You are on page 1of 11

LIMANG ALAS, TATLONG SANTO

ni Amado V. Hernandez
anarule.gif (1534 bytes)
viganhouses.jpg (53037 bytes)
18th Century Houses
Vigan, Ilocos Sur
by Teofanes A. Ramiro, Best of the Island Photo Contest
March 19, 1997
Limang Alas Glossary
I
May uwing panalunan si Manuel nang gabing yaon: P700. Mahigit nang ika-11:
00 sa kanyang orasan. Alam niyang inip na sa paghihintay si Naty, ang kanyang
asawa, at walang salang nagkakagutom na naman. Mapapanis ang hapunan ay di-kaka
in si Naty habang siya ay wala, batid ni Manuel.
II
Ngunit anumang sama ng loob ngayon ay maaaring malunasan, inaasahan ni Manue
l sa sarili, pagkat ibibigay niya ang buong napanalunang P700. Ang halagang ito
ay hindi magaan kitain, lalo na ngayong siya'y walang tiyak na hanapbuhay. Da
lawang buwan nang nasasara ang bahay kalakal na pinapasukan ni Manuel, sampu ng
umuwi sa Estados Unidos ang Amerikanong may-ari sa dahilang kukuha ng kuwalta, s
ubalit hindi na nagbalik. Nag-iwan dito ng maraming utang pati ng ilang buwang
sahod ng may 20 kawani, kabilang si Manuel. Kaya naiisip niyang bagaman siya'y
ginabing lubha ay ipagpapaumanhin na ni Naty kung makita ang salaping uwi niya n
a sapat ng magdulot ng kaluwagan sa kanilang kasulukuyang kagipitan.
III.
Ang totoo si Naty ay hindi nanayag sa pagsusugal ni Manuel. Malimit na ito
ang kanilang ipagkagalit. Nagugunita niyang sa may sampung taon nang pagsasama
nila na ipinagkaroon ng tatlong malulusog na anak ay walang ibang dahilan ang a
numang alitan nilang mag-asawa liban na sa pagsusugal ni Manuel. Kapag si Manue
l ay hinatinggabi sa labas ng bahay, talastas na ni Naty na siya'y nagsugal. P
ag si Manuel ay hindi nakabili ng mga ipinagbilin ng kanilang mga anak bago umal
is kung umaga, alam ni Naty na siya'y natalo noong araw na yaon. Kapag si Manue
l ay hindi maisama sa sine or sa nightclub, kahit minsan sa isang linggo man lam
ang, batid na rin niyang nahungkoy ang lahat ng salapi ni Manuel sa mesa ng poke
r. At simula na ang kanilang pagbabangay.
IV.
"Kung dangan kasi'y palagi ka sa kalye at hindi mo nalalaman ang nangyayari
dito sa bahay. Ano ang kuwenta sa iyo kung kami'y mahipan ng hangin o manigas s
a gutom. Ano ang malay mo kung magkano ang ibabayad sa koryente, sa tubig, sa r
asyon ng gatas, sa labada, sa matrikula ng iyong mga anak. Wala kang inaasikaso
kundi ang iyong sarili. Mayroon kang naisusugal ay ni hindi ko makuha ang rasy
ong bigas. Mayroon kang ipinatatalo ay nakasanla na pati ang kuwintas na minana
ko sa aking nunong nabulok!"
V.
Matangi sa "ikaw naman" "manong magtigil ka na" at "ano bang sugal ang sinas
abi mo?" si Manuel ay hindi gaanong nagsasasagot kay Naty. Si Manuel ay isang l
alaking may kapusukan sa kanyang kapwa lalaki; ngunit lagi siyang mapagpaumanhin
sa kanyang asawa. Lasong-lason sa loob niya ang marinig ng kanilang mga anak n
a sila'y nagtatalo o malaman kaya ng mga kapitbahay na sila'y di nagkakasundo.
Dinaraan niya sa lamig palibhasa'y hindi kaila sa kanya na ang isang babaeng nag
agalit ay walang iniwan sa isang rabentador na putok nang putok ay hindi naman n
akakasakit. Saka may subo ba ang sinaing na hindi naaawat at natapos sa mabango
ng aso ng isang isang pinggang kanin?
VI.
Si Manuel ay hindi naman isang manunugal na talaga. Ang sugal ay hindi isan
g bisyo niya, manapa'y isang libangan. Gaya rin ng alak, marunong siyang uminom
at umiinom siya tuwing mapapasubo sa pagtitipon ng mga kaibigan, nguni at kaila
n man ay hindi siya napainom sa alak. Hindi pa siya naaalaalang umuwi siya ng b
ahay na lasing. Naglalaro siya kung nakakayag, ngunit hindi panay. Maari siyan
g maging kapupunan sa mesa ng mahjong o poker; nakikipagsapalaran siyang manaka
naka sa blackjack o hearts. Kung minsan, kung may tip na sigurong plantsado ng
nag-abuloy sa kanya, siya'y nagpaparaan ng ilang oras sa Manila Jockey Club, o s
a Sta. Ana Racing Tracks kung linggong may karera. Datapwa't siya'y hindi malak
as ni subo. Kahanga-hanga ang kanyang pagpipigil sa sarili. Bihira siyang lum
agpas sa puhunang P100 maging sa poker o sa mahjong o sa karera o sa jai alai.
Kung matalunan siya ng isang daan ay kagyat na tumitigil na, at kailanman ay hin
di niya tinangka o pinagpilitan habulin, bawiin ang halagang natalo na. Talos n
iyang may mga araw na sadyang malas at ang pagpipilit ay lalo lamang ikababaon.
Ang pagkakabaon sa sugal ay isang kasawiang kalungkot-lungkot, at may matibay n
a panata si Manuel na ito'y huwag mangyari sa kanya kailan man.
VII.
Bukod pa sa rito, may palagay siyang kung ang sugal ay isang sakit ng kapisa
nan o ng isang bahagi ng kapisanan, ang sakit na kaipala'y hindi na malulunasan.
Maaaring itulad sa pagbibili ng aliw na isang karamdamang matanda pa kaysa kas
alukuyang sibilisasyon. Madalas niyang masabi na talagang mahirap sugpuin ang
sugal at nabanggit niyang pati ang tunika ni Hesukristo ay pinagsugalan ng mga H
udyong naghuhubad at lumapastangan sa kanya. Sa ganang kay Manuel, magiging tap
at at hindi kabilanin ang pamahalaan kung pagkakalooban ng lisensiya ang mga bah
ay-sugalan at club na ngayo'y pinagbabawal, at komisyon sa mga larong libangan,
gaya ng sabong, jai alai, karera at sweepstakes. Sa gayong paraan maiiwasan ang
suhulan at pagmamalabis at ang gobyerno nama'y makakapagpairal ng iisang bataya
n lamang ng pakikitungo sa lahat ng uri ng sugalan at sapalaran na di paris ngay
ong gumagamit siya ng tinatawag na double standard o sa lalong maliwanag na pama
maraang "sa pula, sa puti."
VIII.
Naglaro sa isipan ni Manuel ang mga tinurang isipin habang siya'y nagdudumal
i sa pag-uwi na lulan ng isang taksi. Subalit higit kaysa ibang paksa ng pagbu
bulay-bulay ay pabalik-balik sa gunita niya kung papaanong nanalo siya sa poker
ng P700. Ang akala niya ay talo na naman siya gaya ng karaniwan. Wala na ang P
85 sa P100 labas niya. Di niya inaasahang siya'y makababawi man lamang. Ngunit
walang anu-ano'y kinasihan siya ng suwerteng pambihira, sa tatlo o apat na huli
ng "deal". Sa isang karaniwang "senatorial" na sinalihan ng lahat ng anim na ma
gkakaharap sa mesa ng poker, ang P15 niya ay naging P90. Sukat ba namang sa "se
natorial" na sinalihan ng anim ay nanalo ang "trio de king" lamang hindi nagkaro
on ng "flush" ni "straight". Ang sumunod na "deal" ay "locktail" at natodo na n
aman ang P90, ngunit dalawa lamang ang "call" at siya ay kumabig uli sa pamamagi
tan ng "full house". Ang ika-apat na baraha sa "obligado" ay "jack" at ang kasa
ma ay isang "nueve" at isang "seis"; may hawak siyang dalawang "jack", samakatu
wid pagdating ng "jack" ay mayroon na siyang "highest trio". Ang ika-limang bar
aha ay "duplicacion" ng "nueve" kaya siya ay nakayari ng tatlong "full de jack c
on nueve". Sa kabila ng "red cross" ay "colapso" at "trio de dos" lamang ang pi
nakamataas. Kaya nasamsam niya ang buong "pot" na umaabot sa P300.
IX.
Ang pangatlong deal na naging "sensacional" ay "eight cards stud, choose you
r wild". Kinakanan niya ang dealer. Pagdating sa ika-limang karta ay "good" n
a ang dalawang alas na nakataob. Samantala sa kinakaliwa niya ay may isang alas
na nakabilad din ang "dealer" ay isang pang alas na "bistado". Ang kinakanan n
g "dealer" ay may "perde buen". Ang "pas de buwan" ay nagmanda ng P120 na kasin
glaki ng "pot". Ang dealer ay matunong na nagsabi ng "good" ngunit si Manuel a
ng kanyang kinakaliwa ay kapwa "call". Sa ika-anim na baraha'y dinatnan ni Manu
el ng isa pang siyete; kaya siya ay may "par" na ring "ala vista", bagamat mata
as pa rin ang "par de buen" na dinatnan ng isang "king". Ang kanyang kinakaliwa
ay tiyak na may "royal" pagkat ang alas na espada ay natambalan ng isang "jack"
at "diez" na espada rin. Ang "par de queen" ay tumaya ng P180 na parang tinapat
an ang nalalabing kuwalta niya sa harap at kahit alanganin at alam niyang malama
ng ang kanyang katalunan kaysa kapanalunan, ay waring nagpanting ang kanyang tai
nga at itinulak na rin ang P180 sa kanyang harapan. "Call" ang mataginting na
sagot ni Manuel. Ang "royal" sa kaliwa ay sali na rin, pagkat talagang "muerta
natural." Ang ika-pitong baraha niya ay isang "cinco" kaya hindi nagkaroon ng a
numang "improvement."
X.
Tago ang huling baraha "ang babala ng dealer" at idinulot sa kanya ang pangw
along baraha. Halos wala na siyang pag-asa. Gayunman, hindi maikubli ang pangi
nginig ng kanyang mga daliri na dinampot ang huling "karta", ipinailalim sa tatl
ong hawak niya, saka marahan at buong pananabik na pinintahan. Anong laking suw
erte! Ang dumating ay isang siyete, ang kahuli-hulihang siyete, kaya siya'y nak
ayari: "Quinto de aces" o limang alas na siyang pinakamataas na "karta" sa "cho
ose your wild", ang "par de queen" ay nakayaring "quinto de queen" at ang kinaka
liwa niya ay "royal" nga.
XI.
"Your money" at halos panabay na saad ang dalawang kalaban nang makitang ini
lahad ni Manuel ang dalawang alas at tatlong siyete. At nakatawa niyang kinabig
ang lahat ng kuwalta. Nang bilangin niya ang inabot ng kanyang P15 ay kulang k
ulang na P1,000 pagkaraan ng tatlong "deal" lamang. Tinawag niya ang "waiter" a
t nagpakuha ng isang kahong "koronas" na alhambra at isang dosenang botelya ng s
erbesa; pinatakbo't pinainom pati ng mga miron na parapara nilang mga kaibigan.
XII.
Isa pang round at nagka-ayawan na pagka 11:00 na halos ng gabi. Namahagi si
Manuel ng kaunting balato at ang natirang malinis niyang pinanalunan ay P700 na
kanyang ibinukod habang matuling tumatakbo ang taksi na patungo sa kanyang inuu
wian.
Pagtigil ng taksi sa tapat ng kanilang bahay ay si Naty na rin ang nagbukas
ng pinto kay Manuel; wala ang dating ngiti at giliw ng mukha; sa halip ay nakamu
ngot at nanlilisik ang mga mata.
XIII.
"Ano, hinatinggabi ka na naman sa sugalan!" ang padarag na bati sa kanya.
Magsasalita sana si Manuel at magpapaliwanag, isasalaysay sana niya ang nang
yari, datapwat hindi siya binigyan ng daan ng asawa.
"Pihong natalo ka na naman, nalimas na naman ang iyong salapi," ang patuloy
ni Naty. "Halika," at siya'y mahigpit na hinawakan sa isang kamay, pahilang ina
kay hanggang sa kabahayan sa itaas at halos pakalakad na ipinasok sa kanilang si
lid dalanginan.
"Nakikita mo ba ang mga santong iyan?" ang tanong ni Naty at itinuro kay Man
uel ang imahen ng Sagrado Corazon de Jesus, ang Nazareno at ang Mahal na Birhen
na nakapaloob sa tig-isang sisidlang kristal na naiilawan ng tig-isang kandila.
Ang tatlong santo ay tahimik na pinagmalas ni Manuel.
"Hindi ka maaaring manalo sa sugal," ang wari'y hatol na sinabi sa kanya ni
Naty. "Imposible! sa sandaling maiisip kong nagsusugal ka ay dagli akong lumulu
hod sa harap ng tatlong poong iyan at idinadalangin kong kahimanawari'y matalo k
a."
Ipinagdiinan pa mandin ng babaing nagagalit ang mga katagang "idinadalangin
kong kahimanawari'y matalo ka" at sinundan ng irap si Manuel na parang sinabing
"nakita mo na"
XIV.
Hindi humuma si Manuel, ngunit marahang idinukot ang kanyang kanang kamay sa
bulsa ng kanyang pantalon at sinalat at hinaplos ang bilot ng mga papel de bang
kong ang P700 na kanyang napanalunan. At sa malamlam na liwanag ng mga kandila
sa silid ng kaunting matuptop ni Naty ang isang makahulugang ngiting namulas sa
kanyang mga labi. Natiyak ni Manuel sa kanyang sarili na mapaghimala man ang ta
tlong santo ay lalong mabisa at makapangyarihan kaysa kanila ang limang alas sa
ibabaw ng mesa ng poker.
XV.
Kinabukasan, ng mabuti-buti na ang ulo ni Naty ay inabot ni Manuel sa kanya
ang P700 at sinabing nasingil niya ang bahagi ng kanyang suweldong hindi nabayar
an. Hindi ipinagtapat ni Manuel na yao'y panalunan sa poker pagkat ayaw niyang
mapahiya ang tatlong santo sa kanyang asawa.
Back to Top
TALASALITAAN (Glossary)
I.
may uwi -- a present brought home
panalunan -- prize money
orasan -- watch, clock
inip -- to be tired of waiting
asawa -- spouse
walang sala -- no doubt, undoubtedly
gutom -- hungry
panis -- spoiled
hapunan -- dinner
batid -- to know something with certainty
Back to Top
II.
sama ng loob -- bad or ill feeling
malunasan -- to be able to resolve
inaasahan - to hope for something
kitain -- to win, to earn
tiyak -- sure, certain
hanapbuhay -- job, work
nasasara -- shut down, closed
bahay kalakal -- shop, factory
may-ari -- owner
kuwalta -- money
nag-iwan -- left something
utang -- debt, loans
sahod -- salary
kawani -- workers, members, laborers
bagaman -- although
ipagpapaumanhin -- to be forgiven
sapat -- enough
magdulot -- to bring some benefit
kaluwagan -- relief
kagipitan -- difficulties, hard life, poverty
Back to Top
III.
nanayag -- to agree to, to condone
malimit -- most of the time, often
ipagkagalit -- to be the subject of quarrel, disagreement, or argument
nagugunita -- to remember
pagsasama -- living together as spouse
ipinagkaroon -- to have, as offspring
malulusog -- healthy
alitan -- disagreement, argument, quarrel
liban -- except for (something)
hinatinggabi -- idiomatic expression, came home late (past midnight)
talastas -- to know, based on past experience, by deduction
ipinagbilin -- to request something, usually for someone to bring home at en
d of the day
maisama -- to tag along to a place
nahungkoy -- to have spent everything
salapi -- money
pagbabangay -- quarrel, argument, disagreement
Back to Top
IV.
kalye -- street
kuwenta -- value
mahipan -- to be blown away (by the wind)
manigas -- to become stiff
gutom -- hunger
malay -- to know, to be aware
koryente -- electricity
labada -- laundry
matrikula -- school fees
inaasikaso -- to attend to
rasyong bigas -- rice ration
ipinatatalo -- (something) to lose
nakasanla -- to have (something) pawned
kuwintas -- necklace
minana -- inheritance
nunong nabulok -- dead ancestors
Back to Top
V.
matangi -- apart from
magtigil -- to stop
gaano -- much
nagsasasagot -- to answer back
kapusukan -- easily triggered off
mapagpaumanhin -- patient
lasong-lason -- very much a poison, toxic
marinig -- to hear
nagtatalo -- arguing
nagkakasundo -- in agreement
dinaraan -- to take a different approach
kaila -- not unknown
walang iniwan -- not different from
rabentador -- firecracker
putok -- explode, explosion
nakakasakit -- to hurt
subo -- noisy and bubling state of boiling rice
sinaing -- boiled rice
naaawat -- to put off a fight
mabangong aso -- good smell of steam from a newly boiled rice
Back to Top
VI.
manunugal -- gambler
sugal -- gamble
bisyo -- vice
libangan -- diversion
alak -- wine, liquor
mapapasubo -- cannot say "no" to an offer
pagtitipon -- party, casual drinking session
lasing -- drunk
nakakayag -- when asked to join something
panay -- often, most of the time
nakikipagsapalaran -- taking the risk
manakanaka -- every now and then
nagpaparaan ng oras -- killing time
kahanga-hanga -- admirable
pagpipigil sa sarili -- self-control
bihira -- not often
lumagpas -- to exceed
puhunan -- capital, as in money
matalunan -- to lose
kagyat -- immediately
tumitigil -- to stop doing something
kailanman -- ever since
tinangka -- to attempt to do something
pinagpilitan -- to insist
habulin -- to ran after
bawiin -- to get back something
talos -- to know, understand
malas -- unlucky, unfortunate
ikababaon -- to be burried deeper
kasawian -- lost
kalungkot-lungkot -- very sad
matibay -- strong, sturdy
panata -- a promise to one's self or somebody
Back to Top
VII.
palagay -- opinion
kapisanan -- body
malulunasan -- can be cured
aliw -- pleasure
kasalukuyan -- present
sibilisasyon -- civilization
sugpuin -- eradicate
lumapastangan -- one who dishonors
pagkalooban -- give, provide
bahay-sugalan -- gambling house
komisyon -- commission
libangan -- diversion, entertainment
sabong -- cockfight
jai alai -- a form of pelota game with bets
karera -- horse race
sweepstakes -- ticket lottery
suhulan -- bribery, to bribe someone
pagmamalabis -- corruption, or abuse of power
makakapagpairal -- to implement
batayan -- standard, guideline
pakikitungo -- to deal with somebody
uri -- kind, type
paris -- the same as, similar to
maliwanag -- clear
pamamaraan -- ways, means
Back to Top
VIII.
isipan -- mind
isipin -- questions, puzzle, issues
habang -- while (in the midst of)
nagdudumali -- in a hurry
lulan -- on board a transportation
paksa -- topic, issue, subject
pagbubulay-bulay -- argument, reasoning
pabalik-balik -- returning, flashback
gunita -- memory
karaniwan -- ordinary, regular
inaasahan -- to hope for
makakabawi -- to recoup, to get back something that was already lost
walang anu-ano'y -- suddenly
kinasihan -- to have been favored
suwerte -- luck
pambihira -- rare
sinalihan -- joined by
magkakaharap -- facing one another, to face each other
sumunod -- that which came after
natodo -- all together, total
kumabig -- to pull
pamamagitan -- by means of
hawak -- to hold something by the hand
samakatuwid -- therefore, in other words
pagdating -- to come
baraha -- card, as in playing cards
kabila -- flipside, other side
pinakamataas -- highest
nasamsam -- to get everything for one's self
umaabot -- close to, approximately
Back to Top
IX.
nakataob -- upside-down
samantala -- in the meantime
kinakanan -- right side (kanan=right)
kinakaliwa -- left side (kaliwa=left)
nakabilad -- lying face up
kasinglaki -- as big as (something)
matunong -- clear
kapwa -- the same
dinatnan -- followed by
bagamat -- although
tiyak -- certain
pagkat -- because
natambalan -- paired with
tumaya -- to bet
parang -- as if
tinapatan -- to match something
nalalabi -- what is left
harap -- in front of
kahit -- despite, eventhough
alanganin -- uncertain, undecided
malamang -- greater in value
katalunan -- losing streak
kaysa -- ...than...
kapanalunan -- winning streak
wari -- as if, it seems, looks like
nagpantig -- irritated
tainga -- ear
nagpantig ang tainga -- provoked
itinulak -- to push something
mataginting -- very loud and clear
sali -- to join
talaga -- really
Back to Top
X.
tago -- hidden
huli -- last
babala -- warning
idinulot -- to be given to somebody
halos -- almost
pag-asa -- hope
gayunman -- despite that
maikubli -- to hide
panginginig -- shaking
mga daliri -- fingers
dinampot -- to pick up
ipinailalim -- to put at the bottom
hawak -- to hold something by the hand
saka -- and then
marahan -- slowly
buong pananabik -- (literal) wholly excited; very excited
pinintahan -- to paint
laking suwerte -- big luck
kahuli-hulihan -- the very last
nakayari -- to hit the jackpot
Back to Top
XI.
panabay -- at the same time
saad -- to have said
kalaban -- opponents
inilahad -- to lay before the table
nakatawa -- in a laughing manner
kinabig -- pull towards one's self
bilangin -- to count something
kulang kulang -- more or less
tinawag -- to call somebody
serbesa -- beer
pinatakbo -- to ask somebody to run
pinainom -- to ask somebody to drink
pati -- including, also
miron --- kibitzer
parapara -- as if
Back to Top
XII.
nagka-ayawan -- to have grown tired of
ayaw -- don't like
namahagi -- to distribute
balato -- something given away after winning something, usually part of
sharing one's good luck with others
natira -- what is left
ibinukod -- to set aside
habang -- while
matulin -- fast
tumatakbo -- running
patungo -- towards
inuuwian -- where one goes home
pagtigil -- after stopping
ngiti -- smile
giliw -- charm
mukha -- face
sa halip -- instead of
nakamungot -- frowning
nanlilisik -- fierce
mata -- eye
Back to Top
XIII.
hating-gabi -- midnight
hinatinggabi -- to have been caught by midnight in another place
outside the house
padarag -- angrily
bati -- greeting
magsasalita -- to say something
sana -- to have wished, to have wanted
magpapaliwanag -- about to explain
isasalaysay -- to narrate
datapwat -- but, however
daan -- way
piho -- it looks like, apparently, it seems
na naman -- again
nalimas -- to have used up
patuloy -- to continue (doing something)
halika -- "come here"
mahigpit -- tightly
hinawakan -- to be held by the hand
pahila -- pulling
inakay -- to lead the way
kabahayaan sa itaas -- upper level of the house
halos -- almost
pakaladkad -- to pull something or somebody in prostrate position
silid dalanginan -- prayer room, altar
nakikita mo ba -- "can you see"
santo -- saints, image of saints
imahen -- images
tig-isang -- one each of an item or thing
sisidlang kristal -- crystal container
naiilawan -- lighted by
tig-isang kandila -- a candle each
tahimik -- silent, silently
pinagmalas -- to look at, observing
hindi... maari -- cannot
manalo -- to win
wari -- as if
hatol -- judgment
dagli -- immediately
lumuluhod -- to fall on bended knees
idinadalangin -- to pray
kahimanawari -- wishing
matalo -- to lose
ipinagdiinan -- to stress, to emphasize
pa mandin -- too, also
kataga -- phrase
irap -- rolling of eyes, or sneer at someone to indicate displeasure
Back to Top
XIV
humuma -- to calm down
marahan -- slowly
idinukot -- to pick up something by the hand
bulsa -- pocket
pantalon -- trousers
sinalat -- to grope or feel by the hand
hinaplos -- to feel by the hand
bilot -- rolled bundle of paper
papel de bangko -- currency, bills
malamlam -- faint, low
liwanag -- light
matuptop -- to notice, to see
makahulugan -- meaningful
ngiti -- smile
namulas -- emanate from
labi -- lips
natiyak -- to have made sure
mapaghimala -- miraculous
mabisa -- effective
makapangyarihan -- powerful
Back to Top
XV.
kinabakukasan -- the day after
mabuti-buti -- to have become better in terms of physical condition
nasingil -- to have collected money owed
bahagi -- part
suweldo -- salaray
ipinagtapat -- to confess
mapahiya -- to be embarassed
Back to Top

You might also like