You are on page 1of 14

Aralin 7

PAGKAMATIYA
GA
"Ang taong matiyaga ay tiyak
ang ginagawa."
Shoe Shine Boy
ni Josephine M. Montana
Mahirap lamang ang pamilya ni Jamin Rapal, kaya
naisipan niyang maging isang Shoe-shine boy. Sa tiyaga at
sipag nakatapos si Jamin ng elementarya. Nang nasa high
school na siya ay lalo pa siyang naging masigasig sa kanyang
trabaho at pag-aaral. Lalong dumami ang kanyang mga suki.
Isa na rito ang pinuno ng Philippine Army ng buong lalawigan
nila. Nasa Ikaapat na Taon na siya sa High School noon.

Sa Tactical Inspection ng mga kadete ay nagulat pa si Major


Pingol nang makitang ang nagrereport sa kanya na Batallion
Commander o pinakamataas na ranggo ng mga kadete sa high
school ay walang iba kundi ang mabait niyang shine boy.
Hindi niya akalaing high school na pala ang binatilyo
at mahusay pa. Nang magtanong-tanong siya tungkol sa
binatilyo sa paaralan, nalaman niya na unang-una pa itong
magbayad ng matrikula. Naisip ng humahangang pinuno na
may pambihirang determinasyon ang binatilyong ito at gusto
niyang tulungan. Kaya, inalok ni Major Pingol na maging
personal scholar niya ito. Pag- aaralin siya ng major sa
kolehiyo. Ngunit tumanggi si Jamin. Buong pagpapakumbaba
siyang nagpasalamat at sinabing gusto niyang maabot ang
pangarap sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.
At tinotoo nga ni Jamin ang kanyang sinabi. Pumunta siya
sa Maynila at nakipagsapalaran. Nagsimula siya sa
pagtitinda ng mangga at iba pang prutas sa bangketa sa
Tondo. Nag-apply siya at natanggap naman sa post office
bilang sorter o tagapili ng mga inihulog na sulat na
inilalagay sa kahon kung saan papunta ang mga sulat.
Kung ilang buwan din siya sa post office bago kumuha ng
eksamin sa FEATI University bilang working student.
Nakapasa naman si Jamin. Pumapasok siya bilang
empleyado sa araw at nag-aaral naman sa gabi. Hindi
na siya ang batang shoe-shine boy at tindero ng
mangga sa bangketa. Naging isa siyang ganap na
inhenyero. Ang lahat ay dahil sa sariling pagsisikap,
pagkamasigasig at pagtitiyaga.
Sagutin
Sagutin ang mga tanong. Unawaing mabuti ang mga tanong, at sagutin ayon sa
binasa

1. Sino ang batang nagsikap na marating ang kanyang pangarap,


kahit mahirap lang sila?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__
2. Ano ang una niyang pinagkakitaan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Ano ang ginagawa niya sa mga kinikita niya?
_________________________________________________________________
_______________________________________________________
4. Bakit dumami ang kanyang mga suki?
__________________________________________________________________________
________________________________________________
5. Bakit nagulat si Major Pingol nang mag-inspeksyon sa mga
kadete ng paaralan?

__________________________________________________________________________
_______________________________________________

6. Bakit inalok ni Major Pingol na papag-aralin si Jamin?


__________________________________________________________________________
_______________________________________________
7. Bakit tumanggi si Jamin sa alok ni Major?
______________________________________________________________________
___________________________________________________
8. Ano-ano ang tatlong naging trabaho ni Jamin sa Maynila
pagkatapos niya ng high school?
__________________________________________________________________________
____________________________________________

9. Anong kurso ang natapos ni Jamin bunga ng kanyang


pagkamatiyaga at pagkamasigasig?
__________________________________________________________________
_______________________________________________________
10. Ano ang natutuhan mo sa kuwento ng buhay ni Jamin?
__________________________________________________________________________
________________________________________________

You might also like