PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Ang PAGBASA ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat na impormasyon. Ayon kay Kenneth Goodman ang pagbasa ay isang Psycholingguistic. MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA BOTTOM-UP TOP-DOWN INTERAKTIB ISKIMA TEORYANG BOTTOM-UP - ang proseso ng pag- unawa, ayon sa prosesong ito, ay nagsisimula sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up). TEORYANG - TOP-DOWN napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mkambabasa(up) tungo sa teksto(down). TEORYANG INTERAKTIB Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasap-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi- directional. TEORYANG ISKIM A - bawat bagong impormnasyong nakukuha sa pagbasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito. Hakbang sa Pagbasa Pagkilala Pag-unawa Reaksyon Asimilasyon Pagkilala - Pagtukoy sa mga simbulong ginamit tulad ng Ponema at Morpema Pag-unawa - Tinatawag ring komprehensyon sapagkat inaalam ang kaisipang nakapaloob sa mga simbulo. Reaksyon - nagaganap ang paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng tekstong binasa Asimilasyon - Kinakailangan maiugnay ng mambabasa ang kaisipan ng binasang teksto sa kaniyang mga karanasan o dati nang kaalaman Limang Dimensyon sa Pagbasa Literal Interpretasyon Mapanuring Pagbasa Aplikasyon Pagpapahalaga Literal - Ito ay pagpokus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin Interpretasyon - Ito ay pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap Mapanuring Pagbasa - Binibigyang halaga ang katumpakan ng pagbabasa, tinitiyak ang kaugnayan nito sa isang partikular na suliranin Aplikasyon -Kinakailangan malaman ang kahalaghan ng nilalaman ng binabasa ayon sa karanasan ng mambabasa Pagpapahalaga - Dinadama ang kagandahan ng ipinahihiwatig ng nilalaman ng akda URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN ISKANING ISKIMING PREVIEWING KASWAL PAGBASANG PANG-IMPORMASYON MATAIMTIM NA PAGBASA RE-READING O MULING PAGBASA PAGTATALA ISKIMING • Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. ISKANING • Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. PREVIEWING • Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. KASWAL • Pagbasa ng pansamantala o di- palagian na binabasa PAGBASANG PANG- IMPORMASYON • Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. RE-READING O MULING PAGBASA • Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. PAGTATALA • Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag- imbak ng impormasyon. “Ang mahusay na manunulat ay matalinong mambabasa” -V. Lachica GOD BLESS YOU ALL