You are on page 1of 2

Rañin , Manilac Melissa S. Filipino 2 9:30 to 10:30 AM Gng.

Emphasis

Ang Krisis Ay Di Biro... Pero May Bukas Pa

Nagtataasang presyo ng mga bilihin, lumalalang kawalan ng trabaho,


bumababang halaga ng pera, kriminalidad - iilan lamang ito sa maglalarawan na
bahagi tayo sa pandaigdigang krisis pinansyal. Samaktuwid, ito ang magpapasigaw
sa atin na ANG KRISIS AY DI BIRO.

Talagang ang krisis ngayon ay damang-dama ng karamihan.


Nakapanglulumo ang sitwasyon na pipila ang mga kababaihan at mga bata para
makakabili lang ng bigas ng NFA. Ang iba’y nag-away na nga nang dahil sa bigas.

Nang dahil sa krisis, mas maraming pamilya ngayon ang di na makakain ng


pagkain na sapat sa dami at sustansya. Nakakaawa ang mga paslit na sa paggising
sa mundo kaharap na mismo ang kahirapan.

Sa kasalukuyan, tiyak na marami sa mga nakapagtapos sa hayskul ang hindi


na makakapasok sa kolehiyo lalo na sa pribadong paaralan. Tila mauunsyami ang
mga matatayog na pangrap ng mga kabataan.

Bagama’t ganito katindi ang kahirapan, hindi tayo dapat mawalan ng pag-
asa. May bukas pa ang naghihintay. Ang mahalaga ay marunong tayong mag-
prayoridad sa mga bagay na kinakailangan.

Una, dapat marunong tayo magtipid sa mga bagay-bagay. Halimbawa,


patayin ang ilaw kung di kailangan. Huwag mag-aksaya ng tubig. Pangalawa, huwag
gumastos ng higit sa badyet. Kung maaari, huwag mangutang dito, mangutang
doon kung alam mo na hindi na kayang bayaran sa natitira mong sahod. Pangatlo,
maging kontento kung ano meron ka. Huwag mainggit. Mamuhay ng simple. Ayos
na ‘yon.

Sa kabilang dako, nawa’y ang mga opisyales ng pamahalaan mula sa


pangulo hanggang sa kagawad ng barangay ay dapat magbibigay ng serbisyong
totoo. Kung ano ang laan na halaga para sa mga proyekto ay ilalapat sa proyekto
para malulubos ang pera ng ating bayan at sa gayon ay mabibigyan ng trabaho ang
mga walang trabaho- kikita sila at magkakaroon ng pagkakataon na masasagot ang
mga pangangailangan ng pamilya.

Walang krisis na di natin kayang lagpasan. Alalahanin ang pahayag sa


Bibliya na di tayo bibigyan ng Panginoon ng problema na higit sa ating kakayahan.
May bukas pa kahit anumang krisis na raragasa sa atin na animo’y bagyo.

You might also like