You are on page 1of 34

LAYUNIN:

• Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay


inaasahang:
• Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang
sa pagsulat ng mga piniling akademikong
sulatin
• Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
• Napagtitibay ang natamong kasanayan sa
pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinakinggang halimbawa
• Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na
sulating akademiko sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa
Pagsulat
ng
Akademikong
Sulatin
Pagsulat ng Bionote
Ito ay ang maikling paglalarawan ng
manunulat na ang gamit ay ang
pananaw ng ikatlong tao na
kadalasang inilalakip sa kaniyang mga
naisulat. Ito rin ay isang
nakapagtuturong talata na
nagpapahayag ng mga katangian ng
manunulat at ang kaniyang
kredibilidad bilang propesyonal.
Mga Bahagi ng Bionete
• Personal na impormasyon mga
piangmulan, ang edad, ang buhay
kabataan hanggang sa kasalukuyan
• Kaligirang pang-edukasyon ang pag-
aaral, ang digri at karangalan.
• Ambag sa larangang kinabibilangan
ang kaniyang kontribusyon at
adbokasiya
• Mga Katangian ng Ayos na Bionote:
• Maikli ang nilalaman
• Gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw
• Kinikilala ang mambabasa
• Gumagamit ng baligtad na tatsulok
mula sa pinakamahalaga hanggang sa
hindi gaanong mahalaga.
• Nakatuon lamang sa mga angkop na
kasanayan o katangian
• Maging matapat sa pagbabahagi ng
impormasyon.
Pagsulat ng Panukalang Proyekto
uri ng dokumento na kadalasang
ginagamit para maipaliwanag at
kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor.
Ang mga pakay ng proyekto na ito ay
kadalasang solusyon para sa mga iba’t-
ibang oportunidad o problema ng ating
bayan. Mahalaga ang mainam na pagsulat
ng panukalang proyekto dahil dito
binabase ang ideya na minsan ay umaabot
sa milyun-milyong salapi.
Mga halimbawa ng Panukalang Proyekto
• proyekto sa Edukasyon
• proyekto sa Kalusugan
• proyekto sa Kalinisan
• proyekto sa Kaligtasan
• proyekto sa Paaralan
Katangian ng Isang Panukalang Proyekto
1.Sinasalamin ang mga
pangangailangan at kapasidad ng
indibidwal at komunidad.
2.Nagdadala sa mga indibidwal at
komunidad ang nakikitang mga
benepisyo.
3. May suporta at kooperasyon sa
kapaligiran
Pagsulat ng Talumpati
Isang pormal na
pagsasalita sa
harap ng mga
tagapagkinig o
audience.
Dalawang uri ng Talumpati
Impormatibong Talumpati Naglalayong
magbigay ng impormasyon tungkol sa ano
mang, pangyayari, konsepto, lugar, tao,
proyekto, at iba pa.

Mapanghikayat na Talumpati Ito ay


kadalasang nakatuon sa mga paksa o
isyung kinapapalooban ng iba’t ibang
perspektiba o posisyon.
Mga Kritikal na pagtanong sa
Mapanghikayat na Talumpati
 Pagkwestyon sa
Isang Katotohanan
 Pagkwestyon sa
Pagpapahalaga
 Pagkwestyon sa
polisiya
Dalawang Paraan ng Pagtatalumpati
Impromptu o Biglaang Talumpati:
Isinasagawa ang talumpating ito ng
walang paghahanda.

Ekstemporanyo o Pinaghandaang
Talumpati Ito ay maingat na
inihahanda, pinagpaplanuhan, at
ineensayo bago isagawa.
Mga Gabay sa
Pagsulat ng Talumpati
 Piliin ang isang pinakamahalagang ideya.
 Magsulat kung paano ka magsalita.
 Gumamit ng kongkretong salita at
halimbawa.
 Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at
datos na ginagamit sa talumpati.
 Gawing simple ang pagpapahayag sa
buong talumpati.
OUTPUT/QUARTERLY EXAM
Panuto:
Bumuo ng isang halimbawa ng Bionote ng
kahit sinong manunulat o propesyonal sa
kahit na anong larangan. Gawin ito sa isang
short bond paper (printed with picture).
Isaalang-alang ang mga katangian sa pagbuo
ng isang mahusay na bionote. (60 puntos)
Rubrik sa Pagbuo ng Bionote
Kraytirya Deskripsiyon Sariling
Puntos
Organisasyon • Malinaw at
20 pts. maayos na
naibuod ang
bionote
Rubrik sa Pagbuo ng Bionote
Kraytirya Deskripsiyon Sariling
Puntos
Ideya at • Malinaw na inilahad
Nilalaman ang mga impormasyon
20 pts. • Buo ang mga talata-
inilahad ang paksang
pangungusap
Rubrik sa Pagbuo ng Bionote
Kraytirya Deskripsiyon Sariling
Puntos
Pamimili ng • Impormasyonal ang estilo
salita/Estilo • Maypokus sa layunin
10 pts. • Obhetibo sa gamit ng
salita
• Walang kontraksiyon
• May mga transisyon
Rubrik sa Pagbuo ng Bionote
Kraytirya Deskripsiyon Sariling
Puntos
Kombensiyon • Walang maling
10 pts. baybay
• Walang maling
bantas
Kabuuan: 20 puntos
SUBMISSON OF
OUTPUT/QUARTERLY EXAM:

•October 19, 2022


•MIYERKULES/WEDNESDAY

You might also like