You are on page 1of 9

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN

NG SULATING TEKNIKAL-
BOKASYONAL

Iniulat ni: Benjie Simbajon


Ang teknikal-bokasyonal na
pagsulat ay
 naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa
malinaw , obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na
paraan. Ito rin ay gumagamit ng deskripsyong ng
mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon,
sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba ,
analohiya at interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga
teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga
talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at
masuportahan ang talakay tekswal.
1. Magbigay-impormasyon
Isinusulat ito upang bigyan ang
mambabasa ng impormasyun ukol sa
isang bagay o ng direksyun sa paggamit
ng isang produkto o sa pagsunod sa
paggamit nito
2. Magsuri
Sa layuning magsuri ,ang sulatin
ay binubuo upang analisahin at
ipaliwang ang implikasyon ng mga
pangyayari upang magamit bilang
basehan ng mga pagdedesisyon sa
kasalukuyan at sa hinaharap
3. Manghikayat
 Maraming pagkakatong isinulat ang isang
sulating teknikal –bokasyonal upang
kumbinsihin ang mambabasa o pinatutungkulan
nito.bagamat kasama nito ang layunin
makapagbigay ng impormasyon hindi nailalayo
ang kagustuhan impluwensyahan ang
nagbabago sa kanyang pagdedesisyon sa isang
obhetibong pamamaraan.
MGA KATANUNGAN
1)Bakit nga ba kailangang sumulat ng
sulating teknikal –bokasyonal ?
2)Ano ba ang gamit at halaga ng mga
ito ?
Narito ang ilang kahalagahan ng pagsulat ng mga
ganitong uri ng sulatin:
1) Nagbibigay – Ulat
2) Nagbibigay – Instruksyon
3) Naghahain ng isang serbisyo o produkto
4) Nagsisilbing basihan ng mgapagdedesisyon, at
5) Nagbibigay ng mga kinakailangang
impormasyon.
Paano ba naging mahalaga sa isang indibidwal o sa mga
institusyon kanyang pinaglilingkuran?
 Si Cedrick ay isang sales manager ng isang kompanya,kailangan niyang maghanda
ng buwanang sales report para sa iba pang opisyales ng kompanya(nagbibigay-
ulat).Ang ulat na ito ay kinakailangan ng marketing division (nagbibigay ng mga
kinakailangan impormasyon) upang mapagbuti pa ang kanilang tungkulin sa
promosyon ng kanilang brand o produkto.Ang ulat ding ito ang magiging basehan
ng mga nararapat na hakbang ng pangasiwaan (nagsisilbing basehan ng mga
pagdedesisyon) upang lalong mapagbuti ang estado ng kompanya .Halimbawang
nakalahad sa ulat na bumagsak ang benta sa buwang iyon at nalugi ang kompanya
maaaring unang gagawin ng marketing manager ay gumawa ng isang
memorandum upang utusang gumawa ng mas mahusay na campaign ang
kompanya,maaaring bubuo namn ng isang mahusay na promotional ad ang mga
marketing supervisor tulad ng product leaflets (naghahain ng isang produkto).

You might also like