Professional Documents
Culture Documents
Tungkulin NG Wika
Tungkulin NG Wika
WIKA
Inihanda ni: Jonard A. Orcino
Lipunan
Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga
tao na may karaniwang set ng pag-uugali,
ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na
teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang
isang yunit.
Wika
Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang
instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob
ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa
isa't isa.
Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika
sa lipunan?
TUNGKULIN NG WIKA
ayon kay M.A.K. Halliday
1. Instrumental
tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.
2. Regulatoryo
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang
pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon
sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot
sa pagsusulit, at marami pang iba.
3. Interaksiyonal
aynakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang kapwa.
4. Personal
ang pagpapahayag ng sariling pinyon o
kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Kasama rin dito ang pagsusulat ng
talaarawan at journal.
5. Heuristiko
ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang
pinag-aaralan.
6. Impormatibo
ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang
heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng
impormasyon, ito naman ay may kinalaman
sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang
pasulat at pasalita.