ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng
ponemang kasunod nito. d.l.r,s,t b, o p k,g,h, m, n, ng,w, y PAN PAM PANG MAN MAM MANG SIN SIM SING SAN SAM SANG Hal. Pan+ dikdik pam + bayan pang + gabi =Pandikdik =pambayan =panggabi 2. METATESIS kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon. Hal. -In + lipad = linipad = nilipad - in + yaya = yinaya = niyaya 3. PAGKAKALTAS NG PONEMA . Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. Hal. Takip + -an = takipan = takpan Sara + -han= sarahan = sarhan 4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian. Hal. Basa + -hin = basahin -ka + sama+ han = kasamahan 5. MAY ANGKOP kung sa dalawang salitang magkasunod ang unay nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang. Hal. Wikain mo kamo Hayaan mo hamo Winika ko ikako 6. PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi. Hal. D R Ma + dapat = madapat marapat Ma + dunong = madunong marunong 7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /anan/ Hal. Antabayanan, antayan Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan