You are on page 1of 18

Aralin 1

Ang Pagbasa:
Katuturan,
Kahalagahan at
Kaugnayan
MARY THE QUEEN COLLEGE
We Transform Lives
Mga Layunin:
Natutukoy ang kahulugan at pangunahing
layunin ng pagbasa;

Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng


pagbasa;

Nakapagsusuri at nakapagbibigay ng
sariling opinyon batay sa binasang teksto
MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES
Pagbasa Bilang Bahagi ng Buhay ng Tao

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga


bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng
mga matatayog ang pangarap, upang
matuto. Magbasa ka upang mabuhay”.
– Gustave Flaubert

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


• Kaligtasan ng tao
• Mga impormasyon na kailangan nating
malaman
• Pagbibigay gabay at direksyon
• Mga nagsisilbing proteksyon sa ating
kalayaan
• Nagtuturo ng ating gagawin
• Nagbibigay sa atin ng kalakasan sa mga
sandaling tayo ay nalulugmok

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Sa makabagong panahon, sa
paglulunsad ng iba’t ibang anyo ng
teknolohiya, gamit ang internet, ay
naging makabago na rin ang
pamamaraan ng pagbasa.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Sa pamamagitan ng pagbabasa ay
maaaring matuklasan ang napakaraming
bagay maging sa loob man o labas ng
daigdig, maging sa kalawakan o sa
anumang planeta.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Sa tulong ng pagbabasa, muli
nating nababalikan ang bakas ng lumipas
at ang ganda ng kasaysayan.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Gayun paman, kaakibat ng di-
mabilang na magaganda at positibong
dulot ng pagbabasa at ng ating
kalayaang gawin ang lahat ng ito,
nararapat pa rin na suriin natin ang
bawat babasahin at tiyaking hindi ito
makapagdadala sa atin sa anumang
panganib, kapahamakan at kaguluhan.
-(E. De Leon)

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Ano ang Pagbasa?

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-


unawa, pagpapakahulugan at pagtataya
ng ideya sa mga nakalimbag na simbolo.
Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga
kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Ano ang Pagbasa?

Ang pagbasa ay isa sa mga


kasanayang pangwika na tulay ng mga
mag-aaral upang mapahusay at
malinang ang kasanayan sa mabisang
pag-unawa sa teksto.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Ano ang Pagbasa?

Batay sa maraming pananaliksik,


ang pagbasa ay isang kompleks na
gawaing pangwika at pangkaisipan na
kinapapalooban ng higit pa sa
interaksyon ng mambabasa at ng teksto.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Ano ang Pagbasa?

Ang uri ng teksto o anumang


babasahin at ang layunin ng bumabasa
ang siyang magdidikta sa estratehiyang
gagamitin ng mambabasa sa pagbasa.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Kahalagahan ng Pagbasa

1. Nakapagbibigay ng Impormasyon. Ito


ay nangangahulugang ang pagbasa ay
susing pintuan tungo sa iba’t ibang
sangay ng karunungan.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Kahalagahan ng Pagbasa

2. Ang pagbasa ay isang kaaya-ayang


anyo ng paglilibang. Ang magbasa ay
kaligayahan.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Kahalagahan ng Pagbasa

3. Ang mga babasahing pinagtutuunan


ng mambabasa ay nagdudulot ng
inspirasyon. May mga babasahing
nagbibigay ng inspirasyon sa mga
bumabasa lalong lalo na kung
kinapapalooban ito ng mga taong may di
kaaya-ayang nakaraan.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Kahalagahan ng Pagbasa

4. Ang pagbabasa ay maaaring maging


isang anyong panlunas. Maituturing na
isang panlunas ang pagbabasa lalong
lalo na yaong mga nakapagpapalubag-
loob sa gitna ng dalumhati at kabiguan.

MARY THE QUEEN COLLEGE | WE TRANSFORM LIVES


Katanungan???

You might also like