You are on page 1of 14

KAHULUGAN NG

DEBATE O
PAGTATALO
M A G U U L AT :
JASMIN BARTOLO
KAHULUGAN NG DEBATE

Ang debate ay may estrukturang pagtatalo na kung saan ang


dalawang panig o pangkat ay naglalahad ng magkasalungat
na ideya o pangangatwiran ukol sa napagkaisahang paksa.
Ang panig na sumasang-ayon sa paksa
ay tinatawag na proposisyon,
samantalang ang oposisyon naman ang
panig na sumasalungat.
Sa isang debate ay maaaring mayroong:

- moderator o tagapamagitan
- hurado
- timekeeper
URI NG DEBATE

MAG UULAT:
SHANE CAPITLY
IMPORMAL NA DEBATE

Ito ay uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay bibigyan ng tagapangulo
ng isang paksa na pagtatalunan.

Ang mga kalahok ay binibigyan ng maikling oras upang paghandaan ang


napag-usapang paksa.

Sa debateng ito ang mga nagdedebate ay malayang maghayag ng kanilang


kaisipan, palagay at kuro kuro tungkol sa paksa. Pagdating sa panuntunan,
kakaunti lamang ang isinasaalang-alang dito.
PORMAL NA DEBATE
Ang mga kalahok ay masusing pinagtatalunan ang isang paksa.
Ang pormal na debate ay isinasagawa sa itinakdang panahon,
araw, at oras. Pagdating sa panuntunan, maraming dapat
isaalang-alang ang kalahok sa debating ito, tulad ng haba ng
diskusyon, wastong paggamit ng mga salita, at tibay ng mga
ebidensya.
IBA PANG
URI NG
DEBATE
MAG-UULAT:
RACQUEL DACANAY
MAY IBA PANG URI O FORMAT NG DEBATE. KABILANG DITO ANG
CAMBRIDGE AT OXFORD NA PARAAN NG PAGTATALO.

Debateng Oxford- Sa debateng ito ay magkasama nang ilalahad ng bawat


kalahok ang patotoo o Constructive remark at ang kanyang pagpapabulaan o
rebuttal sa kanilang pagtindig.

Debateng Cambridge- Ang uri o format ng debateng ito ay binibigyan ang


kalahok ng dalawang pagkakataon upang tumindig at magsalita. Sa unang
tindig ay ilalahad ang patotoo o Constructive remark ng kalahok at sa
ikalawang tindig naman ay ang pagpapabulaan o rebuttal.
MGA URI O FORMAT
NG DEBATE
MAG-UULAT:
DIANA ROSE DATANG
MGA URI O FORMAT NG DEBATE
Mock trial- ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap
bilang mga manananggol o mga aflorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na
merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag- roleplay.

Impromptu Debate- isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa


ibang klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok ng 15 minuto bago
magsimula ang debate. Pagkatapos magsalita ang isang miyemb ro ng isang
pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang proseso
hanggang matapos ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.
Turncoat Debate- ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay
ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna
para sa proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay
magsasalita para sa oposisyon ng dakawang minuto.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like