You are on page 1of 1

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino Ang bansang Pilipinas ay mayroong 7,107 na mga isla.

Kaya ito ang isa sa mga rason kung bakit may ibat-ibang linggwahe ang bansa-may Waray, Bisaya, Cebuano, Ilonggo- kaya hindi masyadong nagiintindihan ang iba. Pero hindi bale ito, dahil meron namang Pambansang Wika ang Pilipinas ang wikang Tagalog. Ang Wikang Tagalog ang nakapagiisa sa mga Pilipino, dahil ditto, nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang mga tao, at kapag nagkaiintindihan at nagkakaunawaan ang mga tao, may maganda itong maidudulot-gaya ng pagunlad ng bayan. Ang pag-uunlad sa bayan ay mahirap gawin. Pero kaayang kaya natin to kapag tayong lahat ay magsasalita ng ating pambansang wika, at kung gagawin natin ang lahat para lang tayo maging magaling sa pagsasalita nito. Kapag magkaiintindihan tayong lahat,matutulungan natin ang bawat isa at maabot din natin ang nakamit ng ibang bansa- ang kayamanan at tagumpay. Sabi nga nila, kapag magkakaisa, makakamit din ang mga bagay na inaasam- kahit gaano pa ka impossible ito. Kaya para sa akin, kapag magiging tatag ang ating wika, magiging matatag at malakas din tayo. At kapag malakas tayo, magigingng mas malakas ang ating Bayan.

You might also like