You are on page 1of 22

SINING 5

Kaalaman sa Kulay,
Hugis at Balance sa
Paggawa ng 3D-craft.
Balik-aral:
Ano ano ang tatlong
halimbawa ng 3D-Art?
Anong mga bagay ang nakikita ninyo sa
larawan?

Anong bagay ang gamit sa pagbuo nito?


Napag-aralan natin kung ano ang mga
posibleng paggamitan ng mga 3D arts.
Ngayon naman, pag-aralan natin ang mga
kulay at hugis na maaari nating gamitin
upang maging kaakit-akit ang ating mga
likhang sining.
Ang paggawa ng palayok ay isa sa mga sinaunang
anyo ng ating sining. Tinatawag itong katutubong
sining. Nagmula ito sa mga lalawigan ng Ilocos Sur,
Panggasinan, Batangas at Laguna. Sa kasalukuyan
ay may marami pa rin ang gumagawa ng mga
palayok sa mga lalawigang nabanggit sapagkat ito
ang kanilang pinangkakakitaan. *
Maaari na rin tayo gumamit ng ibang
materyales maliban sa luwad, ito ang
tinatawag na 3D arts. Makakagawa tayo ng
palayok na gawa sa iba’t-ibang bagay na
makikita natin sa ating paligid. Halimbawa
na dito ang mga lumang papel, magasin at
dyaryo.
Sa pagpili ng mga kulay, kinakailangan
na masusing pagpili ng kulay na akma sa
gusto ninyong gawin, mga kulay na
makakaakit sa makakakita ngunit
maganda at hindi masakit sa mata.
Kinakailangang balanse ang kulay na
inyong gagamitin.
Sa hugis naman, pag-isipang mabuti kung
ang likhang sining ay saang bahagi ng
bahay maaring ilagay sa paggamit ng
balanse. Mayroon tayong dalawang uri ng
balanse, ito ay ang asymmetrical at
symmetrical.
Sa paggawa ng palayok maari itong
symmetrical o asymmetrical, subalit kung ang
gagawin mo ay mobile art, nangangailangan ito
ng tamang balanse upang makagalaw ng
malaya. Ganon din sa paggawa ng paper beads,
mahalaga na makita ang pagiging balanse nito
upang maipakita ang kagandahan ng likhang
sining.
Magsanay tayo:
1. Ano ang kahalagahan ng tamang pagpili ng kulay
sa gagawing 3D art?
____________________________________________
_______________________________
2. Bakit mahalaga ang pagiging balanse ng likhang
sining na mobile art at paper beads?
____________________________________________
_______________________________
3. Ibigay ang mga lalawigan kung saan nagmula
ang sinaunang sining ng palayok?
___________________________________________
________________________________
Sa inyong palagay, paano natin
mapapanatiling buhay ang mga
likhang sining ng ating mga
ninuno?
Mahalagang malaman natin ang wastong
kaalaman sa pagpili ng kulay, hugis at disenyo
na makakatulong upang maging orihinal at
kahanga-hanga ang sariling likhang sining.
Dapat din nating malaman ang kahalagahan
ng mga sinaunang likhang sining ng ating mga
ninuno.
Sa paggawa ng anumang likhang-
sining nararapat na isa-isip at
isasalang-alang ang mga prinsipyo
ng sining.
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon.
Isulat sa sagutang papel ang salitang bubuo sa
pangungusap.
1. Ang ______________ ay isang uri ng
sining na malayang nakatayo, may taas,
lapad, anyong pangharap, tagiliran at
likuran.
2. Ang __________ ay isang katutubong sining
na ginagamitan ng luwad.
3. Kinakailangang mayroong _________ ang
mobile art upang ito ay makagalaw ng malaya.
4. Ang ______________ay isang uri ng
malagkit na lupa na ginagamit sa paggawa ng
burnay o banga.
5. Ang pagiging ______________ ay isang
katangian ng tao sa paggawa ng
pansariling palamuti mula sa mga
patapong bagay.
6. Ang _______________ang
pangalawang libingan noong
unang panahon.
7-10 Ang mga lalawiagan ng
____________, ___________,
___________, at _________ay kilala sa
paggawa ng palayok.
Masayang pag-
aaral mga bata!!!

You might also like