You are on page 1of 34

ANG MAKA-PILIPINONG

PANANALIKSIK:
GABAY SA PAMIMILI NG
PAKSA AT PAGBUO NG
SULIRANIN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik ay paraan ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o
kapaligiran.

- Ayon kay Susan B. Neuman (1997) na


binanggit nina Evasco et. Al (2011) sa aklat na
“Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham
Pnlipunan, Panitikan at Sining”
Tumuklas ng bagong kaalaman
na magamit ng tao

Lumalawak ang karanasan

Makita ang bisa ng


pananaliksik upang mapabuti
ang sarili at iba.
Layunin
Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

Hamon para sa mga Pilipinong iskolar at


mananaliksik ang pagbuo ng kalinangan sa
pananaliksik na nagmula sa at ginabayan ng sariling
karanasan, umuugat sa aral ng kasaysayan, at
nagsisilbi para sa sambayanan.
Sa ganitong konteksto, malaki ang
pangangailangang paunlarin ang maka-Pilipinong
pananaliksik na naiiba sa tradisyunal na
pananaliksik sa kanluran.
“Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay
gumagamit ng wikang Filipino at/o
mga katutubong wika sa Pilipinas at
tumatalakay sa mga paksang mas
malapit sa puso at isip ng mga
mamamayan.”
“Bakit hindi paksaing Pilipino? Tanong ito ng isang kababayang
kararating lamang sa Indiana University mula sa Pilipinas.
Ginulantang ako ng tanong. Sa loob kasi ng tatlong taong
pagkakalayo sa sariling bayan, hindi sumagi sa isipan ko na
importante pala na iugnay ko ang aking mga plano para sa sariling
hinaharap sa mga pangngailangan ng aking bayang tinubuan. Taong
1959 noon, at simula iyon ng aking re-edukasyon bilang intelektwal
na ang kamalaya’y hinubog ng kulturang kolonyal.”
Ayon kay Rosario Torres-Yu sa aklat
niyang “Kilates: Panunuring
Pampanitikan ng Pilipinas.” Para sa
kaniya, malinaw na ang intelektwal na
gawain ay hindi pansarili lamang,
bagkus ay kailangang iugnay ito sa
pangangailangan ng bayan.
“Pangunahing isinasaalang-alang
sa maka-Pilipinong pananaliksik
ang pagpili ng paksang naayon sa
interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.”
Upang maisagawa ito mahalaga anng pakikipamuhay at pag-alam
sa kanilang kondisyon. Pinaunlad ni Enriquez ang iba’t iabang
metodong angkop sa kultura at pagpapahalagang Pilipino gaya ng:
 Pagmamasid
 paggamit sa pakiramdam
 pagtatanong-tanong
 Pagsubok
 pagdalaw-dalaw
 Pagmamatiyag
 pagsubaybay
Komunidad ang Laboratoryo ng
maka-Pilipinong pananaliksik.
 Sa pamamagitan ng pagpapalakas
sa mga pag-aaral sa komunidad,
nakakakuha ng tunay na karanasan at
kaalaman ang mga mag-aaral mula sa
masa.
Naisisistema nila ang mga karanasang
ito at muling naibabalik para sa
kapakinabangan ng komunidad.
Kalagayan at mga
Hamon sa Maka-
Pilipinong Pananaliksik
1. Patakarang Pangwika sa Edukasyon

Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga


probisyon kaugnay ng pagpapaunlad at
pagpapayabong ng Filipino bilang wikang
pambansa sa pamamagitan ng paggamit
nito bilang midyum ng pagtuturo sa
Sistema ng edukasyon at pamamahala.
Gloria Macapagal Arroyo (Mayo
2003)
Executive Order 210 –
Establishing the Policy to
Strengthen the Use of English in
the Educational System

Gullas Bill 4710 – English Bill


Bagong estruktura ng General
Education Curriculum (GEC) na
ipinatupad ng Comission on
Higher Education (CHED)
CMO 20 Series 2013
- Inalis ang 6-9 na yunit ng
Filipino sa kolehiyo
2. Ingles bilang Lehitimong Wika

 Ingles pa rin ang lehitimong wika ng


Sistema ng Edukasyon at lakas–paggawa.
 Nagiging tuntungan ang pagpapaigting ng
globalisadong kaayusan sa lalong
pagpapalakas nito bilang wika ng
komunikasyon, komersyo, at pagkatuto
lalong-lalo na sa pananaliksik.
3. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik

 Dahil sa daluyong ng globalisasyon,


maging pamantayan sa pananaliksik ng
mga unibersidad at kolehiyo ay umaayon
na rin sa istandard ng internasyona-
lisasyon na pananaliksik, ngunit nalalagay
sa alanganin ang mga guro at mag-aaral
na nais na magpakasalubhasa sa
pananaliksik sa araling Filipino.
4. Maka-Ingles na Pananaliksik sa iba’t
ibang Larang at Disiplina
 Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na
batayan sa paggamit ng wika kaya halos
hindi pa ginagamit na wikang panturo ang
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.
 Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga
akademikong larangan at maganit pa rin ang
pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa
humanidades, panitikan, at agham
panlipunan.
Mga Gabay sa Pamimili ng
Paksa at Pagbuo ng
Suliranin sa Pananliksik
1. May sapat bang sanggunian
na pagbabatayan ang napiling
paksa?
2. Paanong lilimitahan o
paliliitin ang isang paksa sa
malawak na saklaw?
3. Makapag-aambag ba ako
ng sariling tuklas at bagong
kaalaman sa pipiliing paksa?
4. Gagamit ba ng sistematiko
at siyentipikong paraan
upang masagot ang tanong?
PAGSUSULIT: ¼

Panuto: Isulat ang T kung


wasto ang kaisipang
ipinapahayag at M kung
hindi.
1. Hindi maituturing na
maka-Pilipinong pananaliksik
ang isang paksa kung hindi
ito gagawin sa komunidad.
2. Maaaring pumili ng tanong
sa pananaliksik na sa
Internet lamang makikita ang
kasagutan.
3. Maraming hamon sa mga
mananaliksik na gagawa ng
maka-Pilipinong pananaliksik
kung kaya’t kailanagan niya
munang hintaying mamulat
na ang mga Pilipinong iskolar
bago ito gawin.
4. Ayon kay Neumann
(1997), ang pananaliksik ay
paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikular
na katanungan ng tao tungkol
sa kaniyang lipunan o
kapaligiran.
5. Bukod sa mga dakilang
layunin ng pananaliksik,
maraming
kapakipakinabangan ang
mananaliksik mula sa proseso
ng pagtuklas.
6. Hindi maaapektuhan ng
pagtanggal sa krusog Filipino
sa kolehiyo ang pananaliksik
na maka-Pilipino.
7. Ang anumang kaalaman na
nakuha mula sa masa ay
kailangang suriin ng
mananaliskik, ngunit hindi na
kailangan pang ibalik o
ibahagi sa kanila.
8. Nagbibigay ng bigat at
halaga ang pamimili ng
angkop na wika at paksa sa
pananaliksik.
9. Nalilimitahan din ang
paksa sa pamamagitan ng
pamimili ng panibagong
populasyon ng pananaliksik
kahit duplikasyon lamang ito
ng nakaraang pananaliksik.
10. Maaaring paliitin ang
paksa sa pamamagitan ng
pagpili ng ibang disenyo ng
pananaliksik.

You might also like