIA,HERZEGOVINA,
CROATIA,FRANCE, GREECE,
ITALY,MALTA,MONACO,MONTENEGRO,
SLOVENIA,SPAIN AT TURKEY.
ANO ANG MITOLOHIYA ? ANO ANG
ETIMOLOHIYA NG SALITANG ITO?

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o


pag-aaral ng mga mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa
kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa
isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyus-
diyusan noong panahon na sinasamba,dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa
salitang Latin na mythos at mula sa Greek
na muthos, na ang kahulugan ay kuwento.
Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig
sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.
Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang
misteryo ng pagkakakalikha ng mundo, ng tao,
ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.
Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na
puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng
pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,
kamatayan, at apoy.
Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng
langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-
paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at
mga bayani, tinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap.
Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya
at ritwal.
ANO ANG KATANGIAN NG
MITOLOHIYA NG ROME?
MGA DIYOS AT
DIYOSA NG OLYMPUS
ARALIN 1.1
MITOLOHIYA NG TAGA ROMA

CUPID AT PSYCHE
MAGBIGAY REAKSYON

Hindi mabubuhay ang pag-ibig


kung walang pagtitiwala
MENSAHE NG
MITOLOHIYANG CUPID
AT PSYCHE
SARILI
PAMILYA
PAMAYANAN
LIPUNAN
PAGBIBIGAY REPLEKSIYON
TUNGKOL SA TINALAKAY
NA MITOLOHIYA
THINK
A
LINK
ANGKOP NA GAMIT
NG PANDIWA
BILANG AKSIYON ,
KARANASAN ,
PANGYAYARI
1. GINAGAMIT ITO BILANG AKSYON KAPAG MAY
TAGAGANAP O AKTOR NG KILOS.
MABUBUO ANG MGA PANDIWANG ITO SA TULONG NG MGA
PANLAPING UM MAG MA MANG MAKI MAG-AN

HALIMBAWA:

KUMAIN SI NENE NG MAINIT NA PUTO.


NAGLUTO NG HAPUNAN SI NANAY.
NAGLABA NG MARURUMING DAMIT SI ATE.
NAG-IGIB NG TUBIG SI BUNSO.
NAGMASID NG LARO SI KUYA.
2.. ANG PANDIWA BILANG KARANASAN NAMAN AY KADALASANG NAIPAPAHAYAG KAPAG MAY
DAMDAMIN ANG PANGUNGUSAP AT MAY TAGARAMDAM NG EMOSYON O DAMDAMIN NA NAKAPALOOB
SA PANGUNGUSAP.

HALIMBAWA:

UMIYAK SI ANA NG DAHIL SA PAGKAMATAY NG ALAGA


NAGALIT SI HELEN DAHIL NAWALA ANG KANYANG PERA.
NATUWA SI NENE SA REGALONG NATANGGAP.
NALUNGKOT SIYA SA PAGKAWALA NI MINGKAY.
-NAIRITA ANG MANONOOD SA PAULIT-ULIT NA PALABAS .
3. ANG PANDIWA NAMAN BILANG PANGYAYARI
AY NASASALAMIN SA AKSYONG NAGANAP
BUNGA NG ISANG PANGYAYARI.

HALIMBAWA:
NAHULOG SIYA SA HAGDAN DAHIL SA LINDOL.

NALUNOD SIYA DAHIL SA BILIS NG AGOS NG TUBIG.

UMAKYAT SIYA SA BUBONG DAHIL SA TAAS NG TUBIG-BAHA.

UMAKYAT SIYA SA STAGE NOONG GRADUATION NITO

TUMULONG SIYA SA MGA NASALANTA NG BAGYO.


GRASPS
Goal- Ikaw ay makasusulat ng sariling-gawang mito batay sa napagaralang elemento sa mabisang pagsulat nito.
Role- Ikaw ay magiging isang manunulat at makata.
Audience-Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation -Ipagpalagay na ikaw ay lalahok sa isang patimpalak sa pagsulat ng mitong may kaugnayan sa kultura
ng inyong lokalidad.
Product -Sariling-gawang mitong ginagamitan ng pokus ng pandiwa.

Pamantayan
A. Malinaw na nilalaman……………………… 5 puntos
B.Estruktura ng pagkakasulat………………... .5 puntos
C.Paglalapat ng pokus ng pandiwa…………..5 puntos
D.Dating sa mambabasa……………………… 5 puntos
Kabuoan.……….…………..…………………..20 puntos

You might also like