You are on page 1of 3

Christian Michael A. Perreras Ika- 25 ng Agosto 2-B Gng.

Fe

1. Ano ang pinagkaiba ng sugnay na makapag-iisa sa di makapag-iisa? Ang sugnay na makapag-iisa ay may simuno at panaguri na maaring tumayong mag-isa kahit walang katulong na sugnay. Ito rin ay maaring tawaging punong o malayang sugnay na nagsasaad ng buong diwa.

Ang sugnay na di makapag-iisa naman ay hindi nagsasaad ng kumpleto o buong diwa. Wala itong simuno o panaguri. Ito ay idinadagdag sa punong sugnay upang makabuo ng isang buong pangungusap na puno ng diwa. Ito rin ay maaring tawaging tulong na sugnay.

2. Magbigay ng limang halimbawa ng kasabihan at tukuyin ang pangunahing kaisipan nito

Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.


Ang ating lipunan ay parang isang gubat na maraming naglipanang mga traydor. Kahit saan man tayo mapadpad sa ating lipunan, mayroong mga taong di tapat at may mga masasamang layunin sa kapwa. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Ang gawang mabuti ay nagbubunga ng kabutihan at ang gawang masama ay magdudulot din ng kasamaan. Ito rin ay nagsasaad na ang bagay na pinaghirapan mo ay magbubunga ng maganda na makakapagpabuti sa iyong kinabukasan. Kung hindi ukol, hindi bubukol. May mga bagay sa mundo na sadyang nakatadhana para sa atin, kung kayat huwag natin ipilit makamtan ang bagay na hindi talaga para sa atin dahil hindi natin ito mangyayari. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Sa tagal ng pinagsamahan ng magkasintahan, at sa kabila ng lahat ng mga naging sagabal at suliranin na kanilang pinagdaanan, sila rin ang

magkakatuluyan sa bandang huli. Ito ay tanda ng kanilang pagiging matatag sa lahat ng pagsubok na kanilang kinaharap. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maraming taong tsismoso na maaring ipagkalat ito Kadalasan ang mga balita ay nadadagdagan pa kung kayat nakakasama ito. Sa madaling salita, mabilis kumalat ang mga balita o tsismis.

3. Anu-Ano ang Kayarian ng Pangungusap? Payak- Ito ay isang pangungusap na binubo ng isang buong diwa lamang. Tambalan- Ito ay pangungusap na binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa. Ito ay ipinaghihiwalay sa pamamagitan ng pangatnig tulad ng sapagkat, at, pati, dahil sa, ngunit, subalit, datapwat, bagamat at o. Hugnayan- Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sinasamahan ng isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ginagamitan ito ng mga pangugnay na kung, kapag, pag, nang, upang, kaya, gayon at habang. Langkapan- Binubuo ito ng isa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.

4. Magbigay ng tig dadalawang halimbawa ng bawat kayarian ng pangungusap

PayakAng aking kaibigan ay may bagong bisikleta sa labas ng bahay. Si Gab ay nag-aaral para sa darating na mahabang pagsusulit sa Filipino.

TambalanNatuwa ang mga magulang ni Michael sapagkat siya ay nakakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit. Maluluto na sana ang ulam ngunit naubusan sila ng gas sa bahay.

HugnayanHindi tayo tutuloy sa ating bakasyon kung uulan ng malakas bukas. Mag-aral ka ng mabuti upang makakuha ka ng mataas na marka.

LangkapanHindi natuloy ang pagpupulong dahil sa masungit na kalagayan ng panahon, kaya magkakaroon ng isa pang pagpupulong sa susunod na Linggo. Siya ay di makapaglakad dahil napilay ang kaniyang paa habang naglalaro kahapon kaya siya ay naiwan na lamang sa bahay.

You might also like