You are on page 1of 30

Filipino 5

Ikatlong
Markahan
IKALAWANG
Linggo
FEBRUARY 1, 2024
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang
matututuhan mo ang kasanayang:

0 Nagagamit ang pang-abay at


1
pang-uri sa paglalarawan
F5WG-IIId-e-9
ISAGAWA
Panuto: Piliin at ang
salitang naglalarawan
upang mabuo ang
pangungusap.
ISAGAWA: Gawain 1

1. ( Taimtim , Marahan ) na nagdarasal ang pamilya Cruz.

2. Ang boses ng mang – aawit ay ( makitid , maganda ).

3. ( Maayos , Malamig ) ang simoy ng hangin sa probinsya.


ISAGAWA: Gawain 1

4. ( Buong puso , Buong tapang ) na tumulong ang pamilya


Alawi sa mga naapektuhan ng malakas na bagyo.

5. ( Mataas , Marami ) ang sinakripisyo ng mga frontliners


upang makapagbigay ng serbisyo sa taong bayan.
SAGOT:
1. TAIMTIM
2. MAGANDA
3. MALAMIG
4. BUONG PUSO
5. MARAMI
Ang pang – abay at
pang – uri ay parehas na
naglalarawan ngunit, ano nga
ba ang pinagkaiba ng dalawa?
01 PANG-ABAY
Ang pang-abay ay bahagi ng
pananalitang naglalarawan kung paano,
saan, at kailan ginawa, ginagawa, o
gagawin ang kilos o galaw na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay mga salitang naglalarawan
ng pandiwa, pang-uri o sa kapwa pang-
abay.
01 Pang – abay
Ito ang mga salitang ginagamit sa
paglalarawan ng
 pandiwa (salitang kilos)
 pang – uri (salitang naglalarawan)
 kapwa pang – abay
01 Pang – abay
Iba’t – ibang uri ng Pang – abay

a. Pamanahon (panahon)
Ito ang pang-abay na naglalarawan kung kailan naganap o nagaganap ang
isang kilos o gawain. Sumasagot sa tanong na kailan.
Sagot
Halimbawa Tanong
Araw – araw
Araw – araw pinapakain ni Kailan pinapakain ni
Marta at Marco ang Marta at Marco ang
Pang – abay na
kanilang alaga. kanilang alaga?
pamanahon
a. Pamanahon
Ito ang pang-abay na naglalarawan kung kailan naganap o nagaganap ang
isang kilos o gawain. Sumasagot sa tanong na kailan.

Iba pang halimbawa


mamaya bukas

kahapon gabi – gabi


01 Pang – abay
Iba’t – ibang uri ng Pang – abay

b. Panlunan (lugar)
Ito naman ay tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kilos. Kadalasan
ito ay nagsisimula sa pariralang sa. Sumasagot sa tanong na saan.

Sagot
Halimbawa Tanong
Sa aquarium
Inilagay nila ang isda sa Saan nila inilagay ang
aquarium. isda? Pang – abay na
panlunan
b. Panlunan
Ito naman ay tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kilos. Kadalasan
ito ay nagsisimula sa pariralang sa. Sumasagot sa tanong na saan.

Iba pang halimbawa


Sa malayong
Sa ilalim ng puno
probinsya
01 Pang – abay
Iba’t – ibang uri ng Pang – abay

c. Pamaraan (paraan)
Ito naman ang pang – abay na naglalarawan kung paano nangyari ang
isang kilos o gawain. Sumasagot sa tanong na paano.

Sagot
Halimbawa Tanong
Nahihiya
Nahihiyag lumapit si Marta Paano lumapit si Marta sa
sa kanyang tiyahin. kanyang tiyahin? Pang – abay na
pamaraan
c. Pamaraan
Ito naman ang pang – abay na naglalarawan kung paano nangyari ang
isang kilos o gawain. Sumasagot sa tanong na paano.

Iba pang halimbawa


Taimtim na
Mabilis na tumakbo
nagdasal
02 PANG-URI

Ang pang-uri ay mga salitang


nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan o panghalip. Maaari nitong
ilarawan ang isang tao, bagay, hayop, lugar
o pangyayari.
02 Pang – uri

Ito naman ay mga salitang naglalarawan sa


 Pangngalan (ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook, o pangyayari)
 Panghalip (nanghahalili sa pangngalan
tulad ng siya, ako, tayo)
02 Pang – uri

Halimbawa
Halimbawa Halimbawa
Kahel ang isda ni
Mahiyain si Marta. Malayo ang probinsya
Marta.

Ang “kahel” ay Ang “malayo” ay


Ang “mahiyain” ay
inilalarawan ang kulay inilalarawan ang
inilalarawan si Marta na
ng isda ni Marta na probinsya na ngalan ng
ngalan ng tao.
ngalan ng hayop. lugar.
Halimbawa
lakad ng pagong

Mabagal ang lakad ng berdeng pagong

Pang – abay na
Pang - uri
pamaraan
PAGYAMA
NIN
Gawain 1
Panuto: Basahin ang salitang naglalarawan
sa pangungusap at isulat kung ito ay pang –
abay o pang – uri.
1. Nakikinig nang mabuti ang mga batang Valenzuelano
tuwing nanonood sila ng aralin sa Valenzuela Live.
2. Pasigaw na humingi ng tulong ang mga mamamayang
naapektuhan ng bagyong Ulysses.
3. Madilim ang paligid, nawalan ng kuryente sa malaking
bahagi ng Luzon.
4. Taimtim na nagdarasal ang mga tao na matapos na ang
pandemya sa lahat ng sulok ng mundo.
5. Magagaling ang mga mag – aaral sa lungsod ng
Valenzuela.
SAGOT:
1. PANG-ABAY
2. PANG-ABAY
3. PANG-URI
4. PANG-ABAY
5. PANG-URI
PAGYAMA
NIN
Gawain 2
PANUTO: BILUGAN ANG MGA
SALITANG NAGLALARAWAN
SA PANGUNGUSAP.
1. Mapayapang naninirahan ang mga hayop sa
kagubatan.
2. Ang nanay nina Marta at Marco ay mapagmahal.
3. Magalang na kinausap ng anak ang kanyang mga
magulang.
4. Ang tubig sa dagat ay maalat.
5. Laging tinutulungan ni Mayor Wes Gatchalian ang
mga nangangailangang Valenzuelano.
SAGOT:
1. MAPAYAPANG
2. MAPAGMAHAL
3. MAGALANG
4. MAALAT
5. LAGING
TANDAAN
Sa paglalarawan mahalaga na gamitin ang
pandama ng ating katawan. Maliban sa mga ito,
gumagamit din tayo ng mga salita gaya ng pang
– abay at pang –uri.
PAGTATAY
A
PANUTO: TUKUYIN ANG URI NG
PANG-ABAY SA BAWAT
SALITANG MAY SALUNGGUHIT.
ISULAT ANG PANLUNAN,
PAMANAHON o PAMARAAN.
_________1. Lumipat ang mag-anak sa Maynila.
_________2. Malakas sumigaw ang bata.
_________3. Ang mga mag-aaral ay pumapasok sa
paaralan araw-araw.
_________4. Sumasayaw ang mga bata
sa entablado.
_________5. Si Angela ay magaling sumayaw.
SAGOT:
1. PANLUNAN
2. PAMARAAN
3. PAMANAHON
4. PANLUNAN
5. PAMARAAN
Salamat
sa
Pakikinig!
!!

You might also like