You are on page 1of 14

PANALANGIN

Panginoon, nagpapasalamat kami sa biyayang ipinagkakaloob


Niyo sa amin. Patnubayan po Ninyo kami sa aming pag-aaral
upang magtagumpay kami sa aming mga pangarap at mga
layunin.

Bigyan Niyo po kami ng kahandaan upang tumugon sa mga


pangangailangan ng aming kapwa. Dalangin namin ang
kapayapaan sa aming klase. Palayain Niyo po kami sa
anumang uri ng kaguluhan at magbigay ng pagkakaisa sa
aming mga kaklase.
AMEN.
SUNDIN AT IGALANG:
Magulang, Nakatatanda at
Awtoridad
LAYUNIN
Sa modyul na ito malilinang ang kasanayang
pampagkatuto na,
Nakikilala ang:
a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal at mga
paglabag sa paggalang
b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad
GROUP ACTIVITY
UNANG BAHAGI
1. Tukuyin ang iba’t-ibang sitwasyon o kilos ng mga PARAAN AT
PAGLABAG SA PAGGALANG SA MAGULANG,
NAKATATANDA AT AWTORIDAD.
2. Tukuyin kung saan kabilang ang bawat sitwasyon o kilos na nakasulat
sa strips of paper. Isulat ang kasagutan sa worksheet.
PANGALAWANG BAHAGI
1. Magtala ng dalawang bagay na kadalasang ipinag-uutos sa iyo ng
iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at kung ano ang mga
bunga kung ito ay susundin at kung hindi.
MGA BUNGA KUNG MGA BUNGA KUNG
MGA UTOS
SUSUNDIN HINDI SUSUNDIN
SA MAGULANG 1. 1.
1.
2. 2. 2.

SA NAKATATANDA 1. 1.
1.
2. 2. 2.

SA AWTORIDAD 1. 1.
1.
2. 2. 2.
PAGGALANG SA MAGULANG,
NAKATATANDA AT AWTORIDAD
1. Palagiang komunikasyon ay nakakatulong upang mapatibay ang
pagkakaunawaan at maayos na relasyon
2. Hindi nakikisali sa kanilang usapan sa halip ay hintayin muna kung
kinakailangan o tinatanong ba ng iyong saloobin hinggil sa paksa at
makipag-usap din nang may paggalang at mahinahon.
3. Pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan
4. Maingat sa paggamit ng mga salita lalo na kung sila ang kaharap o
kausap.
5. Bilang kabataan, tungkulin mo rin na sundin ang mga batas at
makilahok sa mga gawaing pang komunidad.
PAGGALANG SA MAGULANG,
NAKATATANDA AT AWTORIDAD
6. Pagpapakita ng interes at respeto sa kanilang mga tradisyon,
kultura, at paniniwala ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
kanila.
7. Utang natin sa kanila ang ating buhay at hindi nila ikinasasaya
kapag sinasagot sila ng kanilang mga anak.
8. Pagpaparamdam sa kanila na sila ay espesyal sa pamamagitan ng
pagbibigay ng regalo.
9. Pagkakaroon ng kaalaman sa batas
10. Pagpapakita ng pakikisama at kooperasyon sa mga gawain sa
pamayanan
PAGLABAG SA PAGGALANG SA
MAGULANG, NAKATATANDA AT
1. AWTORIDAD
Pagpapabaya at di pag-aalaga sa mga kamag-anak na matanda
kung kinakailangan.
2. Hindi pagmamano.
3. Hindi pagtupad sa tungkulin sa tahanan at sa napag-usapan
gaya ng takdang oras sa pag-uwi ng bahay.
4. Paglabag sa batas na ipinapatupad ng pamahalaan.
5. Pagsabat sa usapan ng mga nakatatanda kahit na hindi
tinatanong o kinakausap.
PAGLABAG SA PAGGALANG SA
MAGULANG, NAKATATANDA AT
AWTORIDAD
6. Paggawa ng mga bagay na walang pahintulot gaya ng pag-alis ng
bahay na walang paalam, pagpasok sa silid nang hindi kumakatok at
pagkuha ng bagay nang walang pahintulot.
7. Pagiging iresponsable, gaya ng hindi pag-iingat sa mga gamit sa bahay.
8. Kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang opinyon at saloobin, sa kabila
ng kanilang mayamang karanasan.
9. Pakikipagtalo nang wala sa katwiran at aroganteng pagsagot sa mga
kawani ng gobyerno.
10. Pagsuway sa batas trapiko gaya di pagsunod sa ilaw trapiko at jay-
walking
PERFORMANCE TASK 6
Gumawa ng isang SIGNAGE na maaaring makita sa bahay
o sa pamayanan na nagpapaalala sa paggalang sa
magulang, nakatatanda at awtoridad.

BATAYAN SA PAGMAMARKA:
Pahayag- 15 puntos
Disenyo- 15 puntos
Kaayusan- 10 puntos
KABUUAN: 40 puntos
PAALALA:
Sundin ang mga
patakaran sa pagtatapon
ng basura para sa
malinis na kapaligiran.

You might also like