You are on page 1of 25

Gamit ng Pang-abay sa

Paglalarawan ng Kilos

KALIPUNAN NG MGA GAWAING PAGKATUTO sa

FILIPINO 5
Panimula (Susing Konsepto)
Ang mga bahagi ng pananalita ay nakatutulong
sa paglalarawan. Gaya ng pangngalan, pang-
uri, pandiwa, pantukoy, pang-angkop, at iba
pa. Isa na rito ang pang-abay. Ang pang-abay
ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay. Ilan sa mga uri nito ay
pang-abay na pamaraan, pang-abay na
panlunan at pang-abay na pamanahon.
1.Ang pang-abay na pamaraan ay
sumasagot sa tanong na kung paano
isinagawa ang kilos.
2.Ang pang-abay na panlunan ay
sumasagot sa tanong na saan.
3.Ang pang-abay na pamanahon ay
sumasagot sa tanong na kailan ginawa ang
kilos at gumagamit ng mga salitang
nagtatakda ng panahon tulad ng kahapon,
ngayon, bukas, tuwing, at iba pa.
Halimbawa:
1. Pang-abay na pamaraan
Nagdasal nang tahimik si Kristel para sa
mga biktima ng lindol.
2. Pang-abay na panlunan
Sa tahanan ko natutunan ang pagiging
mapagbigay.
3. Pang-abay na pamanahon
Pupunta kami sa Batanes sa susunod na
linggo.

PANGKATANG GAWAIN
Gawain 1
A. Panuto: Basahin ang usapan at
tukuyin ang mga pang-abay at mga
salitang kilos na ginamit. Isulat ang mga
sagot sa kahon.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. (F5WG-IIIa-c-6)
PANGKATANG Gawain 1 A. Panuto: Basahin ang usapan at tukuyin ang mga
pang-abay at mga salitang kilos na ginamit. Isulat ang mga sagot sa
GAWAIN kahon.

PANG-ABAY SALITANG KILOS

Tahimik nagbabasa
Marahang kumatok
Mabilis tumayo
Masayang binuksan
malugod pumasok
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. (F5WG-IIIa-c-6)
B. Panuto: Pag-aralan mo ang mga larawan.
Basahin ang pangungusap na kasama nito.
Bilugan ang pang-abay at salungguhitan ang
salitang kilos na ginamit. Halimbawa: Biglang
nagulat ang lahat sa pagdating ng bagyo

Halimbawa: Biglang nagulat ang

lahat sa pagdating ng bagyo.
B. Panuto: Pag-aralan mo ang mga larawan.
Basahin ang pangungusap na kasama nito.
Bilugan ang pang-abay at salungguhitan ang
salitang kilos na ginamit. Sagutan sa Notbuk.

Halimbawa: Biglang nagulat ang

lahat sa pagdating ng bagyo.
1. Papilay-pilay na lumakad si Mario

2. Dahan-dahang pumasok si Nena

upang hindi magising ang Ina.

3. Biglang bumangon si Maria nang

marinig ang kulingling ng orasan.
1. Papilay-pilay na lumakad si Mario

2. Dahan-dahang pumasok si Nena

upang hindi magising ang Ina.

3. Biglang bumangon si Maria nang

marinig ang kulingling ng orasan.
1. Papilay-pilay na lumakad si Mario

2. Dahan-dahang pumasok si Nena

upang hindi magising ang Ina.

3. Biglang bumangon si Maria nang

marinig ang kulingling ng orasan.
Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga angkop na pang-abay
na pamaraan sa mga kilos na inilalarawan ng mga
ito. Isulat sa buong pangungusap ang tamang sagot.
1. Taimtim a. na tumulong ang mag-anak sa mga biktima.
2. Ligtas b. na tinanggap ng mga biktima ang nangyari.
c. na nagdasal ang lahat para sa kaligtasan.
d. na nakauwi ang mga nahiwalay sa pamilya.
3. Mabilis e. na nagdadalamhati ang lahat sa trahedya.
4. Malungkot
5. Lubos
Gawain 3 Panuto: Pag-aralan ang larawan, sa tulong ng
salita at ng larawan, gumawa ng pangungusap na
naglalarawan ang kilos.

Halimbawa:
ubod-lakas

Sagot:
Umiiyak nang ubod-lakas ang sanggol
Gawain 3 Panuto: Pag-aralan ang larawan, sa tulong ng salita at ng larawan, gumawa ng pangungusap na

Gawain 4 A. Panuto: Buuin ang mga sumusunod na pangungusap sa
pamamagitan ng paglalagay ng angkop na pang-abay na panlunan na nasa
loob ng kahon at bilugan ang salitang kilos na ginamit sa pangungusap.
1. Ibibigay ni Jedidiah ang kaniyang donasyon _____.
2. ______ natutuhan ni Patricia kung paano ang
maging mapagbigay.
3. Pinag-uusapan ng pamilya _____kung paano sila
tutulong habang kumakain.
4. Maraming nabiktima ang bagyong Yolanda ______.
5. Makikita _____ang mga Pilipinong nagbibigayan at
nagtutulungan.
sa Pilipinas
sa Tacloban
sa Evacuation Center
sa tahanan
sa hapag-kaininan
B. Panuto: Basahin ang talata at tukuyin ang mga pang-abay na pamanahon na ginamit
dito. Isulat ang mga tamang sagot sa sagutang papel.

Magsisimula na ang bakasyon sa isang araw. Nagtatanong ang

aking mga magulang kung saan namin nais pumunta. Ang sagot ko,
gusto kong magkawanggawa sa kaarawan ko, na nataon sa buwan
ng bakasyon. Iniisip ko ngayon na dumalaw bukas sa isang
institusyon ng mga napabayaang matatanda. Gusto ko ring
tumulong sa mga gawaing pansimbahan sa Mahal na Araw. Sa
Sabado ay magpapakain naman ako sa mga batang-lansangan.
Gusto kong gumawa ng mga makabuluhang bagay sa buong buwan
ng Abril.

• Repleksiyon
• 1. Ano ang natutunan ko sa araling ito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
• 2. Ano pa ang mga gusto kong matutuhan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
“ Ang Pang-abay ay parang anghel, kung saan ikaw ay
gagabayan sa pagtukoy ng mga pamaraanan, panglugar at
panahunan ng iyong kilos tungo sa maunlad na
kinabukasan.”
- Teacher Cariza JOYz

You might also like