You are on page 1of 22

LIHAM

GROUP 4
WEE WEE WEE */tunog ng ambulansya...
Kinagabihan na ng makarating kami sa ospital ni Kuya
Kent, hindi na mapigilan ang pag aalala sa nangyari sa
aming mga magulang. Hindi inaasahang balita galing sa
doktor na bunga ng labis na kalungkutan ang bakas sa
mukha namin ni kuya."Anak po ba kayo nila Mr. and Mrs.
Santiago?” tumango kami ni kuya. "Ikinalulungkot ko po na
sabihin ito pero wala na po ang mga magulang niyo". ani
nito. Magsimula noon, si kuya na ang tumayong magulang
sa aming dalawa.
Sa kabila ng mga nangyare hindi ko lubos maisip na i-
sasakripisyo ni kuya ang kaniyang pag-aaral upang maalagaan
nya ako. Siya ay nag hanap ng mga raket, upang mabuhay
kami sa pang araw-araw na gastusin.

Karating ng bahay nilapitan ako ni kuya ngunit hindi ko ito


kinibo. Kinagabihan inaya niya akong kumain pero
tinanggihan ko ito, karaan ng ilang minuto inaya ulit ako ni
kuya “pwede ba?!?! ayoko ngang kumain, kumain ka kung
gusto mo” sabi ko sakanya.
Makalipas ang ilang araw, "Kuya kent, bili mo ako sapatos,
please" wika ko kay kuya.
"Pasensya kana Kyla, hindi kasi sapat ang sweldo ko, para sa
pagkain lang natin ito" sabi niya saakin nang
mahinhin."Bakit pa kasi sila mama yung namatay, bat hindi
nalang ikaw!" sagot ko sakanya at biglang nagdabog.

Pauwi na ako galing eskwelahan at kinukulit ako ni kuya sa


text bakit hindi ko daw dinala ang pinabaon niya sa akin at
siya nalang daw ang kakain. Pinag-walang bahala ko ito dahil
kasama ko ang mga kaibigan ko.
Patuloy parin akong tinetext ni kuya at ilang minuto may
naramdaman akong kaba na para bang may nangyaring
masama sakanya. Tumawag saakin si kuya pero iba ang boses
ANG nagsalita. "Kapatid po ba kayo ni Kent Santiago?" tanong
nito. "Opo, sino po ito? bakit niyo po hawak ang cellphone ng
kuya ko?" sagot ko rito. "Yung kuya niyo po kasi nasagasaan
ng truck, tumawag na kami ng ambulansya pero wala parin
dumadating" sagot nito saakin. Para bang pinagsakluban ako
ng langit at lupa sa mga oras na iyon.
Hindi ko na mapigil ang aking nararamdaman at
napahagulgol ako sa lungkot. Agad agad akong pumunta sa
ospital kung saan dinala si kuya. Sabi ng mga doctor saakin
ay marami na daw itong dugo na nawala kaya dead on arrival
na si kuya.

Bumalik ako sa bahay para ayusin ang mga papeles para sa


darating na burol nya mamaya-maya. Inayos ko ang damit
nya, naamoy ko ang pabango nya, pakiramdam ko ay kasama
ko parin siya.
"Kung sana kinain ko ung pinabaon niya saakin ay
hindi siguro ito mangyayari" sinabi ko sa sarili ko.

Habang inaayos ko ang damitan nya ay may nakita


akong isang envelope at may nakalagay na papel.
Pagbuklat ko ay isa pala tong liham. Bigla akong
umiyak nung nabasa ko ito.
LIHAM:
para sa pinakamamahal ko na bunsoy na si Kyla.

Pasensya na kung mahina ang utak ng kuya, hanggang grade


11 lang kasi ang natapos ko dahil gusto kong alagaan ka.
Tuwang-tuwa ako nang makita kang hawak ni mama, ang sabi
ko non magiging mabuting kuya ako para sa bunso namin'.
Kaso simula nang mawala sila mama at papa ay nag-iba ka na
nagagalit ka nalang bigla sakin pero kahit ganon ay
naiintindihan kita kasi nasaktan ka lang kahit ako ay ganon
din.
'Di ko kayang magalit sayo kasi nangako ako sa magulang natin na
kahit anong mangyari ay hindi kita kayang pagbuhatan ng kamay,
kaya pasensya na kung palagi akong tahimik sa tuwing nagagalit ka
. Nga pala malapit na ang kaarawan mo, hanapin mo ang susi sa
gilid ng damitan ko, nandon ang gusto mong sapatos na inipon ko
para sa paparating mong kaarawan. mahal na mahal ka ni kuya,
kyla kahit ganito ako. Pasensya na kung di ko kayang ibigay lahat
ng gusto, ginawa ko lahat pero mukhang din pa rin talaga sapat. I
love you bunsoy ko.
Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari kay
kuya. Kung hindi ko siya laging inaaway at sinusunod ang
mga utos niya edi sana andito pa siya.

Makalipas ang ilang taon, bumalik ako sa puntod ni kuya at


ipinakita ang aking certificate. "Kuya, Graduate na po ako!
Miss na miss na kita kuya, NGA PALA KUYA NAKATABI PAREN
YUNG SAPATOS NA BIGAY MO" sabi ko sakanya na parang asa
tabi ko lang siya. "Para sayo to kuya ko". sabi ko nang
pabulong.
BANGHAY
PANIMULA 1
PAPATAAS NA AKSYON 2
KASUKDULAN 3
PABABANG AKSYON 4
WAKAS 5
3
1 PANIMULA
Ang mga magulang nila kent at kyla ay nadisgrasya AT SIMULA
DOON AY SI KENT O NAKATATANDANG KUYA NI KYLA NA ANG
TUMAYONG MAGULANG PARA SAKANILANG DALAWA.TUMIGIL SA
PAG-AARAL SI KENT AT HANGGANG GRADE 11 LANG ANG
KANYANG NATAPOS. NAGHANAP SIYA NG MGA RAKET PARA
MATUSTUSAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NILA SA ARAW-
ARAW. INAAYA NI KENT ANG NAKABABATANG KAPATIDNA SI KYLA
PARA KUMAIN PERO NAGMATIGAS SI KYLA AT SINIGAWAN ANG
KANYANG KUYA.
BANGHAY
PANIMULA 1
PAPATAAS NA AKSYON 2
KASUKDULAN 3
PABABANG AKSYON 4
WAKAS 5
2 PAPATAAS NA AKSYON
MAKALIPAS ANG ILANG ARAW, NAG PAPABILI SI KYLANG
SAPATOS SA KANYANG KUYA. ANG SABI NG KUYA NIYA AY HINDI
MUNA SIYA MAKAKABILI DAHIL HINDI SAPAT ANG KANYANG
SWELDO AT PARA SA PAGKAIN LANG ITO. NAGALIT SI KYLA AT
BIGLANG SINABI NA BAKIT ANG MGA MAGULANG DAW NILA
ANG NAMATAY AT BAKIT HINDI NALANG ANG KUYA NIYA.
PAPAUWI NA GALING ESKWELAHAN SI KYLA AT TINETEXT ITO
NG KUYA NIYA BAKIT HINDI DAW NITO DINALA ANG KANYANG
BAON AT ANG KUYA NIYA NALANG DAW ANG KAKAIN NITO.
HINDI NIYA ITO PINANSIN DAHIL KASAMA NIYA ANG KANYANG
MGA KAIBIGAN.
Agenda
PANIMULA 1
PAPATAAS NA AKSYON 2
KASUKDULAN 3
PABABANG AKSYON 4
WAKAS 5
3 KASUKDULAN
PATULOY PA RIN SIYANG TINETEXT NG KUYA NIYA AT ILANG
MINUTOAY NAKARAMDAM SIYA NG KABA. BIGLANG TUMAWAG
ANG KANYANG KUYA NGUNIT IBA ANG NAGSALITA. MAY
NAGTANONG SAKANYA KUNG KAPATID NIYA BA SI KENT
SANTIAGO AT SUMAGOT SI KYLA NG OO. TINANONG NI KYLA
BAKIT IBA ANG MAY HAWAK NG CELLPHONE NG KUYA NIYA.
SUMAGOT ANG NASA KABILANG LINYA NA NASAGASAAN DAW
ANG KUYA NI KYLA. NAPAHAGULGOL SI KYLA AT AGAD
PUMUNTA SA OSPITAL KUNG SAAN HINATID ANG KANYANG
KUYA. ANG SABI NG DOCTOR AY DEAD ON ARRIVAL NA RAW
ITO.
BANGHAY
PANIMULA 1
PAPATAAS NA AKSYON 2
KASUKDULAN 3
PABABANG AKSYON 4
WAKAS 5
4 PABABANG AKSYON
BUMALIK SI KYLA SA KANILANG BAHAY UPANG
AYUSIN ANG BUROL NG KANYANG KUYA. SINABI
NITO SA KANYANG SARILI NA KUNG DINALA DAW
NIYA ANG PINABAON SAKANYA NG KANYANG KUYA
AY HINDI ITO MANGYAYARI. HABANG INAAYOS NI
KYLA ANG DAMITAN NG KANYANG KUYA AY MAY
NAKITA SIYANG ENVELOPE AT MAY NAKALAGAY NA
PAPEL. ISA PALA . IYONG LIHAM. BIGLANG UMIYAK
SI KYLA NUNG NABASA ITO.
BANGHAY
PANIMULA 1
PAPATAAS NA AKSYON 2
KASUKDULAN 3
PABABANG AKSYON 4
WAKAS 5
5 WAKAS
ANG NAKASAAD SA LIHAM AY NAG PAPASENSYA ANG KUYA NI KYLA DAHIL
HINDI NITO KAYANG MAIBIGAY ANG PANGANGAILANGAN NITO DAHIL
HANGGANG GRADE11 LANG ANG KANYANG NATAPOS. NAKASAAD DIN DITO NA
HINDI NIYA KAYANG MAGALIT O PAGBUHATAN NG KAMAY SI KYLA DAHIL
NANGAKO ITO SA KANILANG MAGULANG. MAY SINABI DIN DITO NA MALAPIT NA
ANG KAARAWAN NI KYLA AT NABILI NA NG KUYA NIYA ANG PINAPABILI NIYANG
SAPATOS. PAULIT-ULIT NA SINISISI NI KYLA ANG KANYANG SARILI SA NANGYARI
SA KUYA NIYA. ILANG TAON ANG LUMIPAS, BUMALIK SI KYLA SA PUNTOD NG
KANYANG KUYA DALA-DALA ANG CERTIFICATE NIYA AT IPINAKITA ITO SA
KANYANG KUYA NA ASA PAYAPANG LUGAR.
ARAL
“NASA HULI ANG PAGSISISI”. BAWAT AKTIBIDAD AT PASYA
AY MAY KAHIHINATNAN. MABUTI MAN O MASAMA LAHAT
AY MAY KAHIHINATNAN. KADALASAN, ANG MGA MALING
PASYA ANG NAGDUDULOT SA TAO NG PAGSISISI SAPAGKAT
ITO AY NAGBUBUNGA NG MGA HINDI MAGANDA O KAAYA-
AYANG PANGYAYARI. MAAARING MAY MGA TAONG
NASASAKTAN, NALALAGAY SA ALANGANIN, O NASASAWI
KAYA NAG BUBUNGA NG PAGSISISI SA TAONG GUMAWA NG
MALING KAPASYAHAN. ANUMANG NAGAWANG MALI AY
HINDI NA MABABAWI PA KAHIT HUMINGI PA TAYO NG
KATAWARAN.
MARAMING
SALAMAT
GROUP 4
AVRYL SANTOS
PRINCESS ISABEL MANGILA
SAVINA DANIELLE C. DIMACALI
AMMIEL DANE DAVID
MARTHA TERESE MENDOZA
JAYZEL JEN PINEADA
DARIUS JAY DANTES

You might also like