You are on page 1of 10

ANG PAGKAKAROON NG ANTAS NG WIKA

AY ISA PANG MAHALAGANG KATANGIAN


NITO. TULAD NG TAO, ANG WIKA AY
NAHAHATI RIN SA IBAT IBANG
KATEGORYA AYON SA KAANTASAN NITO.
KUNG TUTUUSIN, ANG ANTAS NG
WIKANG MADALAS NA GINAGAMIT NG
ISANG TAO AY ISANG MABISANG
PALATANDAAN KUNG ANONG URI NG
TAO SIYA AT KUNG SA ALING ANTAS-
PANLIPUNAN SIYA NABIBILANG.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng
tao ang mga antas ng wikang ito
nang gayoy maibagay niya ito sa
kanyang katayuan, sa hinihingi ng
panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa
kategoryang Pormal at Impormal.
Sa bawat kategorya, napapaloob ang
mga antas ng wika.
A. PORMAL Ito ang mga salitang
estandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-
aral ng wika.
1. Pambansa. Ito ang mga salitang
karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng
mga paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika. Ito
naman ang mga salitang gamitin ng
mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay at masining.
Impormal.Ito ang mga salitang
karaniwan, palasak, pang araw-araw
na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala
at kaibigan.

1. Lalawiganin. Ito ang mga
bokabularyong diyalektal. Gamitin
ang mga ito ang mga partikular na
pook o lalawigan lamang, maliban
kung ang mga taal na gumagamit
nito ay magkikita-kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong
naibubulalas. Makikilala rin ito sa
pagkakaroon ng kakaibang tono, o
ang tinatawag ng marami na punto.
2. Kolokyal. Itoy mga pang-araw-
araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal. Maaaring
may kagaspangan nang kaunti ang
mga salitang ito ngunit maaari rin
itong maging repinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauuri rin sa antas
nito.
Halimbawa:

nasan (nasaan),
pano (paano),
sakin (sa akin),
sayo (sa iyo),
kelan (kailan),
meron (mayroon)
3. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles
na slang. Sa mga pangkat-pangkat
nagmumula ang mga ito upang ang
mga pangkat ay magkaroon ng
sariling codes. Mababang antas ng
wika ito, bagamat may mga
dalubwikang nagmumungkahi ng
higit pang mababang antas, ang
antas-bulgar (halimbawa nito ay ang
mura at mga salitang may
kabastusan).
Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal
ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang
usong salitang balbal ngayon at laos na
bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan
kung paano nabubuo ang mga salitang
ito. Minsan nga, dahil sa
napakasalimuot na prosesong
pinagdadaanan ng isang salitang
balbal, nagiging lubhang mahirap nang
ugatin ang pinanggalingan nito.
Kayrami ngang kabataang gamit nang
gamit ng mga salitang balbal na hindi
nila alam kung paano nabuo.

You might also like