You are on page 1of 36

Araling Panglipunan 1

Pagkilala sa Sarili
Quarter 1 – Week 1
Day 1
Laro: “Hephep-Hooray”
Pagpangkatin ang mga babae at mga lalaki
na naaayon sa laro.

Ang mga babae ang magsasabi ng


“Hephep”, at ang mga lalaki ang magsasabi
ng “Hooray”.

Ipaliwanag ang mga panutong susundan ng


mga bata sa larong ito.
Ano-ano ang mga alam n’yo tungkol sa
iyong sarili? (Pangalan)
Kailan o anong mga pagkakataon
kailangan mong sabihin ang iyong
pangalan?
Bakit mahalagang malaman ang mga
pangunahing impormasyon tungkol sa
ating sarili tulad ng pangalan?
⮚ Maliban sa iyong unang pangalan, ano-ano
pang pangalan ang itinatawag sa iyo ng
iyong mga magulang o kaibigan?

⮚ Sa mga pangalang ito, alin ang gustong-


gusto mong itinatawag sa iyo?
Gumawa ng sariling name tag gamit ang
malinis na papel at ang paborito mong
kulay ng Crayola. Idikit ito sa inyong
dibdib at ipakita ang iyong pangalan sa
iyong mga kamag-aral.
Itanong sa inyong magulang ang
pinagmulan ng inyong pangalan.
Upang lubos na makilala ang inyong
sarili, alamin ang mga dahilan kung bakit
ito ang ibinigay nilang pangalan.
Day 2
⮚May ibig sabihin ba ang iyong pangalan?
Ano ang pangalan mo?
Ano ang ibig sabihin ng iyong pangalan?

⮚ Ipakilala ang sarili sa pamamagitan ng


pagbibigay ng iyong pangalan at ang ibig
sabihin nito.
⮚ Ano ito?
⮚ Saan n’yo madalas itong
makita?
⮚ Ano madalas ang okasyon
kapag g may cake?
Awitin ang: Maligayang Bati

Tungkol saan ang awiting ating


inawit?
Tungkol saan ang usapan ng
dalawang bata?
Dula-dulaan
Nais ng iyong guro na itala ang inyong mga
kaarawan sa kanyang planner. Nagtanong
siya kung kaila ang inyong kaarawan. Pumila
kayo sa harapan niya upang sabihin sa iyong
guro kung kailan ang iyong kaarawan.
Bakit kailangan ninyong malaman ang
mga pangunahing impormasyon tungkol
sa inyong sarili tulad ng inyong
kaarawan o kapanganakan?
Sa inyong kwaderno, gumuhit ng isang
puso. Sa loob ng puso, isulat ang iyong
kaarawan. Isaulo ito at huwag kalimutan.
Day 3
Gumamit ng manika o papet upang gumawa
isang maikling kwento tungkol sa mga bata na
nagpapakilala ng kanilang sarili.

Ako si___________________.
Kilala sa tawag na__________.
Ipinanganak ako noong ____.
Ano-anong mahahalagang
impormasyon ang nabanggit sa
kwento?
Tungkol saan ang usapan ng
dalawang bata?

Ano ang sinabi ng bata tungkol sa


kanyang edad?
Narito ang isang larawan ng keyk,
gumuhit ng kandila sa ibabaw ng keyk
ayon sa iyong edad.
Bakit kailangan n’yong malaman ang
mga pangunahing impormasyon tungkol
sa inyong sarili tulad ng iyong edad?
Bigkasin

Ako si ________________.
Ipinanganak noong ________.
May ______ taong gulang.
Day 4
Awitin ang: Lumipad ang Ibon
Saan lumipad ang ibon?
May tirahan ba ang ibon?
“Magtatanong lang po.”

Isang araw, sumama si Nilo sa kanyang tatay upang bisitahin ang kanyang
tiyo sa kabilang bayan.
Pagdating nila sa bayan, ay napansin ni Nilo na napakaraming tao sa paligid.
Hindi napansin ni Nilo na naiwanan na siya ni tatay.
Luminga-linga ito, wala talaga si tatay. May nakita siyang isang pulis,
nilapitan niya it sabay sabi ng “Magtatanong lang po, saan po kaya dito ung
Sitio Sampalok?”
“Bakit, nawawala ka ba?” ang sabi ng pulis kaya Nilo.
“Opo, Naiwan po ako ng tatay ko, dun po ami pupunta. Saan po banda iyon?”
Inihatid ng Pulis si Nilo hanggang sa bahay ng kanyang tito, at doon ay nakita
niya ang kanyang tatay. Nagpasalamat sila sa mamang pulis.
1. Saan nagpunta si Nilo?
2. Sino ang kasama niya?
3. Ano ang nangyari pagdating nila sa bayan?
4. Bakit lumapit si Nilo sa puluis?
5. Anong mahalagang impormasyon ang
ibinigay ni Nilo sa pulis kaya siya nakarating sa
bahay ng kanyang tiyo?
Sagutan
Bakit mahalagang malaman ang
mga pangunahing impormasyon
tungkol sa inyong sarili tulad ng
inyong tirahan?
Mahalagang malaman n’yo ang inyong
pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.

Magagamit n’yo ang mga ito sa


pagpapakilala sa mga bagong
kaibigan, kaklase, at kalaro.
Isulat sa inyong kwaderno kung
saan ka nakatira at isaulo ito.
Hanggang sa muli!

You might also like