ULAT Gaano kahalaga ang pagsusulat ng isang pangyayari?
Ano ang kalakasan at kahinaan ng salaysay na
pasulat at pasalita?
Sa panahon ngayon, bakit binibigyang-importansya
ang komunikasyong pasulat kaysa komunikasyong pasalita? Pasalita Pasulat
Kalakasan
Kahinaan Pasalita Pasulat
• Mabilisan ang palitan ng • madaling balikan sakaling
impormasyon may hindi pagkakaunawaan Kalakasan • May iba’t ibang pamamaraan • Pinaniniwalaan sa mga upang ipahayag ang pagkakataon na kailangan ng damdamin, hindi lamang s pruweba (gaya sa Korte, salita kundi pati sa tono ng paarapan, at iba pa) boses
• Mahirap balikan ang • Hindi natural na nakukuha
impormasyon ang emosyon ng Kahinaan • Bukas sa maraming nagbabahagi dhil naproseso interpretasyon na ito sa pagsulat • Matagal na makakuha ng impormasyon Basahin ang mga sumusunod na naratibong ulat. Ulat Tungkol sa Pangkalahatang OrientationWorkshop sa Programang Abot- Alam
Naratibong ulat ng TESDA Sorsogon
Mga tanong:
1. Kailan ginanap ang orientation workshop?
2. Saan ginanap ang orientation-workshop? 3. Ano ang layunin ng orientation workshop? 4. Ano ang Programang Abot-Alam? 5. Magbigay ng ilang bayan na maglulunsad ng programa sa lebel ng distrito. Ulat ng TESDA
1. Tungkol saan ang naratibong ulat?
2. Kailan mangyayari ang Ikatlong Siklo ng pagpaplano? 3. Kailan naganap ang Ikalawang Siklo ng pagpaplano? 4. Ano-ano ang plano at pag-updte sa gawain? Ano ang naratibong ulat?
Ang naratibong ulat ay isang
dokumento na nagsasaad ng sunod- sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao. Ano ang kahalagahan ng naratibong ulat? Dahil ang naratibong ulat ay isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang magkaroon ng sistematikong dokumentasyon ang mga nangyari o kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan. Sa ilang pagkakataon, sakaling magkaroon ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng iba’t ibang tao o grupo ng tao. Isa pang kahalagahan ng naratibong ulat ay upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng impormasyon hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o pangyayari. Mga elemento ng naratibong ulat
Tandaan na ang naratibong ulat ay
dapat na isinusulat na: 1. Kronolohikal na pagkakaayos
Importante na ang pagsusulat ng
naratibong ulat ay magsisimula at magtatapos batay sa nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag- uulat. 2. Walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari Dahil ang isang naratibong ulat ay obhektibo, hindi maaaring maglagay ng personal na opinion o kaya’y kuro-kuro sa naganap. Iwasan ang paggamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang pangyayari. Mas mahalaga na marami ang mga pandiwa. Halimbawa: Dumating ang TESDA director ng Rehiyon 3 ganap na ika-3 ng hapon. Sinalubong siya ng mga guro ng Mataas na Paaralan ng Jose Rizal.” Mali ang paglalarawan na “Mainig na sinalubong ng mga guro ng Mataas na Paaralan ng Jose Rizal ang makisig na TESDA Director ng Rehiyon 3.” 3. Buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang nagsasalaysay
Mahalaga ang iba’t ibang element
ng talatang nagsasalaysay upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat. Tanong Mo, Sagot Niya
Hatiinang klase sa dalawa.
Ang bawat grupo ay maghahanda ng mga tanong batay sa teksto. Kailangang sagutin ng kabilang grupo ang tanong. Ng grupong may pinakamaraming sagot sa tanong ang siyang panalo. Gawain
Magsulat ng naratibong ulat
hinggil sa naganap sa klase kahapon. Sumulat ng naratibong ulat hinggil sa nutrition month celebration.