You are on page 1of 2

Nang at Ng

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Ang NANG ay ginagamit na: 1. Kasingkahulugan ng NOONG 2. Kasingkahulugan ng UPANG 3. Pinagsamang NA at ANG 4. Pinagsamang NA at NG 5. Pinagsamang NA at NA 6. Nagsasaad ng PARAAN 7. Pang-angkop ng pandiwang inuulit

Mga halimbawa: 1.1 NANG (noong) isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo. 1.2 Sariwa pa sa aking alaala ang mga tagpo NANG (noong) ako ay bata pa.

2.1 Mag-aral kang mabuti NANG (upang) makatapos ka sa yong pag-aaral. 2.2 Tawagin mo ang doktor NANG (upang) magamot na ang mga may sakit.

3.1 Labis NANG (na ang) panglalait ang natamo niya. 3.2 Itigl NANG (na ang) pangaabuso sa mga maralita!

4.1 Isinagad NANG (na ng) tsuper ang kanyang apak sa silinyador. 4.2 Napahamak NANG (na ng) tuluyan ang kanyang anak NANG (noong) itoy kanyang iwan.

5.1 Ikakasal ka NANG (na na) hindi ka pa handa? 5.2 Umalis ka NANG (na na) hindi man lang nagsuklay.

6.1 Inabot niya NANG patingkayad ang dumi sa ibabaw ng tokador. 6.2 Manalangin ka NANG taimtim NANG (upang) makamit mo ang iyong minimithi.

7.1 Kain NANG kain pero payat, tulog NANG tulog pero puyat. 7.2 Iyak NANG iyak ang mga batang naulila dahil sa trahedya.

Ang NG naman ay ginagamit kung: 1. Sinusundan ng pangngalan (noun)

2. Sinusundan ng pang-uri (adjective) 3. Sinusundan ng pamilang (counting nouns)

Mga halimbawa: 1.1 Ang tokador ay puno NG damit. 1.2 Ang balon NG tubig ay tuyo na.

2.1 Bumusina nang malakas ang tsuper NG taksi. 2.2 Kumuha siya NG malamig na tubig.

3.1 Kumuha siya NG isang basong tubig. 3.2 Nagsama siya NG sampung kawal.

May mga pagkakataon na parehong tama ang paggamit ng NANG at NG sa pangungusap (grammatically correct) ngunit magkaiba ng pakahulugan at kagamitan (usage). Halimbawa: 1. Kumuha ka NANG papel. (Pagtatama: Ito ay isinusulat ng "Kumuha ka NA NG papel [get the paper already). 2. Kumuha ka NG papel. (Get some paper, get a piece of paper, to distinguish it from "get the paper" which means "get the newspaper").

Parehong tama ang dalawang pangungusap ngunit magkaiba ng pakahulugan. Ang unang pangungusap ay nagbibigay ng diin na dapat ngayon na o sa sandaling ito dapat ng kumuha na ng papel ang inuutusan. Maaaring isulat ito na Kumuha ka NA NG papel. Samantalang ang ikalawang pangungusap ay naguuto s lang na kumuha ng papel. - mula kay G. ACGavino Kategorya:

You might also like