You are on page 1of 4

TAYABAS WESTERN ACADEMY

FOUNDED 1982
RECOGNIZED BY THE GOVERNMENT
CANDELARIA,
QUEZON

BANGHAY ARALIN TLE/EPP GRADE 4


I. LAYUNIN
Natatalakay ang kapakinabangan sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa
pamilya at pamayanan
II. NILALAMAN
Natatalakay ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental
bilang isang pagkakakitaan.
III. KAGAMITAN SA PAGTUTURO
A. Sanggunian
Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral.
K to 12 Curriculum – EPP 41E-Oj-21
Edukasyong Pangtahanan at kabuhayan
pahina 320-322
B. Iba kagamitan sa panturo

Manila paper, Power Point Presentation, pentel pen, tape.


mga larawan, kahon
IV. PAMAMARAAN
A. Balik aral sa nakaraang aralin at /o pagsisimula ng bagong
aralin:
Mga bata bago tayo magtungo sa ating paksang tatalakayin, ating munang sagutan ang mga
sumusunod na tanong.
(manila paper)

1. Ang halamang ornamental ay may pakinabang, alin sa mga nabanggit ang di kabilang?
a. napagkakakitaan
b. nagpapaganda ng kapaligiran
c. naglilinis ng maruming hangin
d. nagbibigay kaligayahan
2. Anu ang naitutulong ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
a. nagpapabagsak ng pamayanan
b. nagbibigay kalungkutan sa pamilya
c. nagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan
d. lahat ng nabanggit

A. PAGGANYAK:
Gagawa ng listahan tungkul sa kagandahan ng halamang ornamental. Nakahanda ang
isang kahon na kung saan nakalagay ang mga salita sa ibaba at pabubunutin ang magaaral at
bigyang kahulugan ang nabunot. Gawaing grupo
a. pagkakakitaan
b. nagbibigay ng sariwang hangin
c. sumusugpo sa maruming hangin o polusyon
d. nagpapaganda ng kapaligiran o kalikasan

B. PAGLALAHAD:
Igrugrupo sa 4 ang magaaral at susubukin ang kaisipan, sa loob ng 10 minuto malayang
magbigay ng ideya ang bawat meyembro upang makabuo ng kasagutan sa nabunot na paksa.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN:
Pagpapaliwanag sa kapakinabangan ng halamang ornamental ayon sa ibabahagi ng mga
mag aaral.
1. Napagkakakitaan – maaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi
naitanim o magpunla o magtanim sa paso sa mga itim na plastic bag o lata ng mga halamang
ornamental na puwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para panustos sa pang araw araw na
gastusin.
2.Nagbibigay ng sariwang hangin – may mga matataas at mayabong na halamang ornamental
gaya ng kalachuchi, ilang – ilang, pine tree, at marami pang iba na maaring itanim sa gilid ng
kalsada, kanto ng isang lugar pwedeng masilungan ng mga tao. Bukod dito sinasala pa ng mga
puno ito ang maruming hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at napapalitan ng
malinos na oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap.
3.Naiiwasan ang polusyon – sa gamit ng mga halaman/punong ornamental, nakakaiwas sa
polusyon ang pamayanan sa maruruming hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan,
sinunug na basura, masasamang amoy na kung saan nalilinis ng ating nilalanghap.
4.Nagpapaganda ng kapaligiran – sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang ornamental sa
paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at iba pang lugar na nakakatawag pansin sa mga taong
dumaraan, lalo na’t kung itoy namumulaklak at mahalimuyak.

D. Paglinang sa kabihasaang (tungo sa formative assessment):


Ang mga halamang ornamental at lahat ng klase ng halaman ay isang biyayaa satin na dapat
natin pangalagaan at paka ingatan, sa kadahilanan na ito ay isa lamang sa mga nakakatulong
satin sa paghahanap buhay at sa kalusugan na rin.
Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isang patunay na nagbibigay kapakinabangan sa
ating pamilya at pamayanan para sa kabuhayan.

V. Paglalahat ng Aralin: (Pagtataya)


Isulat ang salitang TAMA kung ito ay tama at salitang MALI kung mali ang pangungusap na
nabanggit.
1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isa lamang sagabal sa mga tao?
2. Maaring ipagbili ang halamang ornamental na nakatanim sa lata o plastic?
3. Nagbibigay kalungkutan ang halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
4. Ang halamang ornamental ay isa sa sumusugpo sa polusyon sa kapaligiran?
5. Nagiging isang hanap buhay ng mga tao ang halamang ornamental?
VI. GAWIN NATIN
1. Sa iyong palagay dapat ba nating pagyamanin ang halamang ornamental? Bakit?
2. Sa anung paraan nakakatulong ang halamang ornamental sa atin?
3.Ano ang kahalagahan sayo ng halamang ornamental ngayong nalaman mo ang
kapakinabangan nito?
VII. PAGYAMANIN NATIN
Gumawa ng malikhaing journal na kung saan nagsasalaysay kung paanu nakakatulong ng
halamang ornamental sa iyong pamilya sa araw araw, maaring maglagay ng larawan o drawing
upang mas maipakita ang pag ka malikhain.
Inihanda ni:
Joan Dolor P.
Lesson 23 EPP/TLE IV

You might also like