Professional Documents
Culture Documents
Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason) ANG BAWAT WIKA AY ANGKOP SA BAWAT KULTURA Anupat ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit itoy hindi kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin ng mga Indios na may ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura ng mga Kastila, kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit hindi sapat ang gayon upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilanilang nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979) Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat ng panig sa mundo. May etnograpikong
pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi. (Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang kaiba sa kultura ng ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim at kusang umuusbong ang isang wikang likas sa kanila. WALANG WIKANG SUPERYOR SA IBANG WIKA Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas ng nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng lahat wikang ipahayag ang anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika. Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang kultura; gayundin ang wikang Niponggo sa mga Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik, ang Filipino sa mga Pilipino atbp. Hindi maipipilit ng mga Amerikano na mas mabisa ang kanilang wika kaysa sa mga Pilipino. Mas mabisa ang wikang Ingles kung Amerikano ang gumagamit at ginagamitan, gayundin sa wikang Filipino, higit na mabisa kung ang kausap ay kapwa Pilipino. ANG WIKA AT KULTURA AY MAGKABUHOL Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng isang kultura. (Santos, et al., 2009) Sa kultura ng mga Eskimo, may labinlimang (15) katawag an sila sa ibat ibang kalagayan ng nyebe (snow). Snowflake, Frost, Fine Snow, Drifting Particles, Clinging Particles, Fallen Snow, Soft Deep Fallen Snow, Crust on Fallen Snow, Fresh Fallen Snow, Fallen Snow floating on Water, Snow Bank, Snow Block, Snow Cornice, Blizzard, at Severe Blizzard. (Woodbury, 1991) Hindi maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo sa ibat -ibang kalagayan ng nyebe (snow) sapagkat ang snow ay parte na ng kanilang kultura at ang labinlimang (15) katawagan na yun ay napagkasunduan ng pangkat nila. Sa kabilang dako, hindi rin naman angkop sa ating mga Pilipino na gamitin ang labinlimang katawagan sapagkat wala namang nyebe dito sa bansang Pilipinas. Sa madaling sabi, hindi ito parte ng ating kultura. Bagamat isang salita lamang ang ginagamit ng mga Pilipinonyebe (wala talagang katawagan tayong mga Pilipino sa snow sapagkat ang nyebe ay galing sa wikang Kastila na Nieve) ngunit hindi nangangahulugan na mahinang uri ng wika ang Filipino kung ihahalintulad sa wika ng mga Eskimo. Pansinin din natin na kung mayroon silang ibat-ibang katawagan sa nyebe wala naman silang mga katawagan tungkol sa pagsasaka. Sabihin na nating sa mga uri ng bigas sa Pilipinas katulad ng Sinandomeng, Bordagol, Banay, Masipag atbp. O hindi kaya sa ibat-ibang luto ng bigas na sa wikang Ingles ay tinatawag nilang rice. Upang mas maging malinaw tignan ang dayagram sa ibaba.
Makikita sa dayagram na mula sa pagiging palay, nagiging bigas ito kung naalisan na ng balat. Kung naisaing na ang bigas, kanin na ang tawag dito. Kung malamig na ang kanin, bahaw na ang tawag. Ang nakadikit sa pinaglutuan ng bigas na naging kanin, tutong ang naging tawag natin. Ngunit sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag nila sa mga ito rice na dinagdagan lamang ng pang-uri. Old o Cold rice para sa kaning lamig o bahaw, fried rice para sa sinangag at burnt rice para sa tutong. ANG KAHALAGAHAN NG WIKA AT KULTURA Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa ibat-ibang lugar upang makapag-usap, upang magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011) Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala tayong komunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa, walang pagkakaisa at higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang tagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso, et al., 1991) Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga. Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-galang o ginagalang ng lahat at tayoy makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala sa isat-isa. Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at isinaayos na set o kabuuan ng silasalitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, kaugalian at uri ng pamumuhay o kultura ng isang pangkat sa isang bansa o lipunan. Sanggunian: Aklat
Bernales, Rolando A. et al., 2001. Pagbasa at Pagsulat sa Ibat ibang Disiplina. Mutya Publishing House, Inc. Valenzuela City. Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore Inc. Manila, Philippines. Santos, Angelina L. et al., 2009. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Mutya Publishing House Inc. Malabon City. Wardhaugh. Ronald. 1992. An Introduction to Sociolinguistics. 2
nd
Internet
http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html http://languagelinks.org/onlinepapers/wika2.html http://ramildemerin.blogspot.com/2012/05/uri-ng-kultura.html http://rozzignacio.blogspot.com/2011/08/wika-at-kultura.html http://www.princeton.edu/~browning/snow.html