You are on page 1of 13

Molave CaMPUS

RASON NG MGA KABATAAN SA PAG-INOM NG ALAK


Bilang Bahagi ng Katuparan sa Asignaturang Filipino unang Taon Paaralang Sekondarya

Ipinasa ni: CYRIL C. CANO Bsmar-e 1st

Ipinasa kay: Mr. Walfredo E.Vergara Guro sa Filipino I

Introduksyon

Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating nasasayang. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang kalagayan ng mga kabataang lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang ibat ibang konsepto tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol sa bawal na gamot tulad na lamang ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at mga ahensiyang tumutulong sa mga kabataan at mga paksa ukol sa tamang pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng landas.

Talaan Ng Nilalaman I. II. III. IV. Introduksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . i Talaan Ng Nilalaman Kabanata I . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .ii Kabanata II (Kaugnay na Literatura) . . . . . . . . . . . . .5 A. Ano ang Bawal na Gamot? B. Mga Pangkat Ng Bawal Na Gamot C. Mga Sintomas Ng Pagkalulong Sa Bawal Na Gamot D. Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot E. Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot F. Ang Mga Mag-aaral At Ang Bawal Na Gamot G. Rehabilitasyon H. Sintesis ng Pag-aaral V. Kabanata III (Disenyo Ng Pag-aaral) . . . . . . . . . . . . . 9 VI. Kabanata IV (Pagtatapos) . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . 10 A. Lagom B. Konklusyon C. Rekomendasyon VII. Bibliograpiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11 VIII. Appendix . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13 KABANATA I

Bawal na Gamot: Isang Masamang Elemento sa Buhay ng Kabataan Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na makaiwas sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng mga kasamahan (peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan. Layunin ng pag-aaral na ito ang maglikom at magbigay impormasyon sa mga kabataan at magulang, hinggil sa naging epekto ng paglaganap ng bawal na gamot sa bansa sa mga estudyante. Sa ginawang pananaliksik ng mga may-akda, tiyakang sinagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang bawal na gamot? 2. Ano ang solusyon sa problemang kinakaharap ukol sa bawal na gamot? 3. Anu-ano ang mga paraan para maiwasan ng isang indibidwal ang bawal na gamot?

KABANATA II KAUGNAY NA LITERATURA A. Ano ang bawal na Gamot?

Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang marihuwana o 1cannabis, 2heroina, at mga 3isteroyd. B.
1

Mga Pangkat ng Bawal na Gamot

Cannabis- ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak ng abaka halaman, na kung saan ay pinausukan o chewed para sa kanyang psychoactive-aari 2 Heroina- sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang kinopyang ng opyo amapola. 3 Isteoyd- isang terpenoid lipid characterized sa pamamagitan ng isang kalansay ng carbon na may apat na fused singsing, sa pangkalahatan ay inayos sa isang 6-6-6-5 paraan.

Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkatpangkat ang mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng katawan. Kasama sa pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga pampahina o depresante (pampakalma), mga pampasigla o 4estimulante, at mga pampatakbo ng guni-guni o halusinoheno. Tinatawag napampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng papunta at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o nagpapalungkot sa isang tao. Dahil sa kaantasan ng pagkapuro o pagkadalisay ng mga pampahinang gamot, nagkakaroon ng mga malalalang mga epekto ito sa katawan ng tao. Kabilang sa mga malalalang epekto at kumplikasyon ng mga pampahina ang pagkakaroon ng HIV o AIDS, Hepatitis B, Hepatitis C, at mga katulad na impeksiyon. Nagiging kinalabasan ang mga ganitong malalalang epekto dahil sa pakikigamit ng taong nalulong sa pampahinang mga gamot na nakikisalo o nakikigamit ng karayom ng hiringgilya, ng mismong 5hiringgilya, at mga katulad na kasangkapang pang-iniksiyon ng pampahinang mga gamot. Kabilang sa mga bawal ang kokaina, walang pagrereseta ng manggagamot na mga ampetamina, speed, LSD, at ekstasi. Kabilang sa mga hindi bawal na pampasiglang gamot ang nikotina ng mga sigarilyo; ang kapeina ng kape, kola, tsokolate, tabletang nakapagpapapayat, at ilang mga inuming nakapagpapalakas; at ang sudoepedrina mula sa mga gamot na para sa ubo at sipon. Kabilang sa mahihinang mga epekto ng mga pampasigla ang pagkauhaw, walang ganang kumain, hindi makatulog, kadaldalan, at pagiging balisa. Kabilang sa malalakas na mga epekto ng mga pampasigla ang pagkabalisa, pagkatakot, atake, sakit ng ulo, pangangalambre ng sikmura, pagkaagresibo, nakakatuwang guni-guni, pagkawala ng malay-tao, kalituhan ng isipan, at kapaguran.

Estimulante- mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at kamalayan. Sila ay karaniwang may mas mataas na bahagi-epekto sa mas mataas na bisa, at ang mas malakas na variants ay kaya madalas resetang gamot o mga bawal na gamot. 5 Hringgilya- Hiringgilya ay simpleng piston pump na binubuo ng isang pangbomba sa kubeta na akma sa mahigpit sa isang tube.

Kabilang sa mga bawal na halusiheno ang LSD, kabuti ng salamangka (magic mushrooms), meskalina, ekstasi, marihuwanang may matapang na dosis o dosahe. C. Mga Sintomas Ng Pagkalulong Sa Bawal Na Gamot Narito ang ilan sa mga babalang palatandaan o sintomas ng paggamit ng isang tao ng bawal na gamot at ito ay nakalap natin sa isang site na pinaliwanag ng ahensiya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (Filipino: Kawanihan ng Pilipinas Laban sa Droga) : Una, pagkakaroon ng panghihina ng katawan, pagbabago sa gawi sa pagkain, labis na pagkasumpungin, may silakbo o bugsong damdamin at pagkagalit, paglabas ng bahay sa kabuoan ng magdamag, madalas at biglaang pagpapalit ng mga kaibigan o kabarkada, kataka-takang pagkakaroon ng pangangailangan ng salapi, pagkakaroon ng labis na bilang ng pera, pagkawala ng mga mahahalaga at mamahaling mga kagamitan D. Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan. Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao. Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sa pagsisinungaling at pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunan ang kanilang pangangailangan. E. Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang pagkalulong sa mga bawal na gamot. Pinakamahalaga at nangununa sa mga ito ay ang mismong pag-iwas na makasanayan ng isang tao o pasyente ang pagkakaroon ng pagkahumaling sa mga ito.

Sa pagsusumikap na makaiwas sa sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng barbitures o depressants. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa(curiosity), udyok ng mga kasama (peer group pressure), dipanatag na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa pakahulugang pakikipagugnayan. Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente. Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot. Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o pagkaadik sa iba pang mga gamot. F. Ang Mga Mag-aaral At Ang Bawal Na Gamot KAMAY na bakal ang dapat sa drug traffickers. Sabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mga barangay naman ang kanilang susuyurin para ganap na malipol ang mga salot ng lipunan. Ganito rin naman ang banta ng 6 Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang 7 Dangerous Drugs Board.Magkakaisa sila laban sa mga nagpapakalat ng bawal na droga. Hindi raw sila titigil lalo pat si President Arroyo na ang nag-utos na wasakin ang drug traffickers. Ang pakikipaglabang ito laban sa mga salot ay maaaring maging simula para mabawasan ang problema sa illegal na droga. At mas magiging epektibo ang
6

The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (Filipino: Kawanihan ng Pilipinas Laban sa Droga) (KPLD) was established by Republic Act 9165, and enacted in the year 2002 as the leading anti-drugs office in the Philippines, under the supervision of the Dangerous Drugs Board, which in turn, is under the supervision of the President of the Philippines. 7 Ang Delikadong Gamot Board ay nilikha sa pamamagitan ng kabutihan ng Republic Act 6,425 sa dakong huli repealed sa pamamagitan ng RA 9,165, sa kabilang banda ay kilala bilang ng Comprehensive Delikadong Drugs Act of 2002. Ang mga bago at stiffer ng batas ang mga utos na DDB na sa National patakaran ng paggawa at diskarte formulating katawan sa lahat ng bagay na nauukol sa mga bawal na gamot na pang-aabuso prevention at control. Bilang tulad ng, ang mga isyu sa pagpapatupad ng mga patakaran at programa, para sa pagsunod ng lahat ng mga operating gamot katawan ng pagpapatupad ng batas at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ito ay, subalit, hindi limitado sa pagbabalangkas ng patakaran na maaaring gleaned mula sa mga enumerated function sa ilalim ng Seksyon 81 ng Drug Law.

kampanya, kung kasabay ding ililigtas ang mga estudyanteng lulong na sa bawal na gamot. Sa kasalukuyan, may mga public high school students sa Metro Manila ang gumagamit ng illegal na droga na kinabibilangan ng shabu at marijuana. Nala thala kamakailan sa mga pahayagan ang tungkol sa mga estudyante sa isang public high school sa Cubao, Quezon City na nahuli ng mga pulis dahil sa aktong nagdodroga sa bakanteng lote na malapit sa school. Ayon sa mga pulis, pagkatapos ng klase, sa bakanteng lote nagtutungo ang mga estudyante para gumamit ng shabu at marijuana. Walang kamalay-malay ang magulang ng mga estudyante na lulong na sa bawal na droga ang kanilang pinag-aaral na anak. Ayon kay USEC.ANSELMO S. AVENIDO JR. Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency: Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari natingnasasayang. Kaya nang ihayag noon ni Mrs. Arroyo na siya na ang bagong anti-drug czar, marahil ay maraming magulang ang natuwa sapagkat sa wakas ay napagtuunan din ng pansin ang talamak na paggamit ng illegal na droga. Sabi pa ni Mrs. Arroyo, ang bawal na droga ang umaagaw sa lakas, kaligayahan, kasiglahan at sigasig ng mga kabataan. Maigting ang kanyang babala sa mga drug traffickers na tatapusin ang mga ito. Ipinag-utos din naman ng Presidente ang pagdrug testinghindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga empleyado, pulis, artista at marami pang iba. Pero tumutol ang Commission on Human Rights sa drug testing sa mga estudyante. Baka raw malabag ang karapatan ng mga estudyante. Ayon naman sa Department of Education, legal ang pag-drug-test sa mga estudyante. Nakasaad daw ito saDANGEROUS DRUGS ACT OF 2003. Para mas lalo pang mapaigting ang pagbibigay kaalaman ng mga estudyante sa bawal na gamot mimabuti ng Department of Education na sundin ang ARTICLE V., SECTION 29 NG DANGEROUS DRUGS ACT kung saan ang isinasaad ay: Sek. 29. Delikadong Gamot Batas bilang bahagi ng School Curriculum tagubilin sa adverse effects ng mga mapanganib na droga, kabilang ang kanilang legal, panlipunan at pang-ekonomiyang implikasyon, ay isinama sa existing curricula ng lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan, kung pangkalahatan, teknikal, bokasyonal o Agro-pang-industriya. Ang Kalihim ng Edukasyon, Kultura at Sports ay dapat ipahayag tulad ng mga alituntunin at regulasyon ng maraming ay kinakailangan, upang tuparin ang mga probisyon nito, at sa pamamagitan ng tulong ng Board, ay dapat
8
8

Czar- isang kataga sa wikang Eslabo na tumutukoy sa ilang mga monarchs

maging sanhi ng publikasyon at pamamahagi ng mga materyales sa mga mapanganib na droga sa mga mag-aaral at ng pangkalahatang publiko. Iligtas ang mga estudyante sa high school sa lalo pang pagkalulong sa droga. Ipatupad na ang pagsasailalim sa kanila sa 9drug test. Hindi dapat makinig sa iba pang pumupuna na lalabagin ang karapatan ng mga estudyante kapag isinailalim sa drug testing. Nararapat nang kumilos ngayon para maagaw sila sa lalo pang pagka lulong sa bawal na droga. KUNG inaakala ng gobyerno na maliit na problema lamang ang ukol sa paglaganap ng methampetamine hydrochloride o shabu, nagkakamali sila. Mabigat na problema ang patuloy na pagkalat ng shabu sa bansa sapagkat maraming kabataan ang sinisira. Sa kasalukuyan, pabata nang pabata ang mga nalululong sa paggamit ng shabu. May mga estudyante sa high school na gumagamit na ng shabu. Kahit ilang ulit pang sabihin ng Philippine National Police (PNP) na malaking porsiyento ng mga shabu laboratories ang kanilang sinalakay, hindi pa rin ito katibayan para masabing buwag na ang mga sindikato. Ga-tinga lamang ang nabawas sa kanila. Kahit na nga maraming shabu lab ang sinalakay at nahuli ang mga Chinese na nagluluto ng shabu kataka-taka pa rin ang pagdagsa ng shabu sa maraming lugar. Kahit na nga ang mga liblib na lugar sa bansa na wala pang kalsada at kuryente ay kataka-takang mayroon nang shabu. Hindi kataka-taka sapagkat ngayon ay masyadong matapang na ang mga sindikato at idinadaan na sa maraming port ng bansa ang shabu. Kamakailan, sangkatutak na shabu ang nasabat ng Presidential Anti-Smuggling Group sa Subic Bay Free Port. Galing Hong Kong umano ang shabu. Bilyong piso ang halaga ng shabu. Ang nakapagtataka ay hindi na malaman kung nasaan na ang may-ari ng kargamentong iyon. Nakatakas na o pinatakas? Hindi maikakaila na malala na ang problema ng illegal drugs sa Pilipinas. Kung hindi masasawata ang sindikato sa pagpupuslit sa bansa ng shabu, marami pang sisiraing buhay. Ang pagkakahirang kay dating senador Vicente Sotto bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) noong nakaraang linggo ay magandang simula para masupil ang mga nagpapakalat ng illegal drugs. Ito ang pagkakataon para
9

Drug test-karaniwang isang teknikal na pagsusuri ng ihi, tabod, dugo, pawis, o likido sa bibig sample upang matiyak ang pagkakaroon o kawalan ng tinukoy na mga bawal na gamot o sa kanilang mga metabolized traces.

maipakita ni Sotto ang lubusang paglaban sa illegal na droga. Si Sotto ang awtor ng 10RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ang batas na ito ang naging daan para maitatag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon kay Sotto walang lugar ang pulitika sa pakikipaglaban niya sa illegal drugs. Sana nga ay totoo ang sinabi niya. Maraming masisiyahan kung mapalalaya ang ilang Pinoy sa pagkasugapa sa illegal na droga. G. Rehabilitasyon Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente. Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot. Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o pagkaadik sa iba pang mga gamot. H. Sintesis Ng Pag-aaral Ang pag-aabuso sa bawal na gamot ay lumaganap sa bansa dahil sa illegal na pagpupuslit ng bawal na gamut at drug trafficking. Maraming mga pangkat ng bawal na gamot at kadalasang ito ang nagiging dahilan ng pag-aabuso nito. Ang bawat mag-aaral at kabataan ay nalulong sa bawal na gamot dahil sa kapabayaan at kadalasan pa, sa pagrerebelde. Sa kasalukuyan, maraming mga organisasyon ang kumikilos upang masugpo ang mga nagpapalaganap ng bawal na gamot sa bansa. Ayon sa mga pag-aaral at ibang mga psychologists, kadalasan na ang impluwensya ng ibang tao at pagbabago sa teknolohiya ang lumalabas na nagiging rason kung bakit maraming mga kabataan, kahit masama sa kalusugan, ang tumatangkilik sa ipinagbabawal na gamot.

10

isang intituating act comprehensive sa mapanganib na mga bawal na gamot ACT NG 2002, REPEALING Republic Act NO. 6,425, na kilala bilang mapanganib na mga bawal na gamot ACT NG 1,972, AS susugan, na nagbibigay ng pondo para dito, at para sa ibang layunin

KABANATA III DISENYO NG PAG-AARAL Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng mga libro at babasahin o ang tinatawag na secondary source. Ito ang paraang ginamit sapagkat hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ayos ng isang panayam sa isang taong may kinalaman sa paksa o suliranin na mas mainam sana. Ganunpaman ang mga datos na nakalap ay nasisigurong may pinagbasehan at totoo.

KABANATA IV PAGTATAPOS A. LAGOM Ang pag-aabuso ng mga kabataan sa bawal na gamot ay bunga ng kapabayaan at hindi wastong pag gabay sa mga kabataan. Ayon sa mga datos na nakalap ang bawal na gamot ay may ibat-ibang pangkat at ito ang nagiging dahilan ng pagkalito o di sinasadyang pag-abuso ng bawal na gamot na nauuwi sa pagkalulong pa rito. Marami ang mga ahensya ng gobyerno ang kumikilos upang maresolbahan ang napakasakit na katotohanang ang mga kabataan sa panahong ito ay tuluyan ng naligaw ng landas. Kahit ang simpleng mamamayan ay may magagawa upang matapos na ang problema sa bawal na gamot. Dapat nating isuplong sa mga alagad ng batas ang mga taong nagpapakalat ng bawal na gamot, hindi lang upang mailigtas ang mga taong maaaring gumamait nito kundi maging iligtas ang mga taong naging masama dahil sa epedemyang dulot ng paglaganap ng bawal na gamot. Sa tulong ng Dangerous Drugs Board, magtatayo sa kani-kanilang tanggapang panlalawigan ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), ang National Youth Commission, at ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ng special education center para sa mga outof-school youth at batang-kalye. Ang nasabing Center, na pamumunuan ng panlalawigang Social Welfare Development Officer, ay magiisponsor ng mga programa sa pagsugpo sa ilegal na droga, mga gawain at kampanya na layuning turuan at imulat ang mga out-ofschool youth at batang-kalye tungkol sa masasamang epektong pang-aabuso ng ilegal na droga. Ang mga programang

sisimulan ng Center ay susundan naman ng lahat ng mga pampubliko at pribadong bahay-ampunan at sentro para sa mga batang-kalye. Mungkahi ng ibat ibang awtor ang pagkakaisa at pagdadamayan para matigil na ang walang kabuluhang pagdanak ng dugo dahil sa epekto ng bawal na gamot. B. KONKLUSYON Ang mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na mas pipiliin ang pagbabagong buhay ay walang dudang magkakaroon ng panibagong kinabukasan. Maaaring may mga taong walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan nila ngunit natitiyak naman na mayroong mga taong hangad ang kanilang magandang kinabukasan at pagbabago. Ang ibat-ibang organisasyon tulad na lamang ng Dangerous Drugs Boardo DDB ay naglalayong maisalba ang mga kabataan mula sa kasawiang idinulot ng bawal na gamot. Ang mga kabataang nasa ilalim ng kanilang bubong ay nabibigyan ng pagkakataong tumira sa maayos na tahanan na may kaakibat na wastong pangangalaga, rehabilitasyon at counseling kung saan tinuturuan sila ng mga alternatibong mga gawain para tuluyan na nilang maiwasan ang bawal na gamot. Napakahirap para sa isang kabataan ang masira ang buhay dahil lamang sa sandaling pagkahumaling sa bawal na gamot, sisirain nito hindi lamang ang buhay niya kundi pati na rin ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. C. REKOMENDASYON Dahil sa hindi nabibigyan ng pansin ng gobyerno o ibang mga ahensya ang karamihan sa mga kabataang lulong sa bawal na gamot, tuluyan ng naliligaw ng landas ang mga ito at nawawalan ng pag-asa. Makakatulong sa mga kabataang lulong sa bawal na gamot kung magbibigay ng ispiritwal, emosyona at pisikal na tulong sa mga ito. Hindi lamang makakabigay ng kaalaman sa pag-iwas sa bawal na gamot kundi ang pagkalinga at pagmamahal para muling mabuo ang maayos na pagkatao. Inererekomenda ng mga mananaliksik na gawin ng pamanahong papel sa mahabang oras, sikapin din na maghanap pa ng iba pang pagkukunan ng impormasyon tulad ng mga departmento.

BIBLIYOGRAPIYA

BOOKS Remedios Nalundasan Abijan, DR. R.C. Cruz at Dr. A.L. Miranda, Physical Education Health and Music II, pp. 193-194, St. Augustine Publication Inc., 1997 Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya, Kagarawan ng Edukasyon at Sports, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan, at Musika III, p.77, Book Media Press, Inc., Ediyon 1997 Impact of Science on Society: Mans Addiction and How to Deal With Them Volume 34, No. 33, 1984 Celia T. Adriano, G.I Sacdalan at R.R Calubayan, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika III, p. 168, FNB EDUCATIONAL INC., Ediyon 2000 Guineveve I. Sacdalan, I.B. Avino at R.R Calubayan, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika IV, p. 97, FNB EDUCATIONAL INC., Ediyon 2000 Robert C. Kolodny, N.J. Kolondy, T.E. Bratter at C.A. Deep, How to Survive Your Adolescents Adolescence, p.95, Brown and Company, 1984. Are, Eriksen et al. Alcohol and Drugs Perspective: Prevention and Control Asia Pacific Region, Ramatlana, Sri Lanka Fe. 1988 Gold, Mark, The Facts About Drugs and Alcohol Nowlis, Helen. Drugs Demystified. UNESCO Press, Paris 1975 SOURCE BOOKS/HANDBOOKS Questions Young People Ask, Answers that Work, pp. 280-281, Watchtower bible and tract Society of New York Inc. 1989 Source Book on Drug Education, DECS, Pasig Metro Manila, 1999 A Primer, Drug Abuse and You R.A No. 6425 as amended Handbook and Resource Guide on the Intensified School-Based Community Oriented Drug Abuse Prevention and Control Program. Resource Book for drug Abuse Education (Second Edition) National Clearing House for Drug Abuse Information. MAGAZINES/PAMPHLETS/JOURNALS The Dangerous Drugs Act of 1972 What you should Know About Drugs- An Information Kit for a Drug-free Philippines Adolescent Counselor, Vol. I, No. 6, February-March 198

You might also like