You are on page 1of 37

ESP 4 YUNIT 3

Aralin 4
Kultura ng mga Pangkat Etniko,
Mahalagang Malaman
Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang
Malaman

Maganda ang Pilipinas! Sagana ito sa dinarayong mga likas na


kayamanan at kapaligiran. Bawat rehiyon at pangkat etniko ay lalo
pang pinatingkad at pinakulay ng mga kakaibang kultura tulad ng
katutubong kasuotan, sayaw, awit, laro, at iba pa. Ito ay sariling atin
kaya’t mahalin at ipagmalaki natin. Ikaw, kilala mo ba ang iyong
kinabibilangang pangkat etniko?
Maipagmamalaking T’boli si Tatay!

Unang pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadji sa South


Cotabato, ang probinsiya ng kanilang tatay. Sa kanilang pamamasyal,
sa daan pa lamang ay excited na ang magkapatid sa kanilang
pupuntahan. Sinabi ng kanilang nanay na maliban sa kagandahan ng
Lake Cebu ay marami pa silang makikitang ikasisiya nila. Wiling-wili si
Abegail sa natatanaw nilang mga kulay rosas at puting bulaklak ng
lotus na nagkukumpulan at nakalutang sa tubig
Pagbaba pa lamang mula sa kanilang sasakyan ay inestima
na sila ng magigiliw na tagapangasiwa ng resort na napili ng kanilang
tatay. Siyang-siya muli si Abegail dahil sa nakita niyang kakaibang
mga suot ng mga taong sumasalubong sa kanila.
“Kuya Hadji, kakaiba naman ang mga suot ng mga tao rito.
Makukulay ang kanilang damit at marami pa silang palamuti sa
katawan mula ulo hanggang paa.”
"'Yon ba? Sila ay mga katutubong T’boli. Sabi ng aming guro, sila ang
mga katutubong tao na naninirahan sa lugar na ito noon pa man at
makukulay na T’nalak talaga ang kanilang kasuotan,” sagot ni Hadji
kay Abegail
Dali-dali silang tumuloy sa isang kubo na yari sa kawayan
na nasa pampang ng lawa kung sa n maa ri silang magpahinga,
magkuwentuhan, at hainan ng pagkain. Mabil s na inayos ng
kanilang nanay ang kanilang mga gamit at ilang dalang pagkain.
Maya-maya lamang ay mabilis na inihain sa kanila ng mga
taong nakasuot T’boli ang mga pagkaing inorder ng kanilang tatay.
Habang kumakain ay may pangkat ng mga T’boli na may mas
magagarbong kasuotan ang nagsimulang nagtanghal sa kubo
nila. Dala ng mga lalaki ang iba’t ibang instrumentong pangmusika
tulad ng tnonggong o tambol na yari sa balat ng hayop, agong, at
kulintang. Hawak din ng mga babae ang mga instrumento nilang
hinihipan tulad ng sloli o plawta na yari sa kawayan, kubing, at few
o maliit na tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdas
tulad ng sludoy at hagalong.
Maya-maya pa ay nagsimula na silang tumugtog at sumayaw.
Maindayog ang kanilang mga galaw. Bawat sayaw ay ipinapaliwanag
ni Tarhata na siyang pinakapinuno ng mga nagtatanghal, ang
mga kahulugan nito. Si Tarhata, na siyang pinakapinuno ng
mga nagtatanghal. May sayaw para sa panliligaw, pagkakasal,
paglalaban, pagwawagi, at pag-ibig. Bawat yugto ay pinapalakpakan
nila. Gustong-gusto ni Hadji ang sayaw ng ibon na isinagawa ng
isang batang lalaking kasing-edad niya. Umawit din si Tarhata ng
isang utom o awiting T’boli. Matapos umawit ay nagpasalamat na
sila at nagpaalam.
“Kayhuhusay naman nilang magtanghal! Talagang ipinagmamalaki
nila ang kanilang kultura at pagiging T’boli,” pahabol ng kanilang
nanay.

“Oo nga po. At kaygagara ng kanilang kasuotan. Mula sa


ulo ay may paynetang may abaloryong tanso at salamin. Pati ang
mga tansong sinturon ay tumutunog-tunog pa at ang mga anklet ay
gayon din,” dagdag ni Abegail.

“At pati mga tugtugin at awitin ay kakaiba ngunit tunay na


maipagmamalaki kahit kanino man,” banggit naman ni Hadji.
Biglang nagsalita ang kanilang tatay na kanina pa pala
natutuwa. “Alam ninyo, mga anak, nasisiyahan ako sa inyong
mga sinasabi. Ang mga T’boli ay isa lamang sa napakaraming
pangkat etniko rito sa ating bansa. Bawat pangkat ay may iba’t
ibang kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.
Ang pagkakaroon natin ng napakaraming pangkat etniko ay hindi
kahinaan ng ating bansa. Ito ang nagpapakulay at nagpapaganda
ng ating lahi. At bawat pangkat etniko ay tunay na ipinagmamalaki
ng kanilang lahi.”
“Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa
kaniyang sariling kultura. Paraan ito ng pagmamahal sa kaniyang
bansa,” sabat naman ng kanilang nanay.

Bigla uling nagsalita ang kanilang tatay, “Kaya naman ako ay


talagang nagmamalaki sa aming mga katutubong T’boli. At dahil
doon, nakilala at mahal na mahal mo ako, di ba? Ha ha ha!”

Biglang nagtawanan ang mag-asawa. Nagtataka namang


nagtinginan ang magkapatid na Hadji at Abegail.
MagLAR-NUNGAN Tayo! (Larong-Tanungan)

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ilarawan ang kultura ng mga T’boli pagkatapos nilang


magtanghal na hinangaan ng nanay nina Hadji at Abegail.

2. Humanga rin ba ang magkapatid na Hadji at Abegail sa


kultura ng mga T’boli na kanilang nasaksihan? Paano nila
ipinakita ito?
3. Bakit kaya nagkatinginan sina Hadji at Abegail nang sabihin
ng kanilang tatay sa kanilang nanay ang, “Kaya naman ako
ay talagang nagmamalaki sa mga katutubong T’boli. At dahil
doon, nakilala at mahal na mahal mo ako, di ba? Ha ha ha!”
Pangatwiranan.

4. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng nanay na, “Dapat lang na


ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kaniyang sariling
kultura. Paraan iyon ng pagmamahal niya sa kaniyang
bansa?” Pangatwiranan.

5. Bakit kaya mahalagang malaman mo ang iba’t ibang kultura


ng mga pangkat etniko ng ating bansa?
GAWAIN 1 Isulat sa iyong kuwaderno ang sarili mong saloobin sa
sumusunod:

Ang mga T’boli ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na


may sariling mga kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit,
laro, at iba pa.

Isulat ang iyong mga gagawin kung papaano mo


maipagmamalaki at mapahahalagahan ang mga ito.

Kung ikaw ay isang T’boli, paano mo maipakikita sa kapuwa


Pilipino at mga dayuhan ang yaman ng iyong kultura?
Kung ikaw si Hadji o si Abegail, paano mo maipagmamalaki
ang yaman ng inyong kultura nang malaman mo na ikaw pala ay
isang T’boli?

.
Bilang isang mag-aaral na may nakagisnang pangkat
etniko, paano mo pinahahalagahan o ipinagmamalaki ang
nakagisnang kultura?

.
Gawain 2

Makinig sa guro. Pakinggan ang sanaysay na kaniyang


babasahin. Mula sa napakinggang sanaysay, buuin ang tsart ng
mga alam mong maipagmamalaking kultura ng pangkat etnikong
kinabibilangan mo. Gamitin ang kuwaderno sa gawaing ito.

Mga halimbawa mula sa pangkat


Kultura
etnikong kinabibilangan mo
Kuwentong Bayan

Katutubong Sayaw

Awit

Laro
Paano mo maipagmamalaki at pahahalagahan ang mga ito?

.
DAY 3
Sa isang bond paper, buuin ang larawan at iguhit ang
katutubong kasuotan upang maipagmalaki mo ang kultura ng
pangkat etnikong iyong kinabibilangan. Maaari mong kulayan ang
iyong iginuhit. Lagyan mo rin ng iyong larawan ang nakalaang
kahon. Kung ikaw ay babae ay sa kaliwa at kung ikaw ay lalaki ay sa
kanan. Kompletuhin din ang patlang ng hinihinging impormasyon.
Ako ay si .
ang pangkat etnikong aking kinabibilangan.
Nakalarawan sa itaas na bahagi ang katutubong kasuotan na
maipagmamalaki namin.
Ang kuwentong bayan na sikat sa aming pangkat etniko ay
. Sikat na katutubong sayaw naman ang
. Ang katutubong awit namin ay ang
. Ang isang katutubong laro naman na
aming nilalaro ay ang .

Maipagmamalaki ko ang mga ito sa pamamagitan ng

.
TANDAAN NATIN
Mahalagang maunawaan at igalang ang mga gawaing nagpapakita ng
pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura ng mga pangkat etniko sa ating
bansa. Kultura ang isa sa nagpapakilala ng isang bansa sa buong
daigdig. Ang kultura ay nagpapakulay at nagpapakilala rin sa
pagkamamamayan ng mga taong nakatira sa isang bansa
Tinatayang may humigit kumulang 180 pangkat etniko sa
Pilipinas. Sa Luzon, ilan sa mga kilala ang mga Aeta sa Mountain
Province, Bikolano sa Kabikulan, Gaddang at Ibanag sa Gitnang
Luzon, Ivatan sa Batanes, Mangyan sa Mindoro, Tagalog sa
Kamaynilaan, at iba pa. Sa Visayas at Mindanao ay kilala rin ang
mga Subanon sa Zamboanga Peninsula, Bisaya sa Kabisayaan,
Zamboangueño sa Kamindanawan, at marami pang iba.

Iba-iba ang kultura ng bawat rehiyon at bawat pangkat etniko.


Makikita ito sa mga katutubong kasuotan, kuwentong bayan, sayaw,
awit, laro, at iba pa. Ito ay nagpasalin-salin na mula pa sa mga
ninuno. Hindi ito dapat mawala dahil sa nagbabagong panahon. Ito
ay kaluluwa ng ating lahi na hindi dapat mapahiwalay at makalimutan
dahil ito ang nagpapatunay ng ating pagiging makabansa.

Tandaan natin na ang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa


ating kultura ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
bansa. Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.
DAY 4
Pangkatang Gawain

Napabalita kamakailan ang mga mag-aaral ng isang paaralan


sa Baguio City na ipinakita ang paglalaro ng basketball habang
nakasuot ng bahag na kanilang katutubong kasuotan. Ito ay bahagi
ng pagdiriwang ng barangay sa pagtatapos ng Brigada Eskuwela at
sa pagsisimula ng pasukan. Naipakita ba nila ang pagmamalaki sa
kanilang sariling kultura?

Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito at


ilahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng sumusunod na gawain:

Pangkat 1 - Pakoro
Pangkat 2 - Rap
Pangkat 3 - Sabayang Bigkas
Pangkat 4 - Haiku (isang uri ng tula na may lima-
pito-lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng
tatlong taludtod)
DAY 5

SUBUKIN NATIN
Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang dapat mong gawin.
Bilugan ang titik ng tamang sagot. Ipaliwanag din ang sarili mong
kuro-kuro at saloobin kung bakit iyon ang napili mong sagot. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

1. Isinama ka sa Davao City ng iyong pinsan na nagbalikbayan


mula sa ibang bansa. Sa isang parke roon, may isang lugar na
nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang ipinagmamalaking
prutas na durian.

a. Hindi ako papayag dahil mabaho at hindi ako sanay


kumain ng prutas na ito.
b. Papayag ako dahil mainam na matikman ko rin ang
lasa ng durian para hindi na ako magtatanong tungkol
sa lasa nito.
c. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na
iyon ang tuklasin anuman ang kultura ng mga tao rito.

Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan.

.
2. May kakayahan ka sa pag-awit. Isinali ka ng guro mo sa
musika para maging kasapi ng isang koro sa inyong paaralan
na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Manobo para sa
nalalapit na pagtatanghal sa plasa.

a. Sasali ako para tumaas ang aking grado sa musika.

b. Sasali ako dahil kailangang ipagmalaki ko rin ang mga


awitin ng mga Manobo.
c. Sasali ako dahil gusto kong humusay pa ang aking
kakayahan.

Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan.

.
3. Kasama mo ang mga pinsan mong nagbakasyon sa Tawi-
Tawi. Isa sa mga katutubong laro ng mga bata rito ay ang
siato. Ayaw makipaglaro ng mga pinsan mo dahil bukod sa
mga batang makakalaro nila ay mga nakahubad, hindi rin
pamilyar ang mga pinsan mo sa larong siato.

a. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para


magkaroon kayo ng mga bagong kaibigan.
b. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para
may bago kayong laro pagbalik sa lugar ninyo.
c. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para
matutuhan ninyo ang isang katutubong laro mula sa
lugar na iyon.

Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan.

.
4. Nang dumalaw sa bahay ninyo ang inyong lola na mula
sa Lanao ay ikinuwento niya na ang mga aswang ay hindi
naman totoo at kuwentong bayan lamang iyon.

a. Maniniwala ako dahil karamihan sa mga kuwentong


bayan ay mga kathang-isip lamang.

b. Maniniwala ako dahil wala namang mawawala sa akin


kapag ako’y naniwala.
c. Hindi ako maniniwala dahil totoo talaga ang mga aswang
sa Lanao.

Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan.

.
5. Pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang bagong lipat
ninyong kamag-aral dahil sa kaniyang ipinakitang sayaw at
kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan.

a. Sasawayin ko sila dahil dapat igalang ng bawat isa ang


kulturang alam at nakasanayan niya.
b. Sasawayin ko sila dahil nakakaawa naman ang bago
naming kaklase.
c. Sasawayin ko sila dahil masama ang makipag-away.

Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan.

You might also like