You are on page 1of 10

Aralin 3: Pangangailangan

at Kagustuhan
By: Mam Lourdes B. Kaligayahan
Balik-aral. Dugsungan Mo!

1. Angkakapusan ay tumutukoy sa
_____________________________________.
2. Angpalatandaan ng kakapusan ay ang
_________________________________,
_________________, ________________________.
3. Ang kakapusan ay mapapamahalaan sa pamamagitan ng
________________,
________________, ___________.
Gawain 1.Pangkatang Gawain.
Ilista Natin. Maglista ng mga
bagay na mahalaga sa inyo bilang
isang mag-aaral. Isulat sa pisara
ang inyong sagot ang may
pinakamaraming naisulat ay
siyang magwawagi.
Pamprosesong Tanong:
Anong bagay ang pinakamahalaga para sa
iyo? Bakit?
Ano ang mga nagging batayan mo sa
ginawang listahan?
Pareho ba ang pagkasunod-sunod ng iyong
listahan sa listahan ng iyong kamag-aral?
Kung hindi, ano sa palagay mo ang dahilan
ng pagkakaiba ng mga ito?
Panimula:
 Angmga tao ay may pangangailangan(needs) at kagustuhan
(wants). Inaasahan na masusuri at matataya mo ang iyong mga
pamantayan sa pagbuo ng matalinong desisyon tungkol sa iyong
mga kagustuhan at pangangailangan.
 Inaasahan sa araling ito na ikaw ay magsusuri sa kaibahan ng
pangangailangan at kagustuhan bilang batayan sa pagbuo g
matalinong pagdedesisyon, maipakita ang ugnayan ng personal na
kagustuhan at pangangailangansa suliraning ng kakapusan,
makapagsuri sa hierarkiya ng pangangailangan, makabuo ng
sariling pamantayan sa pagpili ng pangangailangan batay sa
herarkiya ng pangangailangan, at makapagsuri sa mga salik na
nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.
Ano ang pangangailangan?
Ay mga bagay na dapat mayroon ang
tao sapagkat kailangan niya nito sa
kaniyang pang-araw-araw na gawain.
Ang pagkain, damit at tirahan ay mga
batayang pangangailangan sapagkat
hindi mabubuhay ang tao kung wala
ang mga ito.
Ano ang kagustuhan?
Paghahangad ng mas mataas sa kanyang
pangangailangan gaya ng mabuhay ng
marangal at maayos sa Lipunan.
Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng
bahay sa isang sikat na pamayanan o
subdibisyon, pagkakaroonng masasarap na
pagkain araw-araw. At pagsusuot ng
mamahaling damit.
Ayon kina McConnel, Brue at Barbiero (2001)
ang kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaring
madagdagan dahilan sa paglabas ng mas mataas
na antas ng kagustuhan sa paglipas ng panahon.
Ang kagustuhan ng isang tao ay maaaring
pangangailangan ng iba at ang pangangailangan
mo ay kagustuhan lamang para sa iba.
Hal. Ang pagbili ng cellphone para sa isang
negosyante ay isang pangangailangan subalit
para sa iba ang cellphone ay maaring
kagustuhan lamang.
Angpagtugon sa personal na
kagustuhan at
pangangailangan ay
nakasalalay sa kung paano
pamamahalaan ng tao ang
kakapusang nararanasan nila.
Gawain 2. Kailangan o Kagustuhan. Isulat ang salitang
GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.
1. ___________ pumunta sa party.
2. ___________ kumain ng prutas at gulat upang manatiling malakas ang aking katawan.
3. ___________ magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking
kinabukasan.
4. ___________ lumipat sa Magandang bahay na may aircon.
5. ___________ uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. ___________ mamahaling relo
7. ___________ telebisyon
8. ___________ kumain ng pizza
9. ___________ maglaro ng video game
10. ___________ magsuot ng maayos na damit.

You might also like