You are on page 1of 4

DEPED

Division of Biñan

Ika-10 ng Abril, 2018

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
 Natutukoy ang kahulugan ng debate o pakikipagtalo.
 Naipahahayag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na
magdedebate.
 Naisasagawa ang debate ayon sa uri o format nito.
II. Paksang Aralin
 Debate
 Kagamitan: powerpoint, projector, white marker, maliliit na pisara, yeso, kartolina,
marker, speaker
 Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 pahina 299-300
III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtetsek ng liban at hindi liban,
pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagbati

“Mayroon tayong tatlong layunin na dapat


makamit sa araw na ito. Ang mga layuning ito
ay ang mga sumusunod.” “Natutukoy ang kahulugan ng debate o
pakikipagtalo.
Naipahahayag ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang mahusay na magdedebate at
Naisasagawa ang debate ayon sa uri o format
nito.”
Pagganyak
“Mayroong dalawang paksang napapanahon sa
ating lipunan na bibigyan ninyo ng kani-
kaniyang opinyon. Ang mag-aaral ay bubunot
ng isang paksa at ito ay kailangan niyang
mapangatwiranan kung kayo ba ay sang-ayon o
di sang-ayon.
 Pumapayag ka ba sa same sex
marriage?
 Pumapayag ka ba na ipatupad ang
diborsyo sa Pilipinas?
(Sasagot ang mga mag-aaral sa kanilang
opinion o pananaw.)
B.Paglalahad

“Ano sa tingin niyo ang paksang ating


tatalakayin sa araw na ito?” “Tungkol po sa Debate.”
“Ano nga ba ang kahulugan ng Debate?” “Ang Debate po ay isang pakikipagtalong may
estruktura. Isinasagawa po ito ng dalawang
grupo o pangkat na may magkasalungat na
panig tungkol sa isang napapanahong paksa.”
C.Pagtalakay sa Aralin

“Mayroon akong inihandang pangkatang


gawain. Narito rin ang mga pamantayan para
sa inyong paggawa.” Mga Pamantayan:
Nilalaman - 2 puntos
Paraan ng pagpapaliwanag – 3 puntos
Pagkamalikhain - 5 puntos
Kabuuan - 10 puntos
Pangkat isa: Ano-ano ang gampanin ng mga
bumubuo sa debate. Ito ay ang mga
sumusunod: Proposisyon (sumasang-ayon),
Oposisyon (sumasalungat), Moderator,
Hurado, Timekeeper
Pangkat dalawa: Ano ang mga katangiang
dapat taglayin ng isang mahusay na
magdedebate?
(Pupunta sa kani-kanilang grupo ang mga mag-
aaral upang gawin ang kanilang aktibidad.)
“Alam niyo ba na maraming uri ang
pakikipagdebate? Ngunit, mayroong dalawang
uri ng debate na kilala o gamitin. Ito ay ang
Oxford at Cambridge.”
(May ipapalabas na videong halimbawa ng
oxford)

“Ano ang naunawaan niyo sa pinanuod


ninyong video tungkol sa debateng Oxford?” “Ang bawat kalahok sa debateng Oxford ay
magsasalita lamang ng minsan, maliban na
lang po sa unang tagapagsalita na wala pang
sasaliging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa
pang pagkakataon magbigay ng kanyang
pagpapabulaan sa huli. Sa pagtindig po ng
bawat kalahok upang magsalita ay magkasama
na yang inilalahad ang kanyang patotoo
(constructive remark) at pagpapabulaan
(rebuttal).”

(May ipapalabas na videong halimbawa ng


Cambridge)
“Ano ang naunawaan naman ninyo sa
pinanuod ninyong video tungkol sa debateng
cambridge?” “Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok
ay dalawang beses titindig upang magsalita.
Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo
(Constructive Remarks) at sa ikalawa ay para
ilahad ang kanyang pagpapabulaan(Rebuttal)
“Mayroon bang pagkakaiba ang dalawang uri
ng debate? Ano yun? “Mayroon po. Sa gaya po ng naunawaan ko, sa
oxford po ay isang beses lang maaaring
tumayo ang bawat tagapagsalita maliban sa
unang tagapagsalita habnag sa Cambridge
naman po ay kabaliktaran. Dalawang beses po
maaaring magsalita ang mga tagapagsalita.”

D. Paglalapat

“Sa pamamagitan pa rin ng pangkatang gawain


ay sasagutin niyo ang ilang mga katanungang
aking inihanda gamit ang yeso at maliliit na
pisara.Titik lamang ang isulat”
1. Siya ang tagatiyak kung nasusunod ng
mga kalahok ang oras na ibinigay sa
kanila.
a. Oposisyon
b. Cambridge “Letrang C”
c. Timekeeper
d. Proposisyon
2. Uri ng debate kung saan isang beses
lamang pwedeng magsalita ang
kalahok.
a. Oposisyon
b. Cambridge “Letrang D”
c. Timekeeper
d. Oxford
3. Tawag sa pangkat na sumasalungat.
a. Oposisyon
b. Proposisyon “Letrang A”
c. Moderator
d. Hurado
4. Siya ang nagpapasiya kung sino ang
mas nakakapanghikayat na pangkat.
a. Moderator
b. Hurado “Letrang B”
c. Timekeeper
d. Oposisyon
5. Uri ng debate na dalawang beses
maaaring magsalita.
a. Oxford
b. Cambridge “Letrang B”
c. Moderator
d. Hurado

E. Paglalahat

“Kung kayo ay mabibigyan ng isang


pagkakataong maging isang magdedebate. Ano
ang dapat ninyong gawin? (Sasagot ang mga mag-aaral.)
IV. Pagtataya

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


“Para sa huling gawain. Narito ang
pamantayan.” Mga Pamantayan:
Katibayan(constructive remarks) – 10 puntos
Pagbigkas - 5 puntos
Pagtatanungan - 5 puntos
Pagtuligsa - 10 puntos
Kabuuan - 30 puntos

“Sa pamamagitan ng gayang pangkat pa rin


kanina. Magkakaroon tayo ng debate. Ang
format ng pangkat isa ay ang debateng oxford
at ang pangkat dalawa naman ay ang debateng
cambridge Mula rito’y isulat na ang inyong
constructive remark. Ang paksa ay tungkol
kung dapat bang ipatupad muli ang death (Gagawin ng mga mag-aaral ang sinabi ng
penalty sa ating bansa?” guro)

V. Takdang Aralin

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


“Gumawa kayo ng repleksyon tungkol sa
ginawa ninyong debate sa araw na ito.” (Kukunin ng mga mag-aaral ang kanilang
kwaderno upang isulat ang takdang aralin)

“Paalam na sa inyong lahat!” “Paalam na rin po Binibini.”

Inihanda ni:

Katrina Joy I. Magbitang, LPT


BSED - Filipino

You might also like