You are on page 1of 30

Magandang

Hapon!
SITWASYON 1
“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa
anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. “Aba’y kaganda naman nireng ginagawa
mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo ha?
Natatawang inakbayan ni Donato ang inakay papasok sa
munti nilang kusina…

Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na


habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos
napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng
anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak
SITWASYON 2 niya.
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa nabasang pahayag, paano mo
mabibigyan ng kahulugan ang
salitang naratibo?

2. Paano natin malalaman na ang isang


teksto ay isang tekstong naratibo?
Magandang
Hapon!
IKSIK
SHS
ANAL
UNGO SA PAN
URI T
SA AT PAGSUS
PAGBA

Teks t ong
e n t a t i b o
Arg u m . O GO C
R I O B
GREGO Te a ch er
Fil ip in o
LAYUNIN:
a. Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng tekstong argumentatibo.

b. Naihahambing ang salitang proposisyon


at argumento.

c. Nakapaglahad ng ilang punto o


argumento hinggil sa isang paksa o isyu sa
pamamamagitan ng awit, rap at tableau.
G A W A I N

Alin ba ang dapat


masunod?

UTAK PUSO
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
ebidensya o suporta sa iyong pahayag?

2. Ano ang kahalagahan ng pagsasaliksik o


paghahanap ng matibay na ebidensya bago
maniwala sa isang paksa, ideya o sa isang
panig?
IKSIK
SHS
ANAL
UNGO SA PAN
URI T
SA AT PAGSUS
PAGBA

Teks t ong
e n t a t i b o
Arg u m . O GO C
R I O B
GREGO Te a ch er
Fil ip in o
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ito ay using uri ng teksto na ang


pangunahing layunin ay makapaglahad ng
katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat
ay kailangang maipagtanggol ang kanyang
posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Kapag mayroon ng matibay na ebidensya,
ang manunulat ay obligado nang
panindigan ang kanyang panig, maaari na
rin siyang magsimulang magsulat ng
malaman at makabuluhang
pangangatwiran.
ELEMENTO
Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

PROPOSISYON ARGUMENTO
ELEMENT
O
PROPOSISYON ARGUMENTO
Ayon kay Melania L. Abad (2004), Ang argumento ay ang pangalawang
ang proposisyon ay ang pahayag naelemento ng pangangatuwiran. Ito ang
inilalatag upang pagtalunan o pag-
pagpapahayag ng mga dahilan at
usapan. ebidensya upang maipagtanggol ang
katuwiran ng isang panig. Ang
Ito ay dapat mapagkasunduan bago nangangatwiran ay kailangan may
magsimula ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa proposisyon
argumento ng dalawang panig. upang makapaglahad ng mahusay na
argumento.
HALIMBAWA NG PROPOSISYON at ARGUMENTO
1. Dapat bang ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang
Karahasan laban sa kababaihan? PROPOSISYON
Ang pagpasa ng Divorce Bill ay magbibigay ng karagdagang
kapangyarihan at Kalayaan sa mga kababaihan na nasa
mapanganib na sitwasyon sa kanilang marriage. Sa pamamagitan
ng Divorce Bill magkakaroon ng mas mahigpit na proseso at
mekanismo upang magsilbing proteksyon at mabawasan ang
pagkakataon na magkaroon ng karahasan at abuso sa loob ng
pamilya bilang pagpapalakas ng paggalang sa dignidad at
Karapatan ng bawat kababaihan.
ARGUMENTO
KATANGIAN
1. Mahalaga at Napapanahong paksa
Upang makapili ng angkop na paksa,
pag-isipan ang iba’t ibang napapanahon
at mahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan.
KATANGIAN
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata at teksto.

Sa unang talata, ipinaliliwanag ng


manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay nito sa
pangkalahatan.
KATANGIAN
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng
mga bahagi ng teksto.
Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng
teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng
kaisipan, hindi makakasunod ang mambabasa sa
argumento ng manunulat at hindi magiging
epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito.
KATANGIAN
4. Maayos na pagkakasunud-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.

Ang bawat talata ay kailangang


tumatalakay sa iisang pangkalahatang
ideya lamang. Ito ang magbibigay-linaw
sa direksyon sa buong teksto.
KATANGIAN
5. Matibay na ebidensya para sa argumento.
Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang
maging detalyado, tumpak at napapanahon ang
impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na
ebidensya, masisigurado ng manunulat ang
katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.
Pangkatang Gawain:
Sa loob ng 5 minuto, ang bawat
pangkat ay maglalatag ng 3 argumento
hinggil sa isyung ibibigay ng guro
depende sa gustong panig. Pagkatapos
bibigyan ng tatlong minuto ang bawat
pangkat para sa paglalahad ng nabuong
argumento. Challenge: Ang paglalahad
ng argumento ay isasagawa sa
pamamagitan ng awit, rap, tableau
presentation.
Paksa:
PAKSA CHALLENGE
Dapat bang ihiwalay ang Mindanao
sa Pilipinas? Awit
“No Cellphone Policy: Nakakabuti
ba sa mga mag-aaral o Tableau
nakakasama? Presentation
Dapat bang ipatupad ang “Death Tableau
Penalty” sa Pilipinas? Presentation
Saan nga ba dapat matutunan ang
disiplina o wastong pag-uugali, sa Rap
tahanan o paaralan?
Rubriks:
PAMANTAYAN ISKO
R
Nilalaman (bigat ng argumento) 10
Organisasyon ng ideya 10
Kaugnayan sa Paksa 10
Kooperasyon 10
Kahusayan sa Pagganap 10
Kabuuan: 50
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
ELEMENTO

ARGUMENTO
KATANGIAN PROPOSISYON
Mahalaga at Napapanahong Maikli ngunit malaman at
paksa malinaw na pagtukoy sa tesis sa
unang talata at teksto.
Malinaw at lohikal na
transisyon sa pagitan ng mga Maayos na pagkakasunud-sunod
bahagi ng teksto. ng talatang naglalaman ng mga
ebidensya ng argumento.
Matibay na ebidensya para sa
argumento.

TANDAAN NATIN!
LAYUNIN:
a. Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng tekstong argumentatibo.

b. Naihahambing ang salitang proposisyon


at argumento.

c. Nakapaglahad ng ilang punto o


argumento hinggil sa isang paksa o isyu sa
pamamamagitan ng awit, rap at tableau.
PAGTATAYA:
Kasunduan:
Sa isang malinis na papel, maglatag
ng (5) limang argumento tungkol sa
paksang “Dapat bang ipasa ang
Divorce Bill upang mabawasan ang
karahasan laban sa kababaihan?
Rubriks:
PAMANTAYAN ISKO
R
Nilalaman (bigat ng argumento) 10
Organisasyon ng ideya 10
Kaugnayan sa Paksa 10
Hikayat sa Mambabasa 10
Kabuuan: 40
“Huwag matakot na magsalita at manindigan
para sa katapatan at katotohanan laban sa
kawalan ng hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigig ay
gagawa nito, mababago ang mundo.”
-WILLIAM FAULKNER
IKSIK
SHS
ANAL
UNGO SA PAN
URI T
SA AT PAGSUS
PAGBA

S a l a m a t
a ra m i ng
M ni g !
sa P a k i ki

GREGORIO B. OGOC
Filipino Teacher

You might also like